Finding 4 (Waiting..)

2.7K 69 0
                                    

Mayaman si Kath, Alam ko yun dahil nga naging kaibigan ko siya nung Grade 6 at 1st year kami pero bakit siya nakatira sa isang maliit na apartment building? Nalugi na ba ang mga Bernardo? pero sobrang imposible sikat pa din sila eh, Bernardo Cloting line nga ang favorite Clothing Line ni Magui dahil may Clothing Brand din sila.


Nag-antay lang ako dun sa labas, Sigurado na ko na siya talaga ang pwede kong magamit siya lang mahihirapan akong mag-hanap ng iba kung susuko ako sa kanya may nalalabi pa namang ilang weeks eh..


Matagal din akong nag-antay dito, Nang maramdaman kong may tumulo sa mukha ko una akala ko naluluha ako pero hindi naman pala umuulan lang pal- ANO?! Umuulan?! Saan ako sisilong nito? Kung minamalas ka nga naman!


Basang-Basa na ko ng ulan, Maginaw pero no Choice ako kay Kath siya lang malalapitan ko ngayon.. Nang maramdaman kong may payong na nag-silong sa akin.



"Baliw ka ba?! Gusto mo mamatay sa lamig?"sigaw ni Kath sa akin, Napangiti naman ako sa sinabi niya may Care pa rin siya.



"Tanga ka ba?! May Bagyo kaya umuwi ka na nga!"sigaw ulit ni Kath pero di ko siya pinapansin.



"Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh umuwi ka na!"sigaw niya pero NR ako sa kanya kasi natutuwa talaga ako kasi may care pa rin siya sa akin.



"Alam mo para tayong baliw dito! Ngumingiti ka mag-isa diyaan tapos ako naman kumakausap ng hangin!"sigaw niya, Hilig niyang sumigaw.



"Talaga bang Hobby mo na ang pag-sigaw? Di ako pwede umuwi hangga't wala akong babaeng ma-ihaharap sa Parents ko."sabi ko sa kanya at umiling siya habang nakatingin sa akin.



"Tss.. Eh di pumunta kang Bar The END."sabi niya at aalis na sana siya ng hawakan ko yung braso niya, Nakaramdam ako ng pagkahilo.



"Please...."yun lang yung nasabi ko and everything went black..

Finding Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon