Dahil sa multo, ayaw ko na maging single❗
(BASED ON A TRUE STORY)❗
Hi idol, marami na rin akong nabasa sa mga kwento mo at isa lang masasabi ko. Napakaganda po kaya sana ay mapost mo rin itong aking kwento. Single po ako bago nangyari ang kababalaghan. Ngayon, natatakot na akong maging single dahil sa nangyari sa'kin. Hindi ko nalang ilalahad ang aking pangalan.
February 14, 2000. Inis akong bumyahe sa madilim na kalye. Sino ba naman hindi maiinis e sila may kadate tapos ako lang wala. Napakasakit talaga sa mata idol. Kahit mga 12 years old may mga ka holding hands tapos ako, 21 na at single poreber.
Mabilis kong pinaharurot ang toyota na galing pa sa aking ama. Wala talaga akong pupuntahan, at naghahanap lang ng pwede maging date sa gabing 'yon. Pampainit lang ng gabi kumbaga. Sa gilid ng matatas na puno ay nahagip ko ng tingin ang isang napakagandang babae. Naka red s'ya at fitting ang kan'yang jeans kaya bakat na bakat. Hindi na ako nagdalawang beses at huminto sa kan'yang harapan.
"Kung ang english ng bata ay 'baby', pwede bang kitang madate ngayong gabi?"korni kong banat. Wala na akong maisip dahil sa biglaan ang pangyayari. Iwan ko ba kung himala o swerte ang nangyari. Kasi naman idol, kaagad s'yang sumakay sa ano.
Sa sasakyan. Ano iniisip mo? So 'yun nga, sumakay s'ya sa sasakyan at napagpasyahan namin na maghanap ng hotel. Ayaw raw kasi n'ya sa sasakyan. Maalog daw kasi at baka may makakita. Nakahanap kami ng motel at excited akong bumaba ng sasakyan habang nakayapos sa kan'ya. Napakabango n'ya! Amoy rosas na sariwa
May isang bagay lang talaga akong ipinagtaka idol. Kasi naman, lahat ng makakasalubong namin ay napapatitig. Alam ko naman naka jackpot ako kaya siguro sila nakatitig. Hindi ko nalang pinansin at pumasok sa loob.
"Room for one sir?"mahinahong tanong ng staff. Medyo napikon ako sa tanong n'ya ngunit pinakalma ko ang aking sarili. Huminga ako nang malalim sabay wika
"Room for 2 miss"wika ko habang pinipilit ngumiti. Nagulat naman siya sa sinabi ko at may binulong sa kanyang kasama. Tumawa sila ngunit agad naman tinigil nang mapansing nakatitig ako.
"O-Ok sir. Pero sir dapat room for 1 lang kasi-"
Hindi ko na sila pinatapos at umalis na kami. Hinila ko ang napakaganda kong date papunta sa itaas. I won't let any negativity destroy my night. Masyado silang pakialamero. Mga inggit siguro kasi naka jackpot ako.Sa mga oras n'yon idol habang papaakyat kami ay inisip kong inggit lang ang mga staff. Pumasok kami sa kwarto at kaagad ko s'yang tinulak tapos hinalik-halikan.
"Hmm ang sarap mo"wika ko sa kanya. Ngunit kaagad n'ya akong itinulak dahil maliligo raw s'ya. Sumang-ayon naman ako dahil kapag bagong ligo,masarap. Wala eh. Limang taon na rin akongbwalang Jowa. Kung iisipin mabait naman ako. Sa itsura naman, mabait talaga ako e. Kung pera pag uusapan, ang importante mabait tayo. Diba?
So ayun, halos isang oras na s'yang naliligo at isang oras ko na rin naririnig ang agos ng tubig mula sa banyo. Hindi na ako nakatiis at ang daungan na mismo ang lumapit sa barko. Naka uswang naman ang pinto kaya hindi na ako kumatok. pinasok ko kaagad ang cr at laking gulat ko nang bumungad sakin ang cr na walang tao. Sinipat ko ang CR at naghanap ng butas na maari n'yang daanan ngunit wala. Tanging 'yong pinto lamang sa entrance ng room ang maaring daanan.
Kung kanina ay 'yong junjun ko ang tumatayo, ngayon ay balahibo na. Mabilis akong lumabas ng kwarto at tumakbo papunta sa ibaba. Tinanong ko kaagad ang staff kung may nakita silang babae.
"Wala talaga sir"wika ng isa
"Ah sir wala kanpong kasamang babae...kaya nga nagtaka kami kung bakit room for 2 ang order mo"wika ng babaeng staff na mas lalong nagpagimbal sakin. Mabilis akong nagtungo saking sasakyan at umalis na sa lugar. Kahit kailan ay hindi na ako nagpakita sa lugar na 'yon ngunit isang linggo akong dinalaw ng babae. Napag-alaman ko pong biktima s'ya ng panggagahasa noon at sa mismong kwarto s'ya pinatay. Dito na nagtatapos ang nakakatawa at medyo nakakatakot kong kwento.