Eyes Everywhere,

49 3 0
                                        

C H A P T E R  F I V E

Jiyu

Nung kinaumagahan, pagkatapos kung gawin ang lahat ng gagawin ko, tumakbo akong pumunta sa bahay nina Luna,

"Luna buksan mo to bilis," sigaw lang ako ng sigaw tutal wala naman yung parents niya,

Mugto pa ang mata ni Buwan ng lumabas siya, nakapajama pa at gulong gulo ang buhok,

"Anyare sayo?," tanong ko,

Nagulat ako ng pumadyak padyak pa siyang parang bata,

"May binasa ako ang sakit sa heart, pinagpuyatan ko pagkatapos ganun na lang ang ending."

Mangiyak ngiyak niyang saad, napatawa ako at pinapasok na ako sa kanilang bahay,

Dirediresto akong pumasok sa loob ng bahay nila at sumalpak sa kama,

Pasuray suray pa siyang lumapit sa'kin at umupo sa tabi ko at pinikit pa ang mata,

"Yung tungkol pala sa date," mahina kong saad, pero ang hamog biglang umaliwalas ang mukha at parang sinalpukan ng yellow tsaka glitters,

parang uod na sinabuyan ng asin tong isang, ngumisay ngisay pa na parang sinapian ng isang daang demonyo,

"Tapos tapos? ano nangyari?," patalon talon niyang saad,

Winaksi ko ang dalawa niyang kamay na kanina pa sinasampal ang balikat ko,

"Papadalhan na ba kita ng Pari?," pabalang kong sagot at ang hamog naman umiling iling lang pero ngumingisi pa din,

"Nagkwentuhan, tapos umuwi, tsaka ano.. kumain pa pala..Oo," saad ko,

"Tapos?,"

"Tapos na, yun na yun ano pa?,"

Napanguso naman siya at sumandal sa upuan,

"Ikaw nga tinatanong ko diba?,"

Marahas kong kinamot ang ulo ko,

"Oo nga yun na yun,"

"Nga pala, ba't wala siyang boyfriend?," tanong ko,

biglang bumigat ang awra ni Luna, at yumuko,

"Hoy," saad ko,

"H-ha? hindi ko alam,"

Iwinaksi ko sa isipan ko kung ano mang naging reaksyon ni Luna, baka sabog lang, o naalala yung binasa niya,

Biglang umilaw ang cellphone niya sa gilid at rumihestro ang pangalan ni Angeliz,

Kinuha niya ito, habang pasimpleng sumilip ako sa kung ano mang pinaguusapan nila, pero pilit itong nilalayo ng hamog,

"Papunta na siya dito," saad niya, na ikinaliwanag ng buhay ko, joke.

Bigla siyang tumayo at itinulak ako papunta sa kusina,

"May siomai pala dun sa ref, lutuin mo may steamer kami dun, paborito ni Geliz yan," turo niya kung saan saan sa kusina nila,

Wala sa sarili naman akong naglibot sa kusina habang hindi alam ang gagawin sa pakete ng siomai na hawak ko,

Sadya bang lutang lang ako, O mas nagiging bobo na,

Agad ko yu'ng inisteam o kung ano pa ang tawag dun, mayamaya narinig ko ang tawanan ng isang demonyo at anghel sa sala,

May nakita akong plato nanakababad sa mainit na tubig, hindi ko alam kung saan ang mga plato ng kumag na to, kaya ayun nalang ang kinuha ko, at pinunasan, inilapag ang mga siomai na umuusok usok pa at nabugahan ang mukha ko ng mainit na usok,

Dahil sa kabobohan agad kong ikinuha ang plato ng siomai kahit parang masusunog na ang kamay ko sa init,

Nagdudusa man sa sakit dulot ng siomai na to, pangiti ngiti lang akong pumasok sa sala, pero parang hihiyaw na ako sa sakit,

"Eto na siomai niyo,", saad ko at medyo pang pumiyok, napahagikgik ang shungang demonyo na nangangalang buwan, habang nalilito akong tiningnan ni Angeliz,

"Okay ka lang?," tanong niya, agad kong inilapag ang plato at tumango,

"teka lang," saad ko at dali daling pumunta sa lababo ng kusina,

"Ang sakit," mahina kong sigaw, ng may tumawa sa gilid ko,

"Sarap mong hampasin ng Pitsel na hawak mo," saad ko, patuloy parin siyang tumatawa at pumunta sa kusina,

Hamog ka Luna,

Bumalik ako dun at wala na si Luna,

"Hi," saad niya, taeng Hi na yan nakakamatay,

Umupo ako sa tabi niya,

"Ano palang ginagawa mo dito?,"  tanong ko,

"Wala lang boring kasi sa bahay," saad niya habang kumuha ng siomai ang kinain,

Biglang may kung anong pumiyok na hamog sa gilid dahil ang sakit sa tenga ng tili niya,

"Nilalanggam kayo oh!," saad niya pa at tinuro ang sahig, tumingin rin ako sa sahig at tumawa ng malakas si Luna,

"Hah uto-uto!," patawa niyang saad,

Tiningnan ko lang siya nangamasa,

"Hamog!," pasigaw ko'ng saad,

Nabalot ng katahimikan ang silid ng biglang nagtanong si Geliz,

"Ano yung Hamog?,"

"Yun ano yun, yung basta paglabas mo sa bahay mo pag umaga yung may hamog,oo yun, yung parang ulan tapos hindi umulan pero basa yung mga dahon, tapos dun ang tubig nangggalimg pero di umulan" saad ko,

Taka niya akong tiningnan,

"Ang gulo mo mag explain,"







Awtor:

Heyooo sup brebody! So nag backread ako sa ibang chapters tas taeng yan dami pa lang errors tae AHAHHAH, so baka tapusin ko muna ang story bago ko iedit, kasi medyo sabog ako nung mga time na yun, nauubos na kasi braincells ko, chos! By the Way, baka magpublish ako ng bago mga next few weeks kasi ang genre ko talaga is Mystery/Thriller pero di ako sure kung ganun ang genre kasi naisip ko lang to sa CR HAHAH, sige na HAHAH

sabog,
Shin (┛◉Д◉)┛彡┻━┻

Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now