Fiesta ft. Kahihiyan

110 11 0
                                    

C H A P T E R  T W O

Jiyu

Ilang araw na nagdaan pagkatapos nangnakakahiyang pangyagari na ibabangungot ko at ata habang buhay,


"Natauhan ka ba sa misa ng pari? o sinaniban ka na nga anghel nung sunday?," biglang sulpot na tanong ni Luna sa gilid ko, napatawa ako at umiling sa sinabi niya

Ininom ko na lang ang natitirang coke sa bote,

"Siya sasaniban ng Anghel?, mamamatay muna ako bago mangyari niyan, nasa akin kasi ang anghel eh sa sobrang bait ko," pagmamalaki na saad ni Oli,

"Saang banda, di ko makita?," sarkastikong saad ni Luna,

Alam ko na ang pupuntahan ng usapan na to, kaya dali dali kong iniba ang usapan,

"Tara na kaya makifiesta na tayo kina Luna," parinig ko sa babaeng isip bata na binabangayan ang isa pang isip bata,

"Hoy Luna, baka Shanghai lang," parinig din ni Chan,

"Yoko nga!," At agad na sumimangot ang mga kasama ko,

"Kala mo isasama ka pa namin," banta ng lalaking gutom na kanina pa akong binubulungan kung pupunta ba kami sa fiesta,

Ilang banta pa sa buhay niya ang kailangan para sumagot,

"Sige na nga," pagsaad niya, biglang naghiyawan ang mga batang hamog, at niyuyugyog pa ang balikat ng kawawang si Luna,

"Luna, ang bait mo pala no?," pangitingiting saad ni Oli na ngumiti na kita ang ngalangala,

"Hindi mo ko madadaan sa ganyan," pataray na sambit ni Buwan at agad na naglakad palayo,

parang mga tanga kami na nagtatawanan sa daan, tinatahulan namin ang mga nakikitang aso, ng biglang may humabol samin, isang asong itim na tumulo ang laway

"Takbo mga hamog!," pasigaw na saad ni Pres na agad kinuha ang kamay ni Luna, para tumakbo, habang nakasabit naman ang kamay ni Chan sa manggas ng damit ni Luna,

"Hoy Prescott ba't mo tinakbo si Luna?," pasigaw na saad ni Oli sa likod na tumatakbo at pilit silang hinahabol,


"Mamaya ka na Lumandi! Buhay mo nakasalalay dito hamog!," Walang tigil kaming tumakbo hanggang sa nakarating kami sa kumpulan ng tao sa labas ng bahay nina Luna,

Tumigil kami at nagkatinginan, humagalpak ang aming tawa ng nakita pa namin'g tumatakbo pa din si Oli,

"Ang bagal talaga," sadyang mabagal talaga si Oli, kung hindi lang nawala ang aso, baka iinjectionan na to,

"Bakit di niyo ko hinintay?," hapong hapo niyang saad, pinunasan niya ang tumutulo niyang pawis at tiningnan kami ng nakapamewang,

"Sino ka ba parahintayin?," napahawak siya sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan,

"Grabe ka naman Buwan, personalan  na yan," Nawala ang atensyon namin sa dalawa ng biglang nagsalita ang kanina pang tahimik na si Chan,

Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now