Tuloy ang Operation: Susundan si Miss Pusa
Di po ako Stalker i am an Admirer ang panget pakinggan ng Stalker saka ang Gwapo ko para maging Stalker kaya dapat ang tawag sa akin Admirer.
Huminto siya sa MCDO, Wala bang pakiramdam yung babaeng yun?! Di niya man lang alam sinusundan siya ng Admirer niya? Well di ko siya Gusto okay? Pwede ko lang siyang gamitin since kailan kong di matuloy yung engagement namin ni Hope.
so Si gwapo *ehem* eh pumasok sa loob ng MCDO at umupo sa tapat ni Miss Pusa, Napatigil siya sa pagkain niya ng Pancake. Napataas ang kilay niya pero naawala iyon at napalitan ng panlalaki ng mata niya..
"Pwede ba wag mo nang lakihan ang mata mo, Alam kong gwapo ako."sabi ko sa kanya sabay ngiti ng aking Killer Smile.
"Wow, Ang kapal din ng mukha mong Padilla ka na sumulpot sa harap ko after Eight years mayabang ka pa din."sabi niya, Teka kilala niya ko?! Oh this perfect.
"Kilala mo ko?!"gulat kong sabi sa kanya tapos napa-smirk siya at binitawan yung knife and fork niya.
"Malamang sino ba naman ang hindi makakakilala sa iyo saka nakalimutan mo na siguro ko no?!"sabi niya sa akin sabay cross arms, Wow isa siguro 'to sa fangirls ko nung nag-aaral pa ko.
"Teka, Sino ka ba?"tanong ko sa kanya.
"I-ni-istalk mo ko tapos di mo ko kilala? Ayos ka din eh no? Nalugi na ba kompanya niyo?"sunod-sunod na tanong niya sa akin, Aba! Kilalang-kilala pala talaga ako sino ba siya? Di ko talaga maaalala..
"Teka lang ang sunod sunod?? Saka *ehem* Di kita iniistalk, sinundan lang kita kasi.. Basta di nalulugi kompanya namin noh?! Saka kailan pa naging sagot ang tanong?"bawi ko sa kanya ayokong mabara ng wala sa oras mukhang mahilig siyang mambara eh.
"Ngayon lang."sabi niya sabay yumuko at kumain. Napatitig naman ako sa kanya at bigla kong naaalala.
"Teka nga lang muntik ko nang makalimutan, Ang galing mong mang-segway eh! Sino ka ba? paano mo ko nakilala?"tanong ko sa kanya at umangat ang ulo niya sabay nag-smirk ulit siya.
"Ako lang naman si.."________________________________________
Halata naman kung sino siya eh di ba pero sa tingin niyo? Ano ang relasyon nila dati?
A. Ex Girlfriend
B. Enemy
C. Fangirl na Pinahiya
D. Bestfriend~Cynthia
BINABASA MO ANG
Finding Love [Fin]
Teen FictionI am Finding Love and all i know is Loving you is the only way to escape..