Chapter 3

333 16 0
                                    

SAMANTHA'S POV.

"Samantha? Jusko kang bata ka. Bakit ngayon ka lang nakauwi?" bungad agad sa akin ni Lola pagbukas ko ng pintuan ng aming bahay.

Four o'clock pa lang ay gumising na ako. Pero bago ako umalis sa condo ni Kapre, naglinis muna ako at ipinagluto siya ng pagkain. Baka namaya isipin ng kapreng iyon na wala akong utang na loob sa kanya.

"Sorry po, Lola. Umulan din ho kasi." rason ko na siyang totoo naman talaga.

Tumango na lamang si Lola at agad akong sinamahan sa aking kwarto.

"Bukas na ang kasal niyo. Handa kana ba?"

Natigilan ako bigla. Linggo na pala bukas. Parang kailan lang noong wala pa akong magiging asawa, pero heto ako ngayon, malapit nang maitali sa taong hindi ko naman mahal.

"Hindi pa ako handa, Lola. Pero kinakailangan." tugon ko at pilit na ngumiti sakanya.

Napailing na lamang si Lola sa sinabi ko.

"O siya! Magbihis kana at mukhang basa pa iyang damit mo. Ipagluluto kita ng paborito mong adobo." ika niya at lumabas na ng aking kwarto.

Napangiti ako sa sinabi ni Lola.

Agad akong dumiretso sa banyo at naligo na. Ilang minuto pa akong nanatili sa ilalim ng shower bago ko naisipang lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay agad kong tinungo ang aking closet at kinuha ang isang simpleng knee length off should dress na kulay peach. Sinuot ko rin ang heels ko na two inches lamang ang taas. Humarap ako sa salamin para ayusin naman ang aking mukha. Matapos iyon, kinuha ko na ang mga gamit ko at ang aking shoulder saka bumaba na. Agad ko namang naamoy ang masarap na luto ni Lola.

"Hmmm, ang bango naman niyan, Lola." nakangiti kong sambit.

Umupo na ako at hinintay ang pagkaing ihahain ni Lola. Binigyan niya ako ng platong may laman na kanin at ulam which is ang paborito kong adobong manok.

"Kain kana, Apo."

Sinunod ko naman ang sinabi ni Lola. Pagkatapos kong ubusin ang binigay niya, kumuha pa ako ulit. Actually, hindi ko na alam kung nakailang plato na ako. Sa sarap ba naman ni Lola magluto, sinong hindi maghihirit don?

Tumayo na ako at inilagay ang ginamit kong plato sa lababo. Sinulyapan ko si Lola na ngayon ay nagbabasa nanaman ng paborito niyang libro na nagngangalang Possessive Series: Lath Coleman. Kay tanda tanda na pero hindi parin nagsasawang magbasa ng ganoong libro. Naalala ko tuloy noong sinabihan ako ni Lola na subukan kong basahin ang librong binabasa niya.

[Flashback]

"Lola, ano po ba iyang binabasa niyo? Halos araw-araw lagi ko kayong nakikitang nagbabasa niyan." tanong ko sakanya.

Ngumiti siya at binigay sa akin ang libro. Tinignan ko naman ang cover nito.

Ohhh, What a nice abs.

"Possessive Series: Valerian Volzki..." basa ko sa title ng libro. Inopen ko iyon at binasa ang sypnosis. Namilog naman ang mata ko nang makita ko ang nakasulat sa ibaba.

Warning|Spg|R-18

Gulat kong tinignan si Lola na ngayon ay painosenteng nakangiti sa akin.

"Lola?!" bulalas ko rito.

"What? Nakakaenjoy kaya. Meron ngang kasabihan. Basta may warning, mas exciting." tuwang tuwa na sagot nito.

Wala na akong nagawa kundi ang basahin ang buong libro dahil sa pamimilit ni Lola.

[End of Flashback]

The Replacement Bride(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon