Kasama ko ngayon sila Danica at Amber dito sa polo club.
Nakatambay kami ngayon dito well weekend naman eh.
“Guys I have a very important to tell you.”
“What is it Chels?” agad naman na tanong ni Danica.
“Hi pretty ladies,” saad ni Kevin ng makalapit na sa amin.
“Oh hi Kevin,” nakangiting bati ni Danica habang si Amber naman ay nginitian na rin lang niya si Kevin.
Agad naman na lumapit sa akin si Kevin at hinalikan ako sa pisngi.
“Oh my gosh!” gulat na saad ni Danica habang nakalagay pa ang dalawang kamay sa may bibig niya.
“Are you? Are you in a relationship?” tanong ni Danica habang tinuturo turo pa kami ni Kevin.
“Yes we are. Sinagot ko siya kagabi,” nakangiti kong sagot sa tanong nito.
“How?” tanong muli ni Danica.
Dahil sa tanong niya ay dun ko naalala ang nangyari kagabi sa skating rink.
“Halika nga dito,” saad nito at hinila na naman ako palapit sa kanya tapos ay umakbay siya sa akin.
Maya maya pa ay may mga fireworks sa langit.
Hindi ko man lang namalayan na gabi na pero hindi ko na ito inisip sapagka’t napakaganda talaga ng mga ito.
Akala ko ay tapos na ang fireworks display pero may last pa pala.
At talagang nagulat ako sa aking nakita.
May nakasulat na ‘Will you be my girl Zychela Faye Tan?’
Agad napatingin ako kay Kevin.
“Zychela 14324 which means ‘I love you so much’ ngayon Zychela gusto kong sagutin mo ang isa sa mahalagang katanungan ko sa’yo. Will you be my girl Zychela Faye Tan?”
Oh no!
What to say?
“I know masyadong mabilis pero kung hindi mo pa ako sasagutin ay ok lang. Katulad nga ng sinabi ko noon na kaya kong maghin---,” hindi ko na ito pinatapos pa sa pagsalita dahil hinalikan ko na siya sa pisngi.
Nang umalis na ako sa paghalik ng pisngi niya ay nakangiti pa rin akong nakatingin sa gulat niyang mukha.
“Sandali. Totoo ba ‘to?” tanong nito habang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya kaya agad kong kinurot ang dalawa niyang pisngi.
“You are not dreaming Kevin,” saad ko habang kinukurot pa rin ang pisngi niya tapos ay inalis ko na rin ang kamay ko sa pisngi niya.
Unti unti ng gumuhit sa labi niya ang ngiti.
“Yes! Yes!” masayang sipi nito tapos ay bigla akong niyakap kaya naman gumanti na rin ako ng yakap.
Isa ang araw na ‘to ang hindi ko makakalimutan buong buhay ko.
“Kinikilig ako. Ang sweet naman,” kinikilig na saad ni Danica.“Congratulations,” dun kami napatingin ni Kevin kay Amber na siyang unang salita niya ng dumating si Kevin dito sa club.
“Thank you,” nakangiti kong sipi tapos ay niyakap na ako ni Amber.
“I’m so happy for you,” ani Amber habang magkayakap pa rin kami tapos ay bumitiw na rin kami sa yakap.
“Excuse me,” paalam ni Amber at umalis muna.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman na nasasaktan pa rin siya. ‘Yung mata niya kanina watery eyes na talaga.
Kung may magagawa lang ako para pawiin ko ang sakit na nararamdaman niya.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Kevin kaya naman napatingin ako sa kanya habang siya naman ay nginitian na lang ako na parang nagsasabing ‘She will be fine’ kaya naman gumanti na rin ako ng ngiti sa kanya.
Amber’s POV
Hindi pa rin ako nakakamove on kay Kevin pero kahit na nasasaktan ako ok lang basta makita ko lang ang taong mahal ko at ang best friend ko na masaya.Ok na ako dun.
Naniniwala naman ako na balang araw darating na lang rin ang lalakeng para sa akin and maybe this is not yet the time.
Zychela’s POV
Nandito pa rin ako sa polo club kasama ang boyfriend ko at si Danica.Kasalukuyan lang kasing naglalaro si Kevin ng golf kaya ang kasama ko lang dito sa mesa ay sina Lloyd at Danica.
Well nandito rin pala si Lloyd at nararamdaman kong may something spark going on between Lloyd and Danica.
“Gusto mo nito?” tanong ni Lloyd kay Danica pertaining to the chocolate cookies.
“Of course I do.”
“Well sorry hindi ko ‘to ibibgay sa’yo,” saad ni Lloyd tapos kinain na nga ‘yung chocolate cookies.
“I hate you. I hate you,” naiinis na saad ni Danica habang pinapalo palo pa si Lloyd sa braso.
“Don’t worry Danica. Mahal naman kita,” ani Lloyd tapos bigla ng umalis at pumunta dun sa mga naglalaro ng golf.
Nakita ko pang namula si Danica then after how many seconds ay nakabalik na siya sa ulirat.
“Urghh!” naiinis na maktol nito.
“Ang cute niyo ni Lloyd,” saad ko kaya naman binigyan na lang ako ni Dan ng ‘are you serious?’ look.
“Tell me. Anong meron sa inyo?” tanong ko kaya naman nakita ko siyang nagiwas ng tingin sa akin.
“Wala.”
“Really?”
“Yeah.”
“But you have a crush on him? Am I right?” tanong ko kaya naman napatingin ito sa akin.
Maya maya pa ay bahagya na itong tumango.
“I knew it.”
“Nakakahiya kasi.”
“Don’t be. Malay mo kayo rin ang magkakatuluyan sa bandang huli.”
“Sandali nga ba’t ba tanong ng tanong sa akin? Di ba dapat ako ang magtatanong sa’yo?”
“Hmmm?”
“Ito bang boyfriend mo na si Kevin ay alam ng magulang mo?” tanong ni Danica kaya naman napaseryoso ang mukha ang ko.
BINABASA MO ANG
My Song
Teen FictionTAN SERIES # 3 Zychela Faye Tan is an achiever ever since she was a little girl. Her parents are proud of all her achievements; thus, she never wanted to disappoint them. As the senior year will come to an end, her goal is to graduate as the class v...