Chapter 4

321 13 5
                                    

SAMANTHA'S POV.

This is it. Dumating na ang araw na ito. Ang araw na hinihintay ng lahat. Kinakabahan ako, namamawis din ang kamay ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Samantha, anak. Huminahon ka." sabi ni Mama. Narito pa rin kami sa bahay at inaayusan ako.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin ng kwarto ko. Simple lang naman ang ginawa nila sa akin. Light make-up at saka kinulot nila ang mahaba kong buhok. Naisuot ko narin ang wedding gown ko.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Lola Cora. Nakaayos na ito at handa ng umalis.

"Tapos na ba kayo? Halina kayo at kompleto na ang lahat sa simbahan." sambit ni Lola dahilan para lalo akong kabahan. Mukhang napansin niya iyon kaya naman lumapit siya sa akin at hinawakan ang nakalabas kong balikat. "Huwag kang kahaban, iha. Para sa iyo ang araw na ito," dugtong niya.

No, Lola. Hindi para sa akin ang araw na ito, kundi para sakanila Mama. Dahil sa oras na kasal na ako, siya namang pag-angat ng kompanya natin pero kapalit naman non ay ang kaligayahan ko. Gusto kong sabihin iyon kay Lola pero hindi ko magawa.

"Tara na," nakangiting sabi ni Mama.

Inalalayan niya akong tumayo at sabay kaming tatlo na bumaba. Nakangiti ang mga maids sa baba habang nakatingin sa akin. Iyong iba pa nga ay kino-congrats ako. Ngiti lamang ang itinugon ko sakanila. Pagkalabas namin ng bahay, bumungad kaagad sa amin ang isang puting sasakyan at ang driver non ay walang iba kundi si Mang Kaloy. Sumakay na ako sa back seat at sina Mama at Lola naman ay sumakay na rin sa ibang sasakyan. Pinaandar na ni Mang Kaloy ang kotse at pinaharurot ito paalis. Habang palapit kami ng palapit sa simbahan ay lalo akong kinakabahan.

"Narito na po tayo, Madame."

Nagpasalamat ako kay Mang Kaloy at ngumiti lang siya sa akin. Pagkalabas ko ng sasakyan ay agad namang sumalubong ang mga media. Ang daming tao. Buti nalang at may mga guards na nakabantay. Puro flash ng camera. Iyong iba naman ay nagsisihiyawan dahil sa wakas daw at ikakasal narin si Kapre.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng simbahan. Sabi ng nag-a-assist sa amin, ready na daw ang lahat. Ako na lang ang hinihintay. Unti-unti niyang binuksan ang tarangkahan at bumungad naman roon ang napakaraming tao. Mga media, bisita, ang pamilya ko, pamilya ni kapre, kompleto din ang mga kaibigan niya at narito rin si Pia at saka Vivian. Habang naglalakad sa aisle ay nakatutok lamang ang mga mata ko sakanya, kay Alex. Nang nasa kalagitnaan na ako ng aisle ay agad naman akong sinalubong ni Papa. Yumakap ako sa braso niya at muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Lalong tumibok ng mabilis ang puso ko nang makaabot kami sa pwesto niya. Iniabot naman ni Papa ang kamay ko kay Alex.

"Alam kong pakakasalan mo lang siya para sa utang namin, Alex. Pero kapag nalaman kong sinaktan mo siya, kakalimutan ko kung sino ka talaga." sambit ni Papa na kami lang tatlo ni Alex ang nakakarinig.

Tumango siya at ngumiti kay Papa sabay hawak sa kamay ko at humarap na kami kay Father. May mga sinabi pa ito pero hindi ako masyadong nakinig pagkatapos non ay nagpalitan na kami ng I do's ni Kapre. Nagsalitan din kami ng vow na siya namang hindi ko mafeel ang bawat salita na sinasabi niya. At dumating na nga ang hinihintay ng lahat.

"You may now kiss the bride," sabi ni Father.

Napalunok ako at pinanlakihan ng mata si Kapre. Unti-unti niyang inangat ang belo ko hanggang sa natanggal niya na ito. Hinapit niya ang beywang ko at unti-unti siyang lumapit sa akin.

"A-Alex, subukan mo lang talaga," pagbabanta ko sakanya pero isang ngisi lang ang itinugon niya sa akin.

Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin at patuloy namang humihiyaw ang mga taong nandito. Pumikit ako nong dalawang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa. Hinintay ko na maglapat ang labi naming dalawa pero naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Ilang minuto ang tinagal ng labi niya sa noo ko. Matapos niyon, tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti.

The Replacement Bride(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon