Song 5

230 10 2
                                    

"Kainis naman kasi eh! Sa lahat ng pwede kong maka-partner si Kevin pa."

"Ang swerte mo nga at siya ang kapartner mo eh," nakangusong wika ni Amber.

"Alam mo Amber napaghahalataan kang crush mo si Kevin."

"Oo crush ko lang naman siya Danica eh."

"Pwes I am not you, Amber. Hindi ko magagawang kiligin kung 'yung ka-partner ko ay 'yung rival ko in all things."

"You know Chels kung tanggapin mo na lang ang katotohanan na hindi lahat ng bagay ay umaayon sa kagustuhan mo at sa gusto mo man o hindi wala ka ng magagawa dahil si Kevin na ang partner mo."

"Alam mo Chels may point rin naman kasi talaga si Amber eh. Just accept na lang the truth. Imbis na magdabog ka diyan ay puntahan mo na si Kevin at mukhang inaantay ka na niya," sabi ni Danica at napatingin naman ako sa likod ko kung saan nakatingin si Dani at dun ko nga nakita si Kevin.

"Sige, bye girls," nakasimangot kong wika at pinuntahan na ang bakulaw kong ka-partner.

"So, anong kailangan mo Kevin Loyzaga?"

"Baka lang naman kasi nakalimutan mo Ms. Spoiled brat na kailangan nating pag-usapan ang kailangan nating kantahin sa gaganaping concert next next month. Remember, we're partners."

"Yah yah yah. Hindi lang sa concert but throughout the year that's why I'm so freaking irritated because araw araw na nga kitang nakikita sa room pati ba naman sa glee club ay kasama pa kita worse you're my freaking partner."

"Ganun talaga. We can't do anything about it Ms. Spoiled brat."

"Would you stop calling me names?" Naiirita kong saad.

"So sorry pero di ba spoiled ka naman talaga?"

"Duh. Nasusunod lang lahat ng gusto ko but that doesn't mean that I'm a brat."

"Eh di parehas lang 'yun. Spoiled brat pa rin tawag dun."

"Fine, spoiled brat na kung spoiled brat so ano na? What's our plan? Song? Dali na para matapos na 'to at makaalis na ko't naalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

"Sabi ko na nga ba allergic ka sa gwapo eh," pailing iling niyang pahayag.

"Woah, did you call yourself gwapo? Better look in the mirror boy."

"Tss. Hindi mo lang kasi matanggap."

"Oo na. So?"

"Why don't we eat outside? Tutal gutom na rin naman ako eh."

"Yeah I'm starving rin naman," sabi ko at lumabas na kami ng campus.

Napadpad kami sa isang korean restaurant and we found a table for two kaya pumunta agad kami dun at mabilis na umupo si Kevin tapos umupo na rin ako. Such a gentleman, right guys?

"Alam mo Kevin napakagentleman mo talaga kahit kailan," sarcastic kong sabi.

"Salamat. Gentleman naman talaga kasi ako eh," sabi nito kaya naman napatikhim na lamang ako.

****

Woah, my favorite korean noodles.

Dahil sa favorite ko ito at gutom na ako ay nilantakan ko na ito pero with class pa rin ang sa paraan ng pagkain ko. ISa ganda kong 'to wala akong balak magmumukha akong patay gutom. Duh.

"Looks like ikaw talaga ang gutom sa ating dalawa Chela ah," natatawa niyang sipi.

"Don't call me Chela we're not that close you know," I said ng wala ng laman na pagkain ang bibig ko.

My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon