Argh! Ang sakit ng Ulo ko saka bakit ang dilim? Don't tell me..
"Ahhh! Wala akong makita!"sigaw ko sabay napahawak ako sa noo ko.
"Tanga! Nakapikit ka ang baliw mo eh no?! Trip mo?"sigaw sa akin na boses pamilyar.. Si Kath. Dinilat ko ang mata ko at Tama siya ang Tanga ko naman, Tinignan ko ang paligid.
"Nandito ka sa Apartment ko, Halata naman di ba?! Oh kainin mo."sabi niya sa akin sabay lapag ng Sopas sa harap ko, Tinignan ko yung damit ko kaya nanlaki ang mata ko kasi nagiba ang damit ko.
"A-Anong ginawa mo sa akin?!"sigaw ko sa kanya at umiling-iling pa siya.
"Ambaliw mo! Nakahithit ka ba? Malamang basa ka pinalitan ka ni Quen ng damit."sabi niya sa akin habang pinupunasan yung lamesa.
Maliit lang ang Apartment niya pero ang Cozy, Teka sino si Quen? Bakla ata yun eh mamaya pinag-nasaan nun yung katawan ko..
"Ahh.. Kath sino si Quen??"tanong ko sa kanya tinignan niya lang ako ng seryoso.
"Si Quen? Ahh yung bakla kong kapit bahay."sabi niya ng nakatingin sa akin ng diretso.
"ANO?!"sigaw ko sa kanya at tumawa naman siya.
"Joke lang, Si Quen? Boyfriend yun ng Bestfriend ko nung College. Diyaan lang siya nakatira sa kabilang building, Nga pala feel at Home ka ah! Kumain ka na para maka-inom ka na nang gamot."sabi niya sabay upo sa Silya sa tapat ng la mesa niya tapos nag-simula nang mag-Laptop.
"Nga pala bakit ka nandito? Nasaan ang family mo?"tanong ko sa kanya, Huminto siya saglit pero pinagpatuloy ang pag-gamit ng laptop niya. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Katulad mo gusto din nila akong i-arrange marriage dahil sa ayoko lumayas ako sa amin, Buti ka nga may Choice ka ako wala."sabi niya habang nakatingin lang sa laptop niya.
"Nga pala kamusta ka na?"tanong ko sa kanya at halata ang bored sa mukha niya.
"Eto buhay pa at humihinga ikaw? Gusto mo tuluyan kita?"sabi niya sa akin habang nakatingin sa Laptop niya.
"Eto naman, Anong ginagawa mo?"tanong ko tapos tatayo sana ko kaso..
"Some works, Pwede wag ka muna tumayo kung ayaw mong mabinat?! Nagkalagnat ka kaya kanina, Buti nga eh wala na."sabi niya, Ibig sabihin simula kaninang umaga eh nandito na ko?
"Sorry."sabi ko sa kanya at tinignan niya ako.
"Tss.. Matulog ka muna diyaan."sabi niya sa akin at bumalik ako sa paghiga saka ko siya tinignan.
Napapansin kong bored na bored siya hindi ko na lang pinansin at natulog na lang ako ulit.Nagising ako sa sinag ng araw kaya naman umupo ako ng maayos at dumilat ng maayos ko nakita ko si Kath na kalalabas lang ng Banyo, Ako naman pumasok na sa loob ng CR.
Ginawa ko muna ang Daily Rituals ko tapos lumabas na ko, Nakita ko si Kath na nag-lalakad papunta sa mesa.
"Oh kumain ka muna."sabi niya sabay upo at binuksan ang isang Cup Noodles, Tumayo ako at umupo sa Mesa.
"Noodles? Sigurado ka?"sabi ko, Yuck lason yan eh gusto niya bang masira ang liver ko?
"Bakla ka ba? Ang Arte mo, Sorry ka ikaw na nga ang nakikikaen ikaw pa mag-rereklamo."sabi niya.
"Ako bakla? Gusto mong halikan kita saka wala ka bang niluto?"tanong ko sa kanya.
"Sensya na po wala ng Stocks eh saka yan na lang yung nakita ko sa Cabinet, Ang Arte mo kung ayaw mo iwanan mo diyan."sabi niya tapos humigop siya ng sabaw, NO CHOICE gutom na ko eh kaya kinuha ko yung Mini fork sa ibabaw ng lid tapos tinanggal ko at humigop na nung sabaw, Hmm Masarap naman pala. Wala pang 5 minutes at naubos ko yung Noodles na yun.
"Ayaw mo tapos naubos mo naman."sabi niya sabay lagok nung sabaw.
"Sorry naman gutom ako eh."sabi ko sa kanya sabay inom ng tubig.
"Umuwi ka na sa inyo, Papasok ako sa Coffee Shop."sabi niya bago tumayo habang umiinom.
"Teka akala ko ba madaling araw ang Shift mo?"tanong ko sa kanya at tinignan niya ko ng hindi makapaniwala.
"Stalker ka talaga eh no?! Saka paki mo ba kung nag-iba ang shift ko?! Umuwi ka na nga sa inyo."sabi niya sa akin sabay kuha ng bag niya sa may gilid.
"Kulit mo din, Sabi nang di ako aalis dito hangga't wala akong hinaharap na babae sa parents ko."sabi ko sa kanya at hinarap niya ako.
"Kulit naman ng lahi mo, DJ NAMAN DI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SA IYO DUN KA KAY ZHARM AT KINA DANNA HUMINGI NG TULONG TUTAL SILA NAMAN YUNG PINALIT MO SA AKIN NUNG PANAHONG KAILANGAN KITA!"sigaw niya sa akin kaya naman natigilan ako. Wow ako pa ang may kasalanan eh siya nga yung kumalas sa Friendship namin.
"Teka nga ano ba yung sinasabi mo na kailangan mo ko?! Alam ko ba yung Problema mo nung time na yun saka ikaw nga yung bigla na lang lumayo."sabi ko sa kanya at nag-usap kaming dalawa mata sa mata.
"Wag kang mag-maangmaangan DJ, Sinabi sa akin ni Danna at Zharm na di mo daw ako matutulungan dahil hindi mo na ko kailangan."sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Teka ano bang sinasabi mo?!"pati ako napapasigaw dahil sa pinagsasabi niya.
"Tss.. Umuwi ka na sa inyo kasi!"sigaw niya kaya naman napasigaw din ako.
"Ayoko nga kasi!"sigaw ko rin sa kanya pero hindi naman yung nakakaoffend na sigaw tulad ng ginagawa niya.
"DJ naman umalis ka na!"sigaw niya at nagmaktol pa. Ang cute niya lang..
"Sabihin mo muna sa akin yung nangyari noon."sabi ko sa kanya at huminto siya sabay tinitigan ako.
"Gusto mo malaman?! Tss... Alam mo ba na ang saya ko nung nalaman ko na ang Bestfriend ko eh nakilala bilang Heartrob ng Campus? Sobrang saya ko noon para sa iyo tapos bigla kang nang iwan sa ere! Una akala ko busy ka lang kaya di mo ko masyadong napapansin pero nung time na kailangan ko ng kaibigan dahil lagi na lang akong binubully ng mga kaklase natin at ng mga schoolmates natin ikaw lang ang kailangan ko nawala ka pa."sabi niya habang umiiyak kaya naman napayuko ako, Wala akong kaalam-alam na ganoon na pala yung nangyayari sa kanya.
"Di ko alam."sabi ko sa kanya at tumigil siya sa pagsalita napatingin ako sa kanya.
"Di mo alam?! Di mo alam?! Ewan ko sa iyo, enough for those lies!"sabi niya at pinunasan yung luha niya.
"Ano bang sinabi sa inyo ni Zharm at Danna?"tanong ko sa kanya feeling ko kasi may hindi ako alam.
"Di mo na ko kailangan, Kinaibigan mo lang daw ako dahil sa talino ko dahil sikat ka na tinatapon mo na daw ako, Napaka ambisyosa ko daw at akala ko na kaibigan talaga kita kaya lagi nila kong inaaway."sabi niya sa akin habang umiiyak pa din, Di ko alam pero yinakap ko siya. Yinakap ko siya para mapagaan ko ang loob niya dahil alam kong hindi totoo yung sinabi niya.
"Kath, Sorry di ko alam na nangyari yun sa iyo masyado akong natuwa sa kasikatan ko.. Nawala yung friendship natin dahil doon, I am sorry."sabi ko sa kanya at yinakap ko siya ng mahigpit naramdaman kong tinulak niya ako.
"Stop it DJ, umalis ka na."sabi ni Kath sa akin na malamig ang boses pero sorry siya.
"Kath please, I am sorry."sabi ko sa kanya habang hinihigpitan ko yung yakap ko sa kanya.
"Sige na pinatapatawad na kita umalis ka na."sabi niya pero di ako convince na pinatawad niya ako. Nang may maaalala ako dahil siya ang talagang may kasalanan sa amin.
"Teka, May kasalanan ka din sa akin."sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin.
"AKO PA NAGKAROON NANG KASALANAN SA IYO AYOS AH!"nasigaw na naman siya kaya naman napangiti ako.
"Eh bakit sila yung nilapitan mo at hindi ako?"sabi ko sa kanya at tinulak niya ako.
"Eh kasi... AH BASTA IKAW ANG MAY KASALANAN, WAG MO NGA AKONG SINISISI KASI NAKAKAASAR KA NANG-IWAN KA EH, DI AKO MAY KASALANAN IKAW! IKAW! KAYA UM-hmm."
napatigil siya bigla dahil hinalikan ko lang naman siya nanlaki pa nga ang mata niya eh.
"Ang ingay mo lagi kang nasigaw, Pwede naman hindi ka sumigaw. Sorry na okay."sabi ko, pero nasa Venus pa ata siya.
"Don't tell me First Kiss mo yun?"matawatawa kong tanong sa kanya, Namula siya bigla ang cute niya lang talaga.
"Argh! Nakakaasar ka! H-hindi kaya!"sigaw niya habang namumula pa rin. Magsasalita pa sana siya na alam ko naman na sigaw ang gagawin niya ay inunahan ko na siya.
"Sige sumigaw ka pa, hahalikan kita ulit."sabi ko napatigil siya ang cute lang.
"Eh kasi naman eh, DJ kasi.. umuwi ka na sa inyo."sabi niya sa akin at pinagtulakan ako palabas ng pinto.
"Ay ang kulit sabi na ngang hindi pwede eh."sabi ko sa kanya at tumigil na siya. Sumuko na sa kakulitan ko.
"Tss.. Sige na nga dito ka na! Sorry din ang tanga ko kasi di ikaw yung nilapitan ko nung time na yun sige na pinapatawad na kita, pupunta muna kong trabaho."sabi niya tapos inayos niya ang sarili niya.
"Ayoko sasama ako sa iyo, mamaya mapano ka pa."sabi ko sa kanya tapos umiling na lang siya at lumabas na kami habang naglalakad kami papuntang subway eh nagkwekwentuhan kami, Nalaman ko na nag-make over pala siya nung College siya at ang Fairy Godmother daw niya eh yung Bestfriend niya na si Julia na kaibigan pala niya nung Grade 4 at yung pumuntang States.
"Train no. 26 is on Chu Chu, Echos Eclavu."
"Sakto."sabay naming sabi, Nagkatinginan pa kami at natawa tapos sumakay na kaming dalawa.
"Hanggang anong oras ka dun?"tanong ko sa kanya.
"6 Hours lang ang trabaho ko dun."sabi niya sa akin habang nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa Coffee Shop at ayun, Nag-aayos pa lang sila ng bangko.
"Sorry Sir Close pa po kami."sabi ng babaeng maliit.
"Ay Kiray, Di siya Costumer kaibigan ko siya nung Elementary at High School."sabi ni Kath dun sa babae.
"Teka, Child Abuse yan ah, Bata pinagtatrabaho?"sabi ko kay Kath.
"Mukha ba kong bata?"sabi nung babae.
"Oo liit mo eh."sabi ko tapos bigla naman umasim ang mukha.
"Kath, Grabe naman yan akala ko pa naman nagandahan sa akin nilait pa pala ko."sabi nung Kiray ata.
"Uy Best, Sino kasama mo?"tanong nung babaeng maputi.
"Ah.. Julia, Siya si DJ yung Classmate natin nung Elementary tayo saka yung naging bestfriend ko nung grade 6 at 1st year."sabi ni Kath at pinakilala ko sa isang babaeng maputi parang pamilyar siya sa akin di ko lang maalala..
"Ikaw si DJ?!"gulat na tanong ni Julia tapos yinakap ako at bineso beso.
"Welcome."sabi niya tapos..
BINABASA MO ANG
Finding Love [Fin]
Teen FictionI am Finding Love and all i know is Loving you is the only way to escape..