MANINIWALA KA BA?
(TRUE ASWANG TRUE STORY)From: Unknown Sender
WARNING❗ HUWAG BASAHIN KUNG MAHINA ANG LOOB❗Hindi sila naniwala. Hindi nila ako pinaniwalaan kaya nanatili akong tahimik. Ikaw, maniniwala ka ba? O pagtatawanan mo rin ako kagaya nila
Para kaming nasa kakaibang mundo kung titignan ang mga tanawin. Mga naglalakihang bundok at mga malalawak na taniman ng palay. Bakasyon at napagpasyahan ng mag tropa na gumala sa lugar ni Mike, isa sa barkada namin. Bilang laki sa syudad, ay ignorante kami sa mga magagandang tanawin at mga bukirin.
Pilit kong inaabot ang bintana ngunit tinutulak naman ako ni Jack palayo. Nag-aagawan kami sa bintana para lang makita ang makakapal na talahib at palay. Apat kaming magbabarkada na masayang bumabyahe papunta sa bayan ni Mike. Bayan na hindi namin inaasahang napakalayo sa syudad.
Narating namin ang bayan ni Mike nang hating gabi. Kami nalang apat ang nakasakay sa bus at panay tingin sa amin ang driver. Buti nalang ay nakarating na kami. Himinga ako nang may kaginhawaan. Nasusuka pa si Alvin. Napakahinang nilalang. Tawa kami nang tawa ngunit napatigil kaming tatlo nang mapansin na walang bahay sa paligi. Nakatayo kami sa mabatong daanan sa paanan ng bundok. Sa paanan ng maitim at nakakatakot na bundok.
"TARA NA"mahinang wika ng kaibigan naming si Mike. Tahimik naming inakyat ang madilim na bundok at tanging liwanag lang ng buwan ang gumagabay sa pagod naming mga paa. Kamot na nang kamot si Jack dahil sa kagat ng lamok.
"Putik na lamok. Kagat nang kagat wala naman kaming label"galit na bulyaw ni Jack sabay kamot sa nangangating batok.
"Mas matakot ka kung aswang na ang kakagat sayo"asar ko sa kanya. Napatigil nang biglaan si Mike tapos natahimik siya. Pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad.
"Uy pre tignan nyo tong singsing ko. Bigay ng aking jowa..umiilaw to par" wika ni Alvin sabay pailaw ng sing-sing n'ya. Parang pambata naman ang singsing n'ya
Narating namin ang bayan nang isa't-kalahating oras. Nagtaka lang ako kasi lahat ng pinto bukas. Walang tao sa mumunti nilang mga kubo kaya labis kong pinagtaka. Tahimik lang na naglalakad si Mike at walang kibo. Sa dulo ng napakaraming tahanan ay nakatayo ang malaki at maliwanag na bahay. Malayo pa lang ay rinig na ang mga boses na umaawit.
Ngayon ko lang napansin na napapalibutan ang lugar ng malalaking puno at talahib. Habang papalapit ay papalkas din ang awit mula sa bahay. Nang marating namin ang malaking bahay ay kakaiba ang tinginan ng mga tao. Para kaming mga artista kung kanilang titigan.Mabait naman ang mga magulang ni Mike at inalok kami ng mga kamoteng kahoy.
"MAMAYA PA ANG KARNE. INIHAHANDA PA"wika ng tatay ni Mike sa malalim na boses sabay ngiti. Tumango lang kami sabay kagat sa kamote.
"Mike! Mike. Asan CR nyo?"tarantang wika ni Alvin habang hinahawakan ang kanyang t'yan
Walang emosyon na tinuro ni Mike ang kakahoyan sa likod ng bahay. Wala naman talagang magarang CR sa ganitong bahay. Gawa sa kawayan at sa dahon ng lubi ang tahanan. Walang atubiling tumakbo si Alvin papunta sa dilim.Makalipas ang kalahating oras ay may naamoy kaming mabago mula sa silid lutoan. Amoy sisig at adobo. Tatawagin ko na sana si Alvin para kumain ngunit pinigilan ako ni Mike at sinabing nasa kusina si Alvin kumakain. Tumango nalang ako at nilantakan ang napakasarap na pagkain. Sarap na sarap sila, ngunit bigla akong nawalan ng gana. Para bang may kakaiba sa karne. Bakit walang kalamansi ang sisig. Pinagmasdan ko lang ang pagkain ngunit bigla kong napansin ang kakaibang titig ng ama ni Mike. Lumabas si Mike mula sa kusina na may dala pang mas maraming pagkain. Ngunit nakasimangot lang s'ya at nakatulala habang naglalakad. Tinawag siya ni Jack ngunit walang kibo.
Pinilit kong lumamon ng sisig ngunit bago ko pa ito makain ay may napansin ko. Kaagad akong pinagpawisan ng malamig habang pinagmasdan ang pamilyar na bagay. Naging bato ang aking katawan kasabay nang panginginig ng aking labi.