Semi Jungle

20 2 0
                                    

C H A P T E R  S I X

Jiyu

Kasama ko ngayon sina Pres, Chan, Oli, Luna at Geliz, kilala na ng nga hamog kong kasama si Angeliz, pero syempre binantaan ko ang buhay nila na wag sabihin ang mga kajejehang pinagsasabi ko sakanila nung sa fiesta,

"Hoy manguha kaya tayo ng indian mango dun sa loob ng kakahuyan," saad ni Oli at itinuro ang kakahuyan, at kinagat pa ang daliri baka daw may naturo kasi siyang engkanto,

Bali hindi naman talaga siya Kakahuyan, parang semi jungle lang ganun, hindi ko alam kung ano tawag dun basta,

Ginawa na naming tambayan ang kakahuyan dun, masukal ang papasok pero pagdating dun sa tambayan namin hindi na, may mga kinabit kami doong mga goma para maging swing na halos ikabali pa ng buto ni Oli habang binubuhat doon, may mga upuan din na yari sa kung ano-anong kahoy na tinali namin,

Parang impyerno ang bawat hakbang, sa sobrang init mga 40 degrees Celsius siguro ang temperature,

Tae akala ko pa noon sa Celcius ay cold, yung tipong kapag sa balita ay 40°c ay 40 degrees cold,

Ambobo ko pala, di ako nainform ah,

Ang swerte pa naman nakashort kaming lahat,

Pagdating namin doon, nakahinga ako ng maluwag, bakit ba kasi naming naisispan na ilagay sa gitna, tama nga naman nasa huli ang pasisisi,

Pag dating namin doon agad hinablot ni Oli ang nakatagong plastic sa kasuluksulukan ng puno, medyo marupok na ito at parang isang bagsak lang mabubutas na pero keri lang naman,

Parang mga chimpanzee ang mga hamog na nagsiakyatan, si Luna hindi rin magpapatalo na umakyat sa puno, at kumalabitin pa siya, mahuhulog na sana siya ng sabay na naglahad ng kamay si Pres at Oli,

May naamoy akong kompitensyon ng mga puso sa tatlong to,

Naamoy pala yun?,

Etong si Luna at tinabig ang kamay ng dalawa at humablot sa paa ni Chan, at muntikan pang mahulog and dalawang hamog, napasigaw sa sakit si Luna at dalidali namin siyang inalalayan ni Geliz, pinaupo siya ni Angeliz at may kung anong kinulikot sa bag niya  akong nakatingala sa dalawang masasakit ang tinginan ng dalawang hamog at yung isa parang dinadamdam pa ang muntikan nilang pagkahulog, ng may kung anong nalaglag sa mata ko,

Ang anghang,

Para akong tangang sigaw ng sigaw at patalon talon sa sakit ng mata ko, bahala na kung nandito si Geliz, ang sakit sa mata tae kayo!

Nagbiglang may kamay na humatak sa akin, at may nalaglag na kung ano mula sa mata ko, nahibsan ang sakit at tumambad ang nag alalang itsura ni Angeliz,

"Hoy okay ka lang?," saad niya at napangiti ako,

"Oo okay lang ako,"

Pababa na ng puno ang tatlong hamog ng biglang nabutas ang plastic na nilalagyan nila ng indian mango,

"Tae kumuha tayo ng panibagong plastic!," saad ni Oli tsaka kinalakadkad ang dalawa pang hamog, habang nakangisi pang ika ikang naglakad palayo si Luna,

Alam ko na ang takbo ng utak ng mga to,

Biglang nawala ang Apat na hamog, at naiwan kaming dalawa ni Angeliz, hinintay namin silang dumating pero tae malapit ng dumilim hindi parin sila nakabalik, taeng yan,

Biglang nanginginig si Angeliz,

"Nilalamig ka ba? okay ka lang ?," tanong ko,

"Takot ako sa dilim," saad niya,

agad ko siyang niyakap at nagapayakap din siya,

chansing malala, pero oks na to,

at dahan dahan kaming naglakad palabas ng gubat,

kahit minsan sa buhay ko may pakinabang parin pala ang mga hamog na to.


Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now