Heartbreak

21 2 0
                                    

C H A P T E R  T E N

Nagising na ako, habang nasa gilid ko ang dalawa kong kumag na pinsan,

Dito sila na tulog, nasa gilid ako, nasa gitna si Dominique, nasa kabilang gilid naman si Bella, walang malisya, alam na alam ko ang mga baho nito lalo na tong si Dominique, kaso mas marami siyang pang blackmail sakin,

Dahil sa sobrang antok, pumikit ako ulit, at aakmang matutulog na lang ulit,

"Kuya," tawag sa akin ni Yzabelle, nagising bigla ang diwa ko sa boses niya, parang demonyo na naninitsit sa akin,

"Mahal mo na siya no?,"

Kunot noo ko siyang tiningan, alam ko naman ang ibig niyang sabihin

"Sino?,"

"Si Angeles," Los Angeles ang tae,

"Angeliz kasi yun," patawa kong saad,

"Oo, basta siya,"

Tahimik kaming tumawa ni Bella, baka kasi magising tong isa, masarap pa naman tulog niya, kawawa inistorbo ko kagabi dahil kwento ako ng kwento tungkol kay Geliz, minsan napapahikab na siya pero may ngisi pa rin ang mukha niya, proud daw siya sa akin at nakita ko na ang katapat ko,

naghehello ang 25 kong ex hehe, hindi naman ako nagpapalit araw araw, every other day lang, joke.

Walang totoo sa sinabi ko yun,

"Ba't mo mahal?,"

Ba't ko nga ba siya minahal?

"Hindi ko ala--

"That means you really love her," nagulat pa ako ng biglang sumulpot ang nakangisi si Dom na nakatingin sa akin,

"Maybe," I muttered.










Ilang oras na akong naghintay sa kanila dito sa tambayan, ni isa walang sumulpot, hindi pa sila online,

May pinuntahan ba sila na hindi ako sinama,

aba mga walang hiya,

bigla akong nakatanggap ng tawag kay Luna,

medyo kinabahan ako dahil hindi naman sila tumatawag sa akin,

"Hello Lun?," saad ko,

["Hoy saan ka na?,"] pasigaw na saad ni Luna may mga taong nagsisigawan sa background at doon ko na realize ang kabobohan ko naman ulit,

"Ang game!," sabay naming sigaw, napaharurot naman akong bumalik sa bahay para kunin ang bike ko, namataan ko pa sina Dom and Bella sa labas ng bahay, nasa ibaba si Bella may dalang plastic tapos nasa itaas ng puno ng makopa si Doming,

napatawa pa ako sa ginagawa nila ang lahat na binibigay na bunga ni Domi kinakain ni Bella halos walang laman ang plastic, mga maliliit pa,

Pagnakita to ni Doming, mawawakasan ang buhay nitong babaeng to,

hindi ko na nakita ang susunod na nangyari pero alam kong nakita na ni Dominique ang laman ng plastic,

halos paliparin ko na ang bike papunta doon sa gym, ng bigla pang tumawag si Mama,

"Hello ma?,"huminto muna ako sa gilid baka kasi sumemplang pa ako sa daan at mag pagulong gulong,

["Kunin mo muna ang PPE ko sa bahay nakalimutan ko kasi, madaming pasyente,]" saad ni mama na halos mawasak ang buong pagkatao ko sa sinabi niya,

Pinatay niya ang tawag kaya pinalipad ko naman ang bike ko pauwi sa bahay,

Nadatnan ko doon si Bella na nakakabit na patiwarik na sa puno,

Syempre joke yun,

Nagbabangayan nanaman sila at halos ipakain na ni Dominique ang plastic na hawak hawak ni Bella kanina,

Hindi nila ako napansin na pumasok ako sa bahay at kinuha ang PPE ni mama,

pinaharurot ko na lang hindi na pinalipad, halos ma putol na ang binti ko,

Pagdating ko doon sa Hospital agad kong hinanap si Mama,

Tila tumigil ang mundo ko ng mamataan ko ang isang babaeng nakahiga sa hospital bed, may kung anong mga aparato ang nakakabit sa katawan niya,

Nung nagtama ang tingin namin nakita ko ang panlulumo at maliit na ngiti sa labi niya,

Angeliz...





Beautiful Karma (Unedited Version)Where stories live. Discover now