Night Shift

26 0 0
                                    

BRUTAL na trabaho sa Night Shift

Itago nyo nalang ako sa pangalan na Amber. Part timer po ako sa isang Fast Food Chain noon sa may Tondo. Hindi koo nalang babanggitin ang saktong lokasyon ng lugar para sa safety ng nakatira.

Dahil sa sitwasyon ng aming pamilya ay napilitan akong magtrabaho habang nag-aaral sa isang kainan. Noong una ay itinalaga akong waiter ni nanay Luz. Si nanay Luz ang may ari ng kainan. Medyo matanda na s'ya at may kulot na buhok. Bakas naman sa mukha nito ang kaputlaan. Mabait si nanay Luz at kanyang anak. Si Jay ay kaisa-isa nyang anak. Matipuno ito at palangiti. Sikat talaga ang tindahan ni nanay Luz dahil sa masasarap nitong pagkain. Kahit nga ako hindi maiwasang maglaway kapag naamoy ang niluluto sa kusina.Pero may kakaiba lang talaga sa kanila. Hindi sila nagpapasok ng kahit sino sa loob ng kusina. Siguro ay may secret formula silang tinatago

Ilang buwan ang lumipas ay nagpasya akong lumipat sa night Shift. Hindi na kasi kaya ng schedule ko sa school. Kahit na gabi ay marami parin ang pumupunta para kumain. Ang pinagkaiba lang ay masyadong tahimik ang mga tao pag gabi. Sa tuwing kinakausap ko sila ay hindi sila sumsagot.

"Magadang gabi sir...enjoy your meal"malambot kong wika habang nilalapag ang plato na may adobong atay.Hanga talaga ako kay Nanay Luz dahil napakarami ng siniserve nila.

"grrr"isang mahinang unggol lang ang aking narinig. Inakala ko tlaga na tyan ko lang 'yon kaya pumasok ako sa kusina para kumuha ng tirang pagkain. sakkto namang lumabas si Nanay Luz kasama ang kanyang anak. Pagpasok ko ay bumungad sakin ang isang normal na kusina. Malinis at para bang hindi ginagamit. Walang bahid ng kahit ano ang mapuputi na tiles. Napakakinang ng mga gamit pangluto.

Naglakad pa ako para maghanap ng makakain. Pagdating ko sa may sulok ay napansin ko ang isang pinto na walang hawakan. Kasing-kulay din ng pinto ang ding-ding kaya hindi kaagad mapapansin sa malayo. Itinulak ko ang pinto at nagulat ako na hindi ito naka lock.

Marahan akong pumasok sa loob at marahang binuksan ang ilaw. Pagbukas ko ng ilaw ay bumungad sakin ang malalaking karne. Napa atras ako nang mapansin ang mga daliri. Napagtanto ko na karne pala ng tao ang aking kaharap. Naging bato ako ng ilang segundo. Nabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang mga yabag ng paa.Mas lalo akong kinabahan nang mapansin na papasok ng kkusina ang mga yabag. Buti nalang ay may basurahan sa gilid ng pinto. Ipinasok ko ang aking sarili sa mabaho at malagkit na basura. Rinig ko ang pag-uusap nilang dalawa.

"Sariwa ba 'to?"tanong ng babaeng boses.

"Buhay pa yan. tignan mo ang puso, tumitibok pa"wika ng isang malalim na boses. Nang makapasok na sila sa loob ay kaagad akong naglakad papunta sa labas. Buti nalang talaga may trycicle na huminto sa harap.Habang papalayo ako sa lugar ay pinagmasdan ko ang mga kumakain. Kaagad akong napatakip sa bibig ng mapagtanto ko na naGTRABAHO AKO SA kainan ng mga aswang. Sa ngayon, hindi ko nakikita ang kainan. Ilang taon na itong nagsara

9 STORIES AFTER DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon