Samantha's Pov.
Narito ako ngayon sa bahay ni Edval. Pagabi na at wala pa rin akong balak na umuwi sa condo namin ni Alex. Hindi ko rin ipinaalam kay Pia at Vivian ang mga nangyari. Ayokong mag-alala silang dalawa sa akin.
"Uminom ka muna ng tubig," Iniabot sa akin ni Edval ang isang basong tubig. Kinuha ko iyon at saka ininom.
"Salamat," sambit ko. "Sorry ha, naabala pa tuloy kita."
"It's okay, Sam. Ikaw pa ba? Eh malakas ka sakin," sagot naman niya.
Natawa na lamang ako pero di kalaunan, ang ngiti ko bigla nalang nawala nong naalala ko nanaman ang mga nangyari kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit
ganito na ang nangyayari sa amin ni Alex. Masaya naman kami, pero bakit ganon?"Hey, umiiyak ka nanaman."
Kaagad kong pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko. "Masakit pa rin kasi Edval eh. Masakit,"
Kaagad niyang hinagod ang likuran ko at pinapatahan ako ni Edval.
"Shhh...sige iiyak mo lang yan. Nandito lang ako para sayo, Sam." sambit niya na puno ng sinsiridad.
Nanahimik ang buong bahay ni Edval at tanging mga hagulhol ko lang ang naririnig. Gusto kong iiyak lahat, lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
*Ding Dong*
Napatigil ako bigla nong marinig namin iyon.
"Sandali, titignan ko lang." sabi ni Edval at tumango na lamang ako.
Nag-antay ako sakanya ng mga ilang minuto at buti na lamang nakabalik siya kaagad. Pero nagulat ako dahil hindi siya nag-iisa. Mula sakanyang likuran, naroon si Alex at nakasunod sakanya.
"Sam..."
"B-Bakit nandito ka? Hindi ba't kasama mo dapat si Maricko?" tanong ko. Pinipilit kong huwag mautal o kaya namang maiyak habang nagsasalita.
"Uwi na tayo, Sam." mahinang sambit nito.
"Let's talk. I'll explain everything to you. Pangako, lahat-lahat ng gusto mong malaman sasabihin ko," sabi niya habang nakataas pa ang kamay nito.Tumingin ako kay Edval na nakatingin rin sa akin. Halata sa mukha nito ang inis at galit kay Alex pero tumango pa rin ito na para bang sinasabi niyang sumama na ako kay Alex.
"You two should talk, Sam. Hindi matatapos ito kung hindi kayo mag-uusap," sabi ni Edval.
Dahan-dahan na lamang akong tumango. Tumayo na ako at saka dahan-dahang lumapit kay Alex. Inilahad niya ang kanyang kamay pero hindi ko iyon hinawakan. Muli akong tumingin kay Edval.
"Thank you ulit," sambit ko rito.
"You're always welcome, Sam." Tumingin siya kay Alex na may seryosong titig. "Ingatan mo siya Alex,"
"I will," kaagad namang sagot ng katabi ko.
Lumabas na kaming dalawa ng bahay ni Edval. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya. Iniisip ko palang na nakasakay si Maricko dito at naupo sa mismong kinauupuan ko, naiinis na ako.
Hanggang sa makarating kami sa condo, walang nagsasalita sa amin. Nauna akong maglakad at talagang binilisan ko pa hanggang sa makapasok na kami sa elevator. Muli, naghari nanaman ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa tumigil ang elevator at may sumakay na dalawang matatanda na mag-asawa. Sa pagkakaalala ko, sila din yong nakasabay namin noon. Tumingin sa akin ang matandang babae at saka ngumiti kaya naman nginitian ko nalang din siya.
Bumukas ang elevator at lumabas din ang mag-asawa. Muling lumingon ang matandang babae at muling ngumiti. Nang makarating kami sa pinakataas, nauna ulit akong maglakad papasok sa loob. Aakyat na sana ako sa kwarto namin pero nagsalita na si Alex.
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride(On-Going)
General FictionSamantha Jane Villafuente is just a simple girl who loves baking. Sa katunayan, meron na nga itong sariling cupcakes shop na patuloy paring kinikilala ng lahat. Tahimik ang mundo niya. Walang boyfriend, walang problema. Single and ready to mingle. N...