My Fault

18 2 0
                                    

C H A P T E R  T H I R T E E N

Halos gusto ko ng ipukpok ang sarili ko sa pader, hindi kasi ako nag iisip,

"Magiging okay lang siya," saad ni Luna sa tabi ko, alam kong sinisisi niya rin ako sa nangyari sa kaibigan niya,

Pumasok ang mga magulang ni Angeliz, galit na galit sila sa amin, sa akin,

Sa akin sila dapat magalit,

Pero hindi sila kumibo at patuloy na pumunta sa anak nila,

Kasalanan ko to,

Oo, alam kong grabe ang paghahanda namin, at halos ihagis ko na ang hiya ko, hindi ko naisip na baka mangyari to,

Mangyari ang isang bagay na hinding hindi ko gustong mangyari,

Halos magiisang oras na kami dito, umuwi na sina Luna at ang iba dahil baka daw mapagalitan lang sila,

Si Dominique na lang ang natira at ako,

Nakaupo lang ako sa upuan habang nagseselpon lang si Dominique,

"Ba't parang pinagbagsakan ka ng buong mundo diyan?," tanong niya pa,

Huminga muna ako ng malalim bago siya tingnan,

"Kasalanan ko to,"

Napakunot ang noo niya, "Bakit sinaktan mo ba siya?,

tanging iling lang ang sagot ko,

"So, bat mo sinisisi ang sarili mo?, walang may gusto ng nangyari, at isa pa hindi naman kinidnap si Angeliz kusa siyang sumama,"

"Hindi ka ba natatakot na baka may mangyaring masama sa kanya,"

"Natatakot," saad niya "Pero ano naman ang magagawa kung sisisihin mo ang sarili mo diba? Mapapagaling ba nun si Angeliz, Ang point ko lang ay, kahit na siguro hindi mo ginawa yun, may chance na sasakit talaga ang puso niya, sakit niya yun eh,"

"Grabe ka makapagsalita," inirapan niya  lang ako at ngumisi,

"Alam mo ba kung bakit ako natatakot na mawala si Angeliz?," tanong niya,

"Hindi,"

"Kasi nakita ko ang pagbabago mo sa kanya, she's a good influence to you, atsaka nakita ko rin kung gaano ka niya kamahal, at alam kong ganun din ang nararamdaman mo, hindi ko ma expect kung gaano ka masisira, at alam kung hindi gusto yun ni Angeliz" saad niyang nakangiti,

"Ewan ko sayo, makaadvice ka! inlove ka siguro no?!," tukso ko pa,

Nagiba ang itsura niya at napangiti,

"Sa totoo lang hindi pa eh, hindi ko alam, pero pareho lang tayo ng sitwasyon,"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya,

"huh?,"

"Wala!," saad niya at umiling, "May bibisitahin lang ako sa kabilang ward ha!," saad niya at tumayo,

"Sino?,"

"Someone," saad niya at naglakad paalis,

Ang pinagtataka ko lang bakit papunta siya sa mga ward ng mag inpatients,

Anong tinatago ng isang to?

----

Pagpasok ko, gising na si Angeliz, nakatulala at nakaupo

Pansin ko mas pumutla pa siya at mas pumayat,

"Jiyu!," saad niya at yumakap sa'kin

At bago pa ako magreact, may sinabi siyang ikinalumo ko,

"Dadalhin ako nina Daddy sa America.."

Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now