Ilang linggo na rin ang nakalipas ng ginawang concert namin. Simula nun ay naging hit na sa buong campus ang loveteam namin ni Kevin.
They say it was 'Zyvin' and I must say it sounds so uncool pero ang magagawa ko.
Nagclick kaming dalawa sa campus. They even entitled us as the campus loveteam.
"Hi baby ko."
"Will you shut up Kevin? Sa araw araw na ginawa ng Diyos lagi mo kong iniirita."
"Baby ko namin kasi. . ."
"Ops. Stop calling me baby ko. Baby face lang ako pero never pa akong baby mo."
"Ikaw naman. Kaloveteam mo na nga ako lahat lahat ang sunget sunget mo pa rin."
"Ikaw na mismong nagsabi na kaloveteam lang kita no more no less."
"Ang sakit mo naman magsalita," sabi nito pero hindi ko na lang inintindi at nagpatuloy na ako sa pagbabasa.
"Alam mo parang may kahawig ka eh."
"Sino?" tanong ko rito ng nagbabasa pa rin naman ako.
"Yung sa batch laast year. Yung Zafirah 'yung pangalan," sabi nito dahilang upang matigil ako at tumingin sa kanya.
"Di ba Tan rin 'yung apelyido nun. Kaano ano mo ba 'yun?"
"Hindi ko siya kaano ano ok," sabi ko at napatuloy na lang sa pagbabasa.
Hindi naman sa kinakahiya ko si ate it was just ayaw ni ate na malaman na related siya sa akin, kay kuya o kahit kanino pa man sa pamilya namin.
Ayaw kasi nun ng atensyon at ayaw niyang may nakikipagkaibigan lang sa kanya dahil sa katayuan niya sa lipunan.
Masyadong nega si ate noh.
"Hoy Zychela. Nakikinig ka ba sa akin?"
"Actually hindi eh."
"Hayy bahala ka nga sa buhay mo," sabi nito at umalis na.
Anong nangyari dun?
"Anong nangyari kay Kevin?" tanong ni Danica ng makalapit sa akin.
"Aba ewan ko dun."
"Zychela may gusto sanang kumausap sa'yo eh."
"Sino?"
"Ako."
OMG. Is it real?
May ultimate crush.
"Oh Lloyd, bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Sige ha maiwan ko na kayo," kinikilig na sabi ni Dan at umalis na nga.
"Gusto ko lang sanang makapagkilanlan sa'yo. Simula pa kasi noon ay hindi pa tayo nakakapagusap ng katulad nito eh," sabi nito habang patango tango lamang ako.
"Um Zychela may gusto ka ba kay Kevin?"
"Are you kidding me? 'Yan ang tanong mo sa akin. Of course not. Duh! Ako? Magkakagusto sa arrogant man na 'yun? Never as in nevah."
"Katuwa ka naman. Ganun talaga ang nararamdaman mo sa kanya."
"He was my rival ok?"
"Rival saan?"
"In academics, curricular, honor list. Lahat."
"Alam mo napapansin ko sa inyong dalawa ay pareho kayong ayaw magpatalo lalo ka na. Bakit nga ba?"
"I never wanted to be second best and I know no one wants to. Ayokong nalalamangan ako hindi dahil sa pride o publicity kundi dahil gusto kong ipakita sa parents ko na they should be proud of me. Gusto kong ipakita sa kanila na kayang kaya ko kahit ano. I don't want them to regret everything they'd done for me."
BINABASA MO ANG
My Song
Teen FictionTAN SERIES # 3 Zychela Faye Tan is an achiever ever since she was a little girl. Her parents are proud of all her achievements; thus, she never wanted to disappoint them. As the senior year will come to an end, her goal is to graduate as the class v...