SECOND CHANCE
Based on a TRUE StoryKumusta Idol at sa mga readers dyan. Itago mo nalang ako sa pangalan na Ivan.Ang kwento na ibabahagi ko sa inyo ay base sa aking personal na karanasan. Nangyari ito noong kolehiyo palang ako
Kakagising ko lang no'n. Medyo tanghali na akong nagising dahil sa puyat. Sino ba namang hindi mapupuyat kung buong gabi kong hinintay ang reply ng jowa ko. Nag-away kasi kami kahapon at nasaktan ko sya sa mga matutulis kong salita. Binuksan ko ang TV para aliwin ang sarili ko.
"Kumain ka na?"wika ni nanay pagkatapos nyang kumatok
"Mamaya na nay. Salamat" wika ko sa walang ganang boses. Lantang-lanta ako. Kahit paghinga, tinatamad na ako. Kung pwede lang sana ako matulog habang buhay, gagawin ko. Pero biglang nanlaki ang aking mata nang makita ang balita
REPORTER:Isang babae ang natagpuang patay sa damuhan malapit sa paaralan. Tuklap ang balat sa mukha at hindi na siya makilala. Hindi alam ang pagkakilanlan ng babae na ito at iniimbistigahan pa ng awtoridad
Nanlaki ang aking mga mata at agad na tumalon sa higaan. Mabilis akong nagbihis at tumakbo papunta sa lugar. Hingal na hingal at namumutla ako nang marating ang lokasyon ng krimen. Nasa likod lang ito ng aking paaralan.
"TIGIL!" sigaw ng pulis sabay harang sa akin. "Kilala mo ba ang biktima?"
Nabigla ako sa tanong n'ya. Gusto ko sanang sabihing "oo" pero hindi ko mabigkas. Sigurado talaga akong siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali! Yan 'yong suot n'ya kahapon.
"I-Ivan. Sorry" wika ng isang malambing at malungkot na boses. Mas lalo akong kinabahan at pinagpawisan ng malamig."IVAN! TANGINA MO!..SORRYY.." sigaw n'ya. Nilingon ko siya nang dahan-dahan nang may kaba. Nakapikit ako habang nililingon ang nasa likoran ko. 'Ivan ano ba?! patawarin mo na ako"wika nya. Binuka ko ang aking mata at nagulat. I-Ikaw pala. Totoo kaba? Wika ko nang may pagdududa. Niyakap nya ako nang napakahigpit na ikinagulat ko. "Ramdam mo ba? Totoo ako. tanga"
Napakamot naman ako dahil ibang-iba siya kahapon. Hindi nya ako kinakausap kahapon kahit anong bulyaw ko hanggang sa umiyak nalang siya. Nakonsensya ako sa aking mga pinagsasabi kahapon kaya gumanti ako ng yakap.
" Alis ka dito. Nakakasagabal ka sa imbistigasyon namin" wika ng pulis sabay lagay ng yellow tape sa buong crime scene. Bitter talaga.
Habang kumakain kami sa paborito naming kainan ay grabi ang tinginan ng mga tao sa akin. Nagtaka ako dahil hindi naman ako pansinin dati. Siguro, gwapo ako kapag hindi naliligo. Shit! Nakalimutan ko maligo. Itago nyo nalang sa panagalan na Anna ang girlfriend ko. Nang umorder ako sa may counter ay napakamot ako.
"Sigurado kang 2 servings lahat sir?" pag aalangan na tanong ng tindera. Anong akala n'ya sa akin, hindi kayang magbayad? Hindi nalang ako sumagot at kinuha ang dalawang plato ng paborito naming pagkain.
"Kain ka na babe." wika ko sabay abot ng plato. Ngumiti siya tapos umiling. Busog pa raw siya. Medyo nakakapagtaka na talaga dahil hindi n'ya kayang hindi-an ang pagkain na ito. Pero hindi ko nalang siya inintindi at nagpatuloy sa kwentuhan namin. Binuo niya ang araw ko ngunit hindi ako nakaramdam ng saya. Para bang iyon na ang huli naming tawanan. Hindi ko alam bakit napakabigat sa pakiramdam. Nagyakapan kami habang naglalakad sa gilid ng kalye hanggang sa magpaalam na kami sa isa't-isa. Hindi ako lumingon hanggang sa makaalis ako sa lugar. Kulay pula na ang langit dahil papalubog na ang araw. Maya-maya ay may nag ring. WTF? 39 Missed calls?! Agad kong sinagot ang tawag ni mama kahit na kinakabahan.
"H-Hello ma?"tanong ko na may halong kaba.
"A-Anak. Si Anna..."
"O bakit nay? Kasama ko pa siya kanina"
Hindi ko alam pero bigla siyang humagolgol nang iyak. Mga isang minuto din ang pag-iyak ni nanay. Pilit ko siyang pinakalma."Si Anna. P-patay na. Pinatay siya!" Bigla nyang sigaw. Wala akong naramdamang emosyon. Hindi ko alam pero nakatitig lang ako sa madilim na parte ng kalye. Blangko at walang emosyon. Tinignan ko ang litrato naming dalawa bago kami nag-away. May kakaiba akong napansin sa anino ni Anna. W-Walang ulo! Pugot ang kanyang anino.Bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina at napagtanto ko na multo nalang siya at binigyan n'ya ako ng.....SECOND CHANCE!
Author's Note: Ano kayang ibig sabihin ng anino na pugot ang ulo? May koneksyon ba ito sa kamatayan?