C H A P T E R T H R E EJiyu
Isang salita ako ngayon, sabog, sabog ako ngayon kakaisip ng babaeng yun kagabi, ba't ganun di naman ako nagkakaganito noon ah, inengkanto ba'ko, o pinakulam niya nan ako
biglang may pumasok na ideya sa isipan ko, napabalikwas ako ng bangon at naligo, bahala na si Batman sa gagawin ko,
pagkalabas ko tanging ang kapatid ko lang ang nakita sa sala,
"San sina Mama?," tanong ko,
"Work," casual niyang sagot, tumango ako, at lumabas na ng bahay,
Napatakbo ako dun papunta sa bahay nina Luna, ewan ko kung bakit pumasok to bigla sa isip ko,
nahihibang na ba ko?
Dapat kinakalimutan ko na ang pangyayaring yun, dapat kalimutan ang ginawa kong kahihiyan, nakatanggap pa'ko ng sampal,
Wala ng balikan, nandito ka na kaya gawin mo,
Napadaan ako sa tindahan ni Aling Tere, at kung siniswerte nga naman nakita ko'ng nandoon si Luna, lalapitan ko sana siya at gugulatin,
ng maalala ko ang nangyari, tae baka di si Luna to,
hinintay ko na lang na matapos siyang bumili, ng nakita ko kung sino nga, patakbo akong lumapit sa kanya,
"Buwan!," saad ko, at inakbayan siya,
"Ba't kayo biglang nawala Kahapon?, san kayo pumunta?," tanong niya,
"Ah basta, hindi ka na namin tinawag marami kayong bisita," kamot batok ko'ng sagot, nakakita ako ng isang mahabang upuan na gawa sa kawayan,
"Upo muna tayo, may itatanong sana ako?," tumango si Luna, at sinundan ako, umupo kami sa kawayan,
biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nininerbyos ako, itatanong ko lang naman kung ano'ng pangalan niya,
"Lun.."
"Hm?," tanong niya, napa inhail, exhale muna ako, mabuti wala dito ang mga hamog kundi pagtatawanan na ko nila neto,
"May ano, pumasok ako sa kwarto," saad ko,
"Tapos?,"
"M-may babae," napahinga ako, "pa-ngalan?,
"Ha?, ano?"
napasinghap ako at umiling,
Ilang segundo pa siyang nagisip, bago niya ko sinagot,"Ah, Si Angeliz!,"
Angeliz, mala anghel na pangalan, ah
"Taga san siya?,"
"Taga dito lang dun sa kabila," walang ka gatol gatol na sagot niya, napangisi ako, swerte ko naman, tila nawala ang kaba ko dahil sa patuloy na pagsagot ni Luna sa mga tanong ko,
Kakapalan ko na ang mukha ko,
"Lun, ireto mo naman ako," saad ko,
YOU ARE READING
Beautiful Karma (Unedited Version)
Random"She's my Karma, my Beautiful Karma," Jiyu, living his life to the fullest as he stumbles upon a girl under the umbrella, as he knows that she was his friend's, Best friend, he knows that he has something to do, Saying she's her karma, Will he wil...