Hail Mary

8 0 0
                                    

Bakit hindi mo dapat dinadasal ang Hail Mary
(Hail Mary TRUE Horror Story)

WARNING❗❗❗ BAWAL SA MATATAKUTIN!

Bakit hindi mo dapat dinadasal ang Hail Mary kapag may multo? Basahin mo ang aking kwento para malaman mo.

Ako si Janice at gusto kong ibahagi ang karanasang hindi ko na gugustohing maranasan pa. May napanuod kasi akong video sa tiktok tungkol sa isang babae na nagdasal para mawala ang multo ngunit sinabayan lang s'ya nito. Halos pareho kami ng karanasan.

Malamig ang simoy nang hangin na nagmula sa madilim na bahagi ng labas. Kitang-kita mula sa loob ang walang hanggang kadiliman.Bawat pag-ihip ng hangin ay parang convo namin ni Crush. Malamig.Napakalamig.

"Ate can you close the window?"mahinang wika ng aking kapatid na si Cyra. Ang arte ah. May pa english-english kapang nalalaman Cyra. Tsk! Pero napakainit naman kung isasara ko. Idagdag mo pa ang pagiging hot ko.

"Pwede bang buksan ko muna kahit saglit? mainit kasi. Please?"paglalambing ko sa kanya. Parang ako pa ang under dito ah.Hindi s'ya sumagot at tumalikod na sa akin. Nakahiga na s'ya habang ako naman nakaharap sa bintana habang naka Cellphone. Kachat ko pa kasi ang aking internet love. Brownout kaya nakapatay ang aircon at tatlong kandila lang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Para akong nakaharap sa bukas na refrigerator sa tuwing umiihip ang hangin.

Makalipas ang ilang minuto ay may kumalabit sa'kin.

"Oo na isasara ko na bunso"wika ko sabay off ng cellphone. Mapilit talaga tong si Cyra. Palibhasa ay bunso at spoiled nila mama at papa.Huminga muna ako nang malalim at dinama ang sariwang hangin bago tumayo. Tatayo na sana ako nang may kumalabit ulit.

"O anong problema mo?"wika ko habang nakatingin pa rin sa bintana. Wala s'yang imik kaya kaagad akong tumayo at naglakad papunta sa bintana. Sa harapan ng bahay namin nakapwesto ang isang bakanteng lote. Isang street light lang ang nagbibigay ilaw sa kalahating parte ng lote kaya naman nakakatakot nang dumaan dito pag gabi.Nang akmang isasara ko na ang bintana ay may napansin akong tao. Nakatayo s'ya sa may lote at nakatitig lang sa'kin. Lalaki s'ya na may dalang bote. Lasing siguro kaya hindi ko na pinansin. Nang maisara ko ang sliding window ay may napansin ako sa nakatayong lalaki. Turo s'ya nang turo sa'kin kahit halatang nahihilo na s'ya at parang babagsak na anumang oras. Pilit s'yang naglakad papunta sa aking lokasyon kaya agad akong napaatras.

May kumalabit na naman sa'kin.

"Ano ba Cyra. Tapos ko nang isara ang bintana!"
Nilingon ko ang kumalabit at nakita ko si Cyra!

Nakayuko habang nakaturo sa'kin! Natatakpan ng mahabang buhok ang kanyang mukha

"May problema ba?"usal ko sa kan'ya. Hindi s'ya kumibo at nanatiling nakayuko. Nilingon ko ang lalaki na pilit pumupunta sa aking lokasyon. Nakahinga ako nang maluwag kasi lasing talaga s'ya at biglaang bumagsak. Binalik ko ang tingin sa aking kapatid para patulogin ngunit iba ang aking nakita...

"Matulog na ta-"napatigil ako nang bumungad sa'kin ang mukha ng aking kapatid. Malapit na malapit ito at para nang magdidikit ang mga mukha namin. Blangko n'ya akong tinitigan sa mata. Hindi siya kumurap o umiling ng ilang minuto.Kumalat sa aking katawan ang labis na kilabot nang mapansin na kulay puti ang kanyang mga mata.

"M-Matu.log na t-tayo"nauutal kong wika sabay ngiti ng mapakla. "Hindi magandang biro to Cyra. Paano mo nga pala ako napantayan? Nakapatong ka ba sa bangko?hehe" pilit ko s'yang kinakausap dahil baka namalik mata lang ako. Nakapagtatakang naging magkapantay ang mukha namin e mas mataas ako.Marahan kong tinignan ang kanyang paa para maging malinaw ang lahat.

Laking gulat ko nang mapansing nakalutang s'ya na naging dahilan para mas lalo akong mangilabot. Kaagad akong pumikit at nagdasal.

"Hell Mary.."mali kong bigkas dahil sa labis na kaba pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagdadasal.
"And at the hour of our DEATH..."

"AMEN"wika nang isang boses babae. Pagmulat ko ng aking mata ay nakaluhod na rin pala ang aking kapatid at nagdadasal. Nakahinga ako nang maluwag at ngumiti. Ngumiti din s'ya nang marahan hanggang sa umabot ng tainga ang kanyang ngiti. Malakas n'yang pinagdikit ang kanyang palad at tumango nang paulit-ulit.

"AMEN!"sigaw ng boses demonyo
Paulit-ulit s'yang tumango habang sinasambit ang Hail Mary nang napakalakas. Nanigas ako at hindi makapagsalita.

"Hell Mary!....and hour of your DEATH!"sigaw n'ya.Palakas nang palakas ang pagtango n'ya hanggang sa may narinig akong nabali. Tumigil naman s'ya ngunit nakaharap na ang kanyang mukha sa likod habang ang kanyang katawan ay nakaharap sa'kin. Nabali ang leeg ng aking kapatid kaya mas lalo akong napaiyak. Tinakpan ko ang aking bibig habang nanginginig ang aking katawan.

Maya-maya ay may marahan na gumapang sa aking braso. Isang kamay na napakadumi. Nanalaki ang aking mata habang pinapanuod ang kamay na gumapang papunta sa aking mukha. Pinikit ko ang aking mata at dinasal ang "Our Father" nang buong puso.Maya-maya ay bumukas ang ilaw at muling umandar ang Aircon. Tinignan ko ang aking kapatid at mahimbing naman s'yang natutulog. Mangiyak-ngiyak ko s'yang niyakap at tinadtad ng halik.

"Why ate? Ang drama mo"wika n'ya sa galit na tono.

"What ever! I love you so much bunso!"masigla at masaya kong wika sa kanya.

Kinabukasan kuya ay pumunta si Lolo Isko. S'ya pala ang lasing na nakita ko sa bakanteng lote. May isiniwalat s'ya na nagpabago sa aking buhay. Sabi ni lolo Isko, may babae daw s'yang nakita kaya pilit n'ya akong binabalaan. Gusto n'ya raw ako puntahan ngunit lasing na siya kaya nabigo s'yang balaan ako. Kulay itim daw ang suot ng babae at nakasuot ito ng parang sa Madre. Nakangisi lamang itong nakatingin sa kan'ya. Bago pa umalis si Lolo ay nagbilin s'ya na magdasal daw ako palagi at hindi sa tuwing may kailangan lang.

Nakakalungkot lang po talagang isipin na kung sino pa 'yong mababait, sila pa 'yong kinukuha. Namatay si Lolo isko ilang oras lang matapos s'yang magpunta sa bahay. Nasagasaan sa'ya at nabali ang leeg.

Sa ngayon po Kuya ay nagdadasal pa rin ako. Pero hindi na kagaya ng dati. Ngayon mas dinadama ko na ang bawat salita at bawat pagbigkas ko ay galing na sa puso. Kaya sa mga readers dyan, hindi dapat dinadasal ang Hail Mary kung hindi galing sa puso. Kahit gaano ka habang dasal yan, wala pa ring kwenta kong hindi isinasapuso. Salamat po sa pagbabasa

9 STORIES AFTER DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon