Finding 10 (Her Fiance)

2.3K 52 0
                                    

Isa lang masasabi ko masaya ako habang hinahalikan ako ni DJ ngayon ko naramdaman na siya pala ang gusto ko, Siya ang Mahal ko hindi ito PBB Teens na agad agad dahil kaya pala ang laki ng galit ko sa kanya napatawad ko agad siya dahil sa pagmamahal ko sa kanya.


Nung magbitiw ang labi naming dalawa napangiti siya kaya napangiti din ako. Inayos niya ang pagbuhat sa akin at maglalakad na sana siya ng..



"Kathryn."napatigil kaming dalawa nawala ang ngiti ko sa labi dahil nakita ko siya, napansin ata iyon ni DJ.



"DJ, Tara uwi na tayo."sabi ko kay DJ at binaon ko sa leeg niya ang mukha ko tapos sumunod naman si DJ.



"Kathryn, Umuwi ka na sa inyo nag-aalala na si Tita Min sa iyo."sabi ni Dominic ang Fiance ko.


Nasaktan ako sa sinabi niya na nag-aalala si Mommy, Miss ko na din si Mommy at Daddy pero kung ang kapalit nun eh pakakasalan ko ang lalaking 'to na hindi ko naman gusto na ngayon eh alam ko ng mahal ko na si DJ mas magiging komplikado lalo pero anong pinag-kaiba matagal ng komplikado ang lahat.



"Kath, Nag-aalala na daw si Tita Min."sabi ni DJ sa akin habang naka-piggy ako sa kanya at tumigil naman siya sa paglalakad.



"DJ tara uwi na tayo inaantok na ko."sabi ko kay DJ pero nagmatigas si DJ sa akin.



"Hindi Kath sasamahan kita sa inyo Promise, Hindi kita iiwanan."sabi ni DJ sa akin at mas hinigpitan ko ang hawak ko sa leeg niya.



"DJ wag kang mag-promise parehas tayo ng sitwasyon ngayon hindi tulad ng dati na Childish fight."sabi ko sa kanya at tinitigan niya ako sa mata.



"No, Sasamahan kita kilala naman ako ni Tita Min eh."sabi niya tapos humarap siya kay Dom kaya tinatapik ko siya.



"DJ ano ba uwi na tayo?"sabi ko pero di niya ko pinapansin.



"Tara punta tayo sa bahay nila Kath sama ka para malaman namin kung totoo yung sinasabi mo."sabi ni DJ kay Dom tapos umupo ako sa may Passanger Seat tapos si DJ naman sa Shotgun at si Dom ang Driver.



"Kath bakit ba kasi ayaw mo pa akong pakasalan."sabi naman ni Dom tapos napansin ko yung kamay ni DJ na nag-tightfist kaya hinawakan ko yun, tinignan niya lang ako tapos ngumiti na siya pati ako napangiti nang dumating na kami sa bahay nag-unahan pa sila magbukas pero sa side ako ni DJ bumaba.



"Kath salamat at bumalik ka!"sabi ni Mama tapos yinakap ako. Yinakap ko rin siya pabalik kumalas kami sa yakap at tinignan ako ni mama.



"Nag-alala ko sa iyo, Anak wag ka nang tatakas ha."sabi ni Mama pero nawala ang ngiti niya dahil sa reaksyon ko.



"Ma di naman ako tumakas eh lumayas ako kasi ipapakasal niyo ko."sabi ko at nalungkot ang mata ni mama.



"Kath we need to do it for your own good."sabi ni Mama, Magsasalita na sana ko kaso sumingit si DJ.



"Hi po Tita Min."



"DJ, Iho kamusta na?"sabi ni Mama at halata ang gulat sa mukha niya.



"Okay lang po."sabi niya at ngumiti.



"Akala ko ba galit ka kay DJ kath?"tanong ni Mama sa akin actually bulong lang.



"Ma wala naman siyang kinalaman noon eh."sabi ko tapos tinignan ko si DJ na nakatingin sa aming dalawa ni mama.



"Oh sige pero paano ba ito, Ang swerte mo na wala ang papa mo dito kundi ikukulong ka na nun hanggang sa ikasal kayo nitong si Dominic, DJ ingatan mo muna si Kath ha."sabi ni Mama kay Kath, tumingin ako kay Dom siguro sincere siya na talagang nag-alala siya kay Mama pero that doesn't leave the fact na ayoko siyang pakasalan.

Finding Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon