Chapter 14

248 12 5
                                    

3RD PERSON'S POV.

ALAS kwatro pa lamang ay nagsi-alis na sina Alex. Si Pia at Vivian ay magkasama sa iisang sasakyan. Nang mapansin ni Alex na may kakaiba kina Vivian at Oliver, nagsimula na siyang gumawa ng paraan para paglayuin ang dalawa. Oo nga at magkaibigan sila ngunit mas kilala ni Alex ang totoong pag-uugali ni Oliver.

Samantala, tahimik lang si Samantha at Alex sa loob ng sasakyan habang bumabiyahe. Ni isa sakanila ay walang balak magsalita. Naisipan ni Samantha na buksan ang bintana ng kotse at doon na lamang ituon ang kanyang atensyon habang hinihimas ang kanyang suot na singsing. Matapos ang pangyayaring iyon kagabi, nawalan na ng lakas ng loob si Samantha para kausapin si Alex. Kung kailan inamin niya sa kanyang sarili na mahal niya si Alex, saka naman nanghina ang kanyang loob. Paano na siya aamin kung tingin pa lang ay hindi na niya magawa? Samantha sighed. Marami pang gumulo sakanyang isipan at lahat ng iyon ay tungkol kay Alex.
Totoo nga talagang mapaglaro si Kupido. Si Edval ang gusto niya pero kay Alex naman ang bagsak niya.

Habang nakatingin si Samantha sa labas ng bintana ng kotse, palihim naman siyang sinusulyapan ni Alex. Maski siya ay nagugulahan din sakanyang nararamdaman. Lagi niyang sinasabi sakanyang sarili na si Maricko lang ang mahahalin niya lalo na't ilang buwan nalang ay uuwi na ito dito sa bansa. Ngunit traidor nga naman talaga ang kanyang puso dahil sa tuwing nakikita niya at nakakasama si Samantha, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya. Hindi tanga si Alex para hindi malaman kung ano ang nararamdaman niyang ito para kay Samantha pero kinakailangan niya pa ring siguraduhin kung tama nga ba itong nararamdaman niya.

Matapos ang mahabang biyahe, nakarating na rin sa wakas sina Alex at Samantha sakanilang condo. Wala pa ring nag-iimikan sakanila hanggang sa mai-park nila ang kotse. Sakto namang andon si Mang Kaloy at sinalubong sila.

"Naku Ser! Pinakaba niyo ako. Hindi niyo naman po sinabi sa akin na kayo ang gagamit ng kotse nong nakaraang araw. Ang akala ko tuloy na carnap na." sambit ni Mang Kaloy.

"I'm sorry. Nagmamadali kasi kami that time." tugon naman ni Alex.

"Ayos lang Ser! Lilinisin ko na po kotse niyo." sabi ni Mang Kaloy.

Tumango lang si Alex at umalis na sila sa parking lot. Kahit sa pagpasok nila sa elevator, wala pa ring balak magsalita ang isa sakanila. Bumukas na ang elevator at naunang lumabas si Alex at saka naunang pumasok sa loob ng kanilang condo. Sumunod naman si Samantha. Dire-diretso siyang umakyat papasok sa kwarto at kumuha ng masusuot sa kanilang walk in closet. Akmang papasok na siya sa loob ng banyo pero napansin niyang naroon si Alex. Dali-dali siyang bumaba para gamitin ang banyo roon. Nagbihis siya roon at inayos ang kanyang sarili. Isang simpleng off-shoulder dress lamang ang kanyang suot. Pagkatapos niyang mag-ayos nilagay na ni Samntha ang mga hinubad niyang damit sa laundry basket at saka lumabas na. Bumalik ulit siya sa itaas at sakto namang kalalabas lang ni Alex ng banyo na ang suot lamang ay tanging boxers. Mas mabilis pa sa kidlat na umiwas si Samantha ng tingin. Baka kasi mamaya ay sabihan nanaman siya ng 'Ms. eye-rapist'.

Narinig niya ang pagsara ng pinto ng banyo kaya naman lumuwag na ang pakiramdam niya. Inayos na ni Samantha ang kanyang bag at inilagay ang mga personal niyang gamit roon. Sakto namang lumabas na si Alex sa banyo na nakasuot ng kanyang office attire.

"Let's go?" tanong ni Alex at isang tango lamang ang naging tugon ni Samantha.

Kinuha niya ang kanyang bag at sabay silang lumabas ni Alex ng kanilang condo. Pagkabukas ng elevator, tumambad sa kanila ang maraming tao at napansin ni Samantha na nasa likod ang matandang mag-asawa na nakasama nila noon dito. Doon siya pumwesto sa likod at si Alex naman ay nasa harap. Baka ayaw lang makipagsiksikan ni Alex. Dahil nga sa medyo malayo si Alex kay Samantha, minabuti niyang titigan na lamang  ang likod niya. Kahit likod ay maskulado. Napakagwapo pa rin talaga niya tignan.

The Replacement Bride(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon