BAKIT KA NAGIGISING TUWING HATING GABI
(HORROR STORY)
WARNING HUWAG BASAHIN KUNG MAHINA ANG LOOB❗❗❗Naranasan n'yo na bang magising sa hating gabi? O minsan tuwing alas tres? Kung hindi pa, napakaswerte mo.Malalaman mo sa kwento ko kung bakit.
Sabi ng kaibigan ko na si Vincent, nagigising daw siya ng hating gabi o hindi naman ay alas tres ng umaga. Tumawa lang ako nu'n dahil wala namang masama kung magising ka sa kalagitnaan ng iyong pagtulog. Sumang-ayon naman ang iba naming tropa. Pinagtripan pa namin si Vincent dahil sa pinagsasabi n'ya, pero wala lang siyang kibo. Nakatingin sa malayo at blanko ang isipan.
Uwian na nu'n at hinanap ko s'ya para mag sorry. Baka kasi na offend namin s'ya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko siya mahanap kaya umuwi nalang kami.
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Nakapatay ang ilaw at tanging liwang lamang mula sa labas ng bintana ang nagbinigay lilim sa madilim kong silid. Ngunit sa may sulok napansin ko ang isang pigura. Gusto kong tumayo para lapitan ang nakatayo sa sulok ngunit bato ang aking katawan. Tila ba akoy naka semento sa higaan. Magsasalita sana ako ngunit nakapako ang aking mga labi at parang nakatahi. Tanging mata lang ang maari kong maigalaw. Para bang may nakahawak na tatlong anino sa aking mga paa at kamay. Mga aninong demonyo. Kahit na kabado ay pinagmasdan ang anino sa sulok.
Habang tumatagal, mas lalong nagiging maliwanag ang kanyang mukha. Hindi siya anino kundi isang bata. Parang pamilyar ang kanyang mukha. Nakatayo lang s'ya sa sulok habang blangkong nakatitig sa akin. Pansin ko ang pagbuka ng kanyang bibig ngunit kahit anong sambit nya walang tinig na lumalabas.
Pinikit ko nalang aking mga mata at pinaubaya lahat sa itaas. Matapos kong magdasal ay binuka ko ang aking mata. Hindi ko inasahan ang susunod na nangyari. Nasa harapan ko lang naman ang isang maitim na mukha at nakangisi. Tanging ngipin at mata lang maputi sa kanya. Nakangisi lang siya at para bang hindi gumagalaw. Pinikit ko ulit ang aking mga mata dahil sa kaba. Pagbuka ko nang aking mata ay nakita ko si mama na lumuluha habang nakatawa. Binanungot pala ako at halos kalahating oras na akong sumisigaw. Pumasok si ate na may dalang tubig at bakas sa kanilang mukha ang labis na pag-alala.
Pinuntahan ko kaagad si Vincent sa kanilang bahay para mag sorry ngunit mama n'ya lang ang salubong sa akin. Makulimlim ang kanyang mata at parang babagsak ang luha. Biglang tumunog ang akong cp at bumungad sa akin ang text ni Vincent. Sent 12:01- Received 6:00
'Tol! Totoo ang sinabi ko. Alam mo ba, nagising ako kaninang 12:00 at ang weird ng nangyari sa akin. Nasa isang kwarto daw ako at nakatayo lang. Nakatayo ako at parang may tinititigan pero malabo. Dahil siguro sa antok pero tol ingat kayo palagi ah. Huwag kang matutulog nang hindi nagdadasal. Hindi mo ako na offend tol. Tropa din pa rin naman tayo. Basta sinulat ko to para hindi ko makalimutan kapag nagising ako sa umaga. Tulog muna ako tol"
Tanggap ko nang may mga kakaibang nilalang talaga at naniniwala na rin ako kay Vincent. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi na siya magising. Ang masakit lang kasi, hindi na siya nagising para ikwento sa amin ang kanyang naranasan. Wala na si Vincent. Akala ko dun na nagtatapos ang sakit pero pagdating ko sa paaralan, halos gumuho ang aking mundo. W-Wala na rin ang iba konh trop. Lahat sila namatay sa kanilang pagtulog. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa dahil sa labis na panginginig.
Sino ang anino sa sulok? May kinalaman ba si Vincent sa bangungot ko? Bakit namatay silang lahat. Ang ginawa lang naman namin ay dumalaw sa Section X3-6. Iilan lang yan sa mga tanong na umiikot sa aking isipan. Nakatitig lang ako sa kabilang section habang blangko ang isip. Section X3-6, isang misteryosong section.
Follow nyo ang page para sa next chapter