One Thousand

22 3 0
                                    

C H A P T E R  E L E V E N

Kitang kita ko siya, sa kabila gilid ng glass na nakaharang sa mga pasyente,

she was smiling, ilang araw din kaming hindi nagkita, sabi nila may pinuntahan lang daw,

Ospital pala ang pinuntahan,

halos maging octopus na siya sa mga aparatong nakakabit sa kanya,

may mga doctor na nasa tabi niya, nandyan din ang mga magulang niya, naguusap sila, tanging nakatingin lang siya sa akin, nakangiti, ngiting puno ng paghihirap at sakit.

Napayuko na lang ako at naglakad papunta sa station ni Mama, walang emosyon,

Wala akong maramdaman, all I felt was emptiness, parang kumpleto na sana, okay na sana, pero parang may kunin pa, alam ko na ang sakit niya, sa puso, isang heart specialist ang kausap nila kanina, halos kilala ko na ang lahat ng doctor at nars dito,

Heart disease isang sakit na mahirap galingin, sa transplant pero hindi naman kasiguraduhan ang buhay mo, baka hindi kayanin ng katawan,

Kaya pala mukhang naglalaklak siya ng gluta,

"Salamat," saad ni Mama, alam kong may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi at tuloy tuloy na naglakad sa dinaanan ko kanina,

Nakatayo siya sa pintuan ng isang ward, tila may hinihintay, lumingon siya sa direksyon ko, mabigat ang mga hakbang ko papunta sa kanya,

"Jiyu.." panimula niyang saad, tiningnan ko lang siya, naawa ako, naiiyak,

Ba't ba ganito, hindi na nga ako masyadong nakakabonding sa mga magulang ko, alam kong nahihirapan din ang kapatid ko, alam ko sa bawat tawa at ngiti niya kasama ang mga magulang namin, may pangungulila at sakit sa mga mata niya,

Mahirap na nga ang buhay, pati babaeng mahal ko mukhang babawiin di ah,

"Ba't di mo sinabi?," saad ko, napayuko lang siya at umiling,

"Ji-,"

"Sagutin mo tanong ko," pagputol ko sa sasabihin niya,

tiningnan niya ako sa mata at napailing,

"Your eyes can never be so cruel," she muttered,

"Because you didn't tell me!," I shouted, napasapo ako noo ko, pilit kong pinapakalma ang sarili kong iuntog ang ulo ko sa pader, tila nagpipigil umiyak, halos sumigaw na ako dito, bigla na lamang siyang humagulgol,

"Natatakot ako!," she cried, napahagulgol siya at napaluhod sa sahig,

marami ng taong nakatingin sa amin, lalapitan na sana kami ng nurse pero pinipigilan sila ni Angeliz,

"Bakit? Angeliz?,"

"Natatakot ako, na baka mawala ako, natatakot akong iwan kayo, gusto ko pag namatay ako, walang iiyak, ayaw kong iyakan ako," she said between her sobs, lumuhod ako para magkalebel na kami,

"Mas nakakatakot kung hindi namin alam kung anong nangyayari sayo Angeliz, mas nakakatakot kung bigla ka na lang mawawala ng hindi namin alam, mas nakakatakot yun Angeliz," malumanay kong saad, napatingin siya sa akin,

"Sasamahan kita sa laban mo, kaya wag na wag kang maglihim sa akin, sa amin, tutulungan ka namin, wala kang dapat katakutan kasi hindi ka mawawala,"

I flashed a smiled,

"Hinding hindi ko hahayaan na mawala ka,"

Nakaupo kami sa rooftop, dinadama ang hangin,

"Nga pala wag mo munang sasabihin kina Press,"

"Pero si Lun-,"

"Alam niya," sagot niya, hindi rin sinasabi ni Luna sa akin ang tungkol kay Angeliz, kapag si Angeliz ang pinaguusapan ingat na ingat siya sa mga sinasabi niya, kaya pala,

"Maghahanap pa ako ng magandang timing," saad niya, tumango na lang ako,

"May magdodonor daw sakin," napatingin ako sa kanya,

meron pa palang tyansa na gumaling siya,

"pero 30% lang ang success rate,"

"Pero at least hindi zero diba?," saad ko, napailing lang siya at napangiti,

"Ayokong magrisk, oo alam kong makakaya namin ang bayarin, gusto ko din, pero mahihirapan sila ni Mom, kasi yun nga, ginawa na nila ang lahat, pero wala pa din," napatingala siya sa langit habang inaabot ang mga bituin,

"Basta ang gusto ko walang iiyak sa lamay ko ha, magbabayad ng 1k nag iiyak," patawa niyang saad,

"Walang mangyayaring lamay," kanina pa ako nananahimik dito, pero usapang pampatay na ang kinikwento niya eh, nakakirita na,

"Okay," saad niya at ngumiti,

"Say, kailan nga tayo nagkita?," pambawi ko sa katahimikan,

"It was summer right? pero umulan, kaya nakisilong ako sa payong mo, tapos pagsilong ko tumilan bigla ang ulan," taka ko siyang tiningan, dahil umiling siya,

"Nagsisigawan kayo nun ni Luna sa tyange, nadaanan mo ko, dun tayo unang nagkita,"saad niya at napangiti ako,




















Pabalik na ko sa bahay, nandoon parin si Angeliz sa hospital, ilang araw daw siya doon, napangiti ako sa iniisip kong plano,

Sakto namang pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin si Dominique na nakaupo sa sofa, nanonood ng TV,

"Ding!," tawag ko, at taka naman siyang napatingin sa akin,

"May gagawin ako,"

Ngumiti ako sa kanya "Tulungan mo ko,"

Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now