Song 1

877 19 5
                                    

"Grabe ang ganda niya talaga noh?"

"Ang cute niya at super maganda."

"She's hot."

"Gosh! Di ba siya 'yung matalino galing sa III-Athena last year na IV-Aphrodite na ngayon?"

"Idol ko talaga siya."

"Para siyang model."

"Hindi. Para siyang buhay na manika."

'Yan ay ilan lamang sa mga papuring naririnig ko sa aking paglalakad.

Well, hayaan na natin. Sanay naman na ako eh. Pero sa totoo lang, sa araw araw ba namang ginawa ng Diyos at ganyan ang laging naririnig mo eh talagang masasanay ka na Anong magagawa niyo? Eh sa talagang maganda ako.

Naglalakad lang ako patungo sa aking room ng biglang. . .

"ZYCHELA FAYE TAN!" Pagtingin ko ang best friend kong si Danica pala 'yung sumigaw at tumakbo siya para malapit sa akin.

"Yes?" Tanong ko sabay lingon sa kanya.

"Anong yes ka diyan?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Tinatawag kita dun sa labas ng school para sabay na tayong pumasok deadma ka naman at tuloy tuloy lang sa paglalakad mo."

"Sorry naman. Hindi ko narinig."

"Di mo narinig oh sadyang bingi ka lang talaga?"

"Hindi ako bingi ah."

"Hindi daw. Alam mo Zychela labing-anim na taong gulang ka pa lang bingi ka na."

"Hindi naman talaga ko bingi, di ko lang talaga narinig."

"Oo na nga lang. Halika na at baka malate pa tayo sa flag ceremony at makutusan pa tayo nun ni Amber."

Naglinya kami at umattend ng walang kamatayang flag ceremony. Then pagkatapos ng aming flag ceremony ay bumalik na kami sa aming classroom. Pumunta na kami sa aming mga nakaassign na upuan.

Hay salamat at wala pa 'yung katabi ko. Mukhang absent pa, sana nga absent para hindi masira ang araw ko.

Maya maya may kumatok at may tumabi sa akin.

"Hey namiss mo ba ko, babe?"

"Pwede Mr. Arrogant! Stop bugging me," wika ko habang diretso ang tingin ko sa unahan.

"I'm not bugging you MS. SPOILED BRAT."

"You are, so kindly please shut up," wika ko habang nakatingin na sa kanya.

"Ms. Tan and Mr. Loyzaga please go out! You two are disturbing my class!" Malakas na saad ni miss kaya wala na kaming nagawa kundi lumabas.

Mas lalo lang akong nabadtrip sa lalakeng 'to. Because of HIM first time akong napalabas sa klase.

"Hey wait naman Zychela," rinig kong wika niya pero hindi ko s'ya iniintindi. Nauuna kasi akong maglakad sa kanya.

Nabwibwisit ako sa kanya.

"Ang sabi ko hintayin mo ko," sabi niya ng hinablot n'ya 'yung braso ko.

"At sino ka para hintayin ko aber?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya ng makaharap na ko sa kanya.

"Ako lang naman si Kevin Loyzaga, ang pinakagwapo sa campus na 'to."

"Wow! Daig mo pa ang encyclopedia at dictionary sa sobrang kapal," wika ko sabay pakawala ng nang-uuyam na tawa.

"Eh ano ba kasing kinakagalit mo? buti nga may kasama ka nung napalabas ka at swerte mo ako 'yun."

"Hoy mister, nang dahil sa'yo napalabas ako sa klase what if malaman nila grandmamma, grandpapa, mommy especially daddy ang nangyari sa'kin ha?" nakataas ang kilay ko pa rin saad.

"Grabe naman 'yang prinoproblema mo. Sus matalino ka pa rin naman at laging first kahit di ka umattend sa klase."

"Not until you came," sabi ko sabay irap tapos umalis na ako dun.

Kaimbyerna. Napalabas pa tuloy ako.

Kinuha ko tuloy 'yung CP ko then tatawagan ko na lang si unnie.

["Hello?"]

"Unnie."

["Oh Chela di ba may klase ka? Ba't ka tumawag?"]

"Pano ba naman kasi ate napalabas ako sa klase namin."

["Bakit ano bang ginagawa mo at napalabas ka?"]

"It's him. Dahil sa kanya kaya ako napalabas."

["Sinong him?"]

"Ehh just don't mind it."

["Oh sige Chela, baba ko na 'to. Ayan na si ma'am eh."]

"Wait a . .." bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay binaba na niya ang tawag.

'Yung kausap ko is my older sister named Zafirah Mae Tan kaya lang konti lang may alam na kapatid ko siya. Ayaw niya kasi sa attention kaya ayun tinatago niya 'yung identity niya.

Tatlo lang naman kaming magkakapatid; si kuya Albert, ang chic magnet kong kapatid na may pagkarebel at bipolar, at si ate Zafirah at ako.

**

Nandito kami ngayon nila Amber at Danica sa canteen dahil recess time namin.

"Kumusta 'yung pagpapalabas sa inyo kanina?" ani Danica.

"Well, not good. I hate him for that," wika ko pagkatapos ay sinubo ang kutsara na may salad.

"Hey Chela don't hate him naman. Gwapo kaya siya and matalino, a singer, dancer athletic nga rin siya. A certified dream guy."

"Amber tigil tigilan mo nga 'yang pagpapatansya mo sa bakulaw na 'yun," saway ko sa kanya.

"He's not a bakulaw."

"He is."

"He is not. Right, Danica?"

"Well tama 'yung sinabi ni Amber. Hindi naman talaga siya bakulaw."

"See. Masyado siyang gwapo para maging isang bakulaw noh."

"Sino ang masyadong gwapo para maging isang bakulaw?"

"Sa susunod nga 'wag kang makikinig at makikielam sa usapan ng may usapan," nakataas ang kilay kong wika nang nakatingin sa kanya.

"Nagtatanong lang naman. Malay niyo kasi ako pala 'yung pinaguusapan niyo eh. Para naman alam ko," saad niya sabay upo sa tabi ko.

"Huwag masyadong feeling at mayabang."

"Anong masama sa tanong ko? Tsaka FYI Ms. Tan gwapo naman ako, matalino tsaka isa pa good catch nga ako kaya bakit hindi ko ipagyayabang eh sa totoo naman."

"Wow! Self proclaim ah. Taas rin ng self confidence mo tol. Bawasbawasan pag may time. Good luck," wika ko then I gave him a sweet smile that turned into a mischievous one habang siya naman ay tumayo na.

"Sige bye Miss," aniya sabay alis.

"Grabe Chela, ayaw mo talaga sa kanya noh?" tanong ni Amber.

"Hindi naman sa ganun kaya lang I hate his guts."

"Sus sabihin mo dahil you treat him as an opponent di ba? Nag-tie kayo last year sa position ng first honor at s'ya lang naman ang nakapantay mo sa pagiging first honor. You're always the first pero simula nung dumating sya last year napantayan ka niya and you're threatened na baka matalo ka niya this year," si Danica naman ang nagsalita.

Speechless ako dun sa sinabi ni Danica dahil alam ko na totoo 'yung sinabi niya. I hate him because may possibility na matalo niya ko and I don't want that to happen.

Sinong may gustong matalo ka?

Tsaka isa pa I don't want my parents to be disappointed with me. They're too proud na ako ang anak nila that's why I should no, I must always be in the top.

So I'm sorry Kevin Loyzaga pero I won't let you defeat me.

My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon