SAMANTHA'S POV.
"Can we talk?" ika niya.
Tumango ako at saka sumunod sakanya. Sabay kaming naglakad hanggang sa makapunta kami sa gilid ng pool.
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko.
"I just want to say sorry."
"Sorry? Para saan?"
"Dahil sakin naikasal ka kaagad. Dahil sa pagiging selfish ko, nadamay ka. I know that you don't want to be married yet. But look at you now, kasal na." malungkot na sambit niya.
"Ano ka ba naman, Ate Sarah. Dapat nga akong magpasalamat sayo e, kasi kung hindi ng dahil sayo, hindi ko makikilala si Alex."
Napangiti naman ang kapatid ko. Saglit kaming nanahimik pero nagsalita din ako kaagad.
"Kamusta ka na pala? Ano na ang ganap sa pagmomodelo mo sa ibang bansa?" tanong ko.
"It's fine and enjoyable. Lahat ng mga co-models ko doon ay mababait well, except for Irish. Kontrabida sa buhay ko ang babaeng yon," natatawang sambit ni Ate Sarah. "Masaya ako ron. Pero sa totoo lang, walang araw na hindi ko kayo iniisip. Sa tuwing nao-open ko ang facebook ko or instagram, account mo kaagad ang bubungad sa akin. And you know what, I'm so proud of you. Naalala ko noon, lagi mong sinasabi kina Mommy at Daddy na ayaw mong mag-aral at magtrabaho. But look at you now, ikaw na ang may ari ng isang sikat na cupcake shop sa bansa."
Napangiti ako sa sinabi ni Ate Sarah at the same time ay parang naiiyak. Ngayon lang kami nagkausap ng ganito. Naiiyak dahil ang akala ko walang paki sakin ang kapatid ko.
"I miss you, Sissy. Sorry at hindi ako naging mabuting Ate sayo noon."
Wala na akong masabi pa kaya naman niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Namiss din kita, Ate."
Humigpit ang pagkakayakap sakin ni Ate at bahagyang hinahaplos ang buhok ko.
Kumalas na kaming dalawa sa yakap."Balik na tayo sa pwesto natin. Yong asawa mo hinahanap kana." natatawang sambit ni Ate Sarah.
Napatingin ako sa pwesto namin sa tabing dagat, hinahanap na nga ako ni Alex. Rinig na rinig pa namin dito ang boses niya.
"Nakita niyo ba ang asawa ko? Hey Edval! Nasaan si Samantha?"
Tumingin sa direksyon namin si Edval at bahagyang natawa. Itinuro niya kami kaya naman napatingin si Alex sa amin.
Akmang tatakbo siya papunta sa amin nang bigla siyang hilain nina Ryko pabalik sa upuan namin kanina. At mukhang nagwawala ang kapre.
"Bilisan mo at nagwawala na ang asawa mo." natatawang sambit ni Ate Sarah.
Tumango ako at mabilis na tumakbo sa kinaroonan nila.
"Bakit ang tagal mo?" nagtatampong tanong niya.
Tumaas ang kilay ko. "E kung hampasin kaya kita ng tsinelas?"
"Nagtatanong lang e," nagtatampo nanamang sambit niya.
Umupo ako sa tabi niya at inayos ang magulo niyang buhok. Sakto namang dumating si Ate Sarah dito sa pwesto namin. Syempre, mas mabilis pa kay Flash si Yael dahil kaagad siyang kumilos para pagsilbihan ang kapatid ko.
Alex leaned on my shoulder then he start asking me.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya.
"Nagkwento siya tungkol sa kaganapan ng buhay niya, and, humingi rin siya ng sorry dahil daw sa problemang naidulot niya sa akin at kina Mama." sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Replacement Bride(On-Going)
General FictionSamantha Jane Villafuente is just a simple girl who loves baking. Sa katunayan, meron na nga itong sariling cupcakes shop na patuloy paring kinikilala ng lahat. Tahimik ang mundo niya. Walang boyfriend, walang problema. Single and ready to mingle. N...