SAMANTHA'S POV.
HINILA ako ni Edval hanggang sa makarating kami sa garden ng mansyong ito.
"May kailangan ka?" tanong ko.
"Birthday ni Mommy next week. Gusto kong imbitahan ka, for sure magiging masaya si Mommy kapag nakita ka niya in person." sagot naman niya.
"Yon lang pala e. Aba! Pupunta ako no,"
Napangiti siya sa sinabi ko at agad akong niyakap.
Oh, kilig ka nanaman Samantha.
"Sorry, masaya lang ako."
"Ayos lang. Bakit nga pala hindi ko nakikita Mom mo sa kahit anong event?" tanong ko.
Parang nagsisi ako na nagtanong pa ako dahil biglang lumungkot ang mukha.
"She can't walk." sagot ni Edval na siyang ikinagulat ko.
"P-Pero...B-Bakit?"
"She had an accident. Nabangga ng isang bus ang sasakyan niya at sakto namang paa niya ang nadali." sagot niya.
"Sorry,"
Mahina niyang pinitik ang noo ko at saka bahagyang tumawa. Para talaga siyang anghel na hulog ng langit.
"You don't have to say sorry dahil wala ka namang kasalanan." nakangiti niyang sambit sa akin. "Tara na sa loob. Baka magtampo ang kumag kong kaibigan mamaya."
Nagtawanan lang kaming dalawa at saka pumasok na ulit sa loob. Nagpaalam na sa akin si Edval dahil pupunta na siya sa pwesto nila. Ako naman ay bumalik sa kinauupun ko kanina.
Mag-isa nanaman ako. Iyong dalawa kong kasama, ayon, nasa gitna na at sumasayaw-sayaw. Sumulyap ako sa table nina Alex, kumpleto silang lahat. Nagawi ang tingin ko kay Ryko na ngayon ay matalim na nakakatitig kay Pia. Sunod naman kay Oliver, naka-kunot ang noo niya habang nakatingin kay Vivian at hindi pinapansin ang girlfriend niyang mukhang kanina pa nagsasalita. Si Yael naman ay busy lang sa phone nito. Napatingin ako kay Edval. Sakto namang nakatingin din siya sa akin kaya naman nag-ngitian kaming dalawa. Ibabaling ko na sana sa iba ang paningin ko pero sadyang traidor ang mga mata ko at tumingin sa gawi ni Alex. Umiinom ito ng alak. Pagkalagay niya ng baso sa table ay agad naman siyang tumingin sa gawi ko. Kahit medyo malayo sila, nakita ko kung paano dahan-dahang umangat ang magkabilaang sulok ng kanyang mga labi.
*Dug dug dug dug*
Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko. Bigla nalang bumilis ang tibok nito. Ayoko namang maging assuming kaya naman lumingon ako sa aking likuran. Baka kasi may tao pala sa likod ko at baka iyon yong nginingitian niya pero mali ako. Muli akong tumingin sakanya pero hindi na ito nakatingin sa akin.
Sakto namang dumaan ang isang waiter kaya naman agad akong nagrequest sakanya ng isang bote ng alak. Iinom nalang ako. Kahit ngayong gabi lang, mawala sana sa isip si Alex. Kahit ngayon lang...
"Heto na po Ma'am," Sabi ng waiter at inilapag ang isang bote ng alak sa harap ko. Nagpasalamat ako sakanya at umalis na siya.
Nagsalin kaagad ako ng alak sa baso ko at agad itong ininom. Matapang ang alak na binigay sa akin ni Kuyang Waiter. Mas okay na rin ito, mas matapang ang alak, mas malaki ang tyansang makalimutan ko ang kapre na iyon.
Sa pag-iinom ko ay biglang nagsilapitan sa akin ang dalawa kong kasama habang kumikendeng-kendeng pa.
"Sam! Let's dance," aya sa akin ni Vivian at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Mamaya na. Wala ako sa mood," sagot ko at saka simimsim ng alak.
"Kj mo Sam!" bulalas naman Pia.
"Manahimik ka diyan, Lusdak ha."
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride(On-Going)
General FictionSamantha Jane Villafuente is just a simple girl who loves baking. Sa katunayan, meron na nga itong sariling cupcakes shop na patuloy paring kinikilala ng lahat. Tahimik ang mundo niya. Walang boyfriend, walang problema. Single and ready to mingle. N...