Song 27

109 7 1
                                    

Agad kong inalis ang kamay ni Lance at tumayo nga ako.

"Aalis na tuloy ako," sipi nito at lumabas na nga.

Hindi man lang ako nakapagsalita.

"Sorry. Nagselos ata 'yung boyfriend mo," sipi ni Lance kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman siya magseselos? Pinsan nga kita. Hayy naku!"

"Puntahan mo na."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Mas mahalaga na mag-usap kayo nung Kenneth ba 'yun," sipi niya kaya naman napangiti ako.

"Kevin."

"Sorry. Sige na," aniya kaya naman tumango na nga ako at lumabas na nga.

Nang makita ko siyang naglalakad ay agad ko itong tinawag ngunit hindi man lang ako nito pinansin kaya minabuti kong habulin ko na lamang siya.

Agad akong pumunta sa unahan niya para mapatigil siya.

"Bakit nandito? Di ba kausap mo 'yung PINSAN mo," inis na sipi nito kaya binigyan ko na lang siya ng bored look.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Nagkausap kasi kami ni ate Zafirah kahapon lang at dun ko nalaman na hindi naman pala talaga ninyo pinsan si Lance dahil ampon lang siya. Childhood sweehearts rin pala kayo ah. Pagdating ko pa dito sa bahay niyo maabutan kitang kaholding hands ang lalakeng 'yun. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?"

Si ate talaga madalas hindi nag-iisip.

"I know pero let me explain first. Pinsan naman kasi talaga ang turing ko sa kanya. ."

"Pinsan rin ba ang turing niya sa'yo," aniya kaya naman binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Ampon siya oo. Childhood sweetheart ko siya oo but it was just a childish like and now you are my love."

"Pero bakit hindi mo sa akin sinabi na hindi naman talaga kayo pinsan?"

"Mahalaga pa ba 'yun? Pinsan kami that's it."

"Wala talaga kayong something?"

"Wala nga po."

"Aiishhh hug mo na lang nga ako," aniya kaya hindi naman ako nagdalawang isip kundi niyakap na nga siya.

Nakakainis at pati si Lance ay pinagseselosan niya eh pinsan lang naman 'yung turing ko sa tao pero kahit papaano ay natutuwa ako at nagseselos siya dahil ang ibig sabihin lang nun ay mahal niya talaga ako.

Lance's POV
Galing dito sa balcony ay kita ng dalawang mata ko na magkayakap sila Zychela at 'yung boyfriend niya.

Masakit makita na ang taong mahal mo ay may mhal ng iba.

I know this sounds so childish pero bata pa lang ako siya na talaga 'yung gusto.

GI remember one time na nagkasal kasalanan pa kami.

"Do you Lance take Zychela to be your wife?" sipi ni Mika na siyang pinsan ni Zychela sa father side. 

"Oo naman."

"Do you Zychela take Lance to be your husband?"

"I do."

"You may now kiss the bride," aniya kaya naman hinalikan ko na nga si Zychela sa kanyang pisngi.

Ang cute cute mamula ni Zychela.

Pero agad ko naman 'yun tinigil nung kinausap ako ni mommy.

"Bakit po mommy?"

"Lance anak. I know bata pa kayo ni Zychela pero magpinsan kayo at hindi kailanman pwedeng magpakasal ang magpinsan."

"Pero bakit naman po?"

"Dahil kasalanan sa Diyos ang pagpapakasal sa kahit sinumang kapamilya mo."

"Dahil po ba magkapatid kayo ni tita Emilia kaya magpinsan kami?"

"Oo anak."

"Pero pwede pong maging crush ko?"

"Oo naman pero bawal mo siyang mahalin."

Simula nun ay tinigil na nga namin ni Zychela ang pagiging sweethearts.

Naging magkaibigan pa rin naman kami pero pinsan na ang turing namin sa isa't isa.

As the years goes by ewan ko ba pero mas lalo akong nagkakagusto kay Zychela dahil mas lalo siyang gumaganda ngunit nagagalit rin ako sa sarili dahil alam kong kasalanan ang nararamdaman ko.

Until one day ay nalaman kong ampon ako.

Nagkaroon ako ng pag-asa sa pag-iibig ko kay Zychela pero dun ko lang napagtanto na hanggang magpinsan lang talaga kami.

Kasalanan sa Diyos at sa batas kung sakali mang matuloy ang pinapangarap kong pagpapakasal sa kanya.

Tinanggap ko na lamang ang katotohanan na magpinsan kami.

Masakit man pero kailangan lalo na't may mahal siyang iba na kailanman ay hindi pagbabawalan ng Diyos at ng batas.

(a/n: Hi guyss. Kumusta na kayo? I'll hope nagustuhan niyo ang chapter na 'to. Votes and comments are highly appreciated. Oo nga pala. The end is near for this story. Sana mabasa niyo pa rin hanggang katapusan.)

My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon