Finding 9 (Reminscing and Sweet Moments)

2.9K 64 5
                                    

(3 weeks and 1 Day left)




"Hi Kath."bati ko sa kanya, katatapos lang ng work namin Two days na nga pala ang nakalipas simula nung nalaman ko na parehas pala kami ng mga Problema.



"Tara na pagod na ko."sabi niya tapos kinuha ang bag niya, New Shifting na kasi eh. Sabay kaming lumabas ng Back Door habang naglalakad kami biglang nag-salita si Kath.



"DJ, Naaalala mo pa nung 1st year tayo tuwing gagabihin tayo sa school dahil sa Projects sabay din tayong umuwi parang ganito."sabi ni Kath sa akin tapos tumingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin at nakangiti pa siya.



"Oo naman eh naaalala mo ba yung napapadaan pa tayo noon sa playground para maglaro."sabi ko naman sa kanya tapos tumawa siya.



"Yung maghahabulan tayo dahil inaasar mo ko tapos biglang tatakbo yung Aso ni Aling Lusing tapos parehas na tayong tumatakbo."sabi niya habang tumatawa, Ngayon ko lang napansin na ang Cute pala niya kung tumawa, siguro dahil lagi ko siyang inaasar na Panget dahil sa Braces at Malaki at Makapal niyang Glasses.



"Eh Panget ka eh kaya hinabol tayo nung Aso."sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang Subway.



"Ay ganoon?"sabi niya ng naka-pout.



"Oo Panget ka eh, PANGET."asar ko sa kanya sabay takbo tapos hinabol niya ko.



"Hoy! Bumalik ka dito babatukan pa kitang Mayabang ka."sabi niya pero nagulat ako nang..



"ARF !!! ARF !!! ARF !!!"pati si Kath nanlaki ang mata paano kasi may aso na tumalon dun sa isa sa bakod tapos hinabol kami ni Kath.



"Uwahhh!! DJ TAKBO!!"sigaw ni Kath tapos hinawakan ko yung kamay niya at sabay kaming tumatakbo habang hinahabol nang Aso tumatawa pa kaming dalawa na parang baliw.



"Hahaha Ang panget mo kasi iyan tuloy."sabi ko sa kanya habang tumatakbo.



"Ewan ko sa iyo!!"sabi niya tapos takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa Subway dahil NO PETS allowed sa subway kaya tawa kami ng tawa.



"Naku mukhang puno ang Subway Rush Hour pala ngayon."sabi ni Kath.



"Oo nga eh."sabi ko tapos parehas kaming na-froze paano kasi ngayon lang namin napansin na kanina pa pala kami naka-holding hands sabay naming hinatak ang kamay namin.


Pero dahil sa baliw kaming dalawa eh tumawa kami.



"Train no. 26 Chuchu Eclavo, Ajujuju Chiku."



Sumakay kami sa Train na puno grabe siksikan nakatayo nga kami ni Kath malapit sa pinto eh, Magkatapat kaming dalawa tapos nakahawak kami sa railings.



"Excuse."sabi nung matandang babae pero di siya pinapansin nung nasa harap kaya kami ni Kath eh nakatingin lang sa kanila.


Pagtayo nung babaeng mataba dahil malapit na kami sa isang Station eh nasanggi niya ako at biglang sumubsob yung labi ko sa noo ni Kath. Parehas pa kaming napalaki ang mata, Pinipilit kong ilayo yung ulo ko di ko magawa dahil dun sa babaeng mataba.


Nang maka-alis na yung babae.



"Sorry Kath."sabi ko, ewan ko biglang lumakas tibok ng puso ko.



"Wala iyon aksidente lang yun."sabi niya.


Ang awkward nun.. Nang marinig na namin ang Station namin eh bumaba na kami, mabilis naman kaming nakababa kasi nasa may pinto kami naka-pwesto pero dahil nga sa siksikan bumagsak kami ni Kath, She's on the top of me...


Ang malas naman naming dalawa.



"Kath sigurado ka bang wala kang balat sa pwet?"tanong ko sa kanya tapos nag-crinkle yung nose niya tapos tumayo siya at hinampas ako.



"Nakakaasar ka din eh no!"sabi niya tapos tumayo na ko, Nakakatawa talaga tong babaeng ito. Nauna siyang naglakad nagtatampo ata kaya inakbayan ko siya.



"Uy Nagtatampururot si Kath Bati na tayo sige ka mamaya mautot ka diyaan."sabi ko tapos nang hampas na naman siya.



"Nakakaasar ka din eh no?"sabi niya tapos napadaan kami sa isang playground. Iyon yung playground na pinaglalaruan namin dati.



"Wow ang ganda na dito hindi na kadena ang tali, Maganda na."sabi ni Kath tapos umupo siya sa swing. Umupo ako sa katabing swing.



"Oo nga eh ang laki ng pinagbago parang tayo."sabi ko tapos tumingin ako sa kanya.



"Haha ang drama mo DJ, Sino ba ang nang-iwan?"tanong niya sa akin habang tumatawa, i guess di na siya galit.



"Ewan ko sa iyo tara seesaw tayo Miss ko na yung ginagawa ko sa iyo eh."sabi ko sa kanya tapos bigla siyang napatayo.



"Ayoko nga!"sabi niya pero tumayo ako at hinatak ko siya sa Seesaw.



"Deej naman eh ayoko nga!"sabi niya pero dahil sa makulit ako kiniliti ko siya hanggang sa bumagsak siya, Tawa naman ako ng tawa habang siya tawa ng tawa dahil kinikiliti ko siya.



"Hahaha Deej! Tama na! Hahahaha Please."sabi niya sa akin habang tumatawa.



"Ayoko nga, Seesaw muna tayo."sabi ko habang kinikiliti ko siya.



"Hahaha Ayoko nga kasi eh hahaha Deej!"sabi niya pero kinikiliti ko pa din siya.



"Wala di kita titigilan hangga't di ka pumapayag."sabi ko.



"Hahahaha Oo na Hahaha Seesaw na tayo hahaha!"sabi niya at tinigilan ko siya sa pagkiliti pero alam niyo yung awkward na naman, Eto yun eh dahil sa sobrang pagkaharot ko sa kanya eh di ko napansin na nakapatong pala ako sa kanya habang kinikiliti ko siya.



"Ehem.. Tara Seesaw na tayo."sabi ko tapos umupo na ako sa dun sa may kabila si Kath naman eh tumayo tapos umupo siya dahil nga sa natural na ang panloloko ko sa kanya eh binigla kong i-angat siya.



"Hoy!! Ibaba mo nga ko dahan-dahan lang kung di pepektusan kita."sabi niya.



"Ayoko nga Bleh!"sabi ko sa kanya tapos dumila ako.



"Tss..."sabi niya paka-sabi niya iyon binigla ko yung pagkababa sa kanya.



"ARAY!"sigaw niya tapos ako tawa lang ng tawa hahaha naaalala ko na naman yung ginagawa ko sa kanya dati haha.



"Leche ka DJ! Ang Adik mo eh no? Aray ang sakit ng pwet ko."sabi niya di siya makatayo malamang kayo kaya ang iganyan ko, Sinamaan niya nama ako ng tingin kasi tawa lang ako ng tawa.



"Tara Piggy Back tulad ng Dati..."sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya para i-piggy back ride siya. Yumakap siya sa leeg ko tapos naglakad kami habang naka-piggy back ride.



"DJ bakit ka ba nang iwan?"tanong ni Kath sa akin habang buhat ko siya.



"Di kita iniwan, ikaw ang lumayo at sumira ng friendship natin."sabi ko ewan ko bakit ko sinabi yun.



"Ako pa ang lumayo samantalang di ka nga namamansin noon."sabi niya sa akin na halatang nagtatampo.



"Anong hindi ikaw kaya yung umiiwas yung kakausapin kita noon pero di ka naman pumunta binigyan mo pa ko ng note sabi mo ayaw mo na kong maging kaibigan."sabi ko sa kanya tapos nagulat naman siya.



"Anong pinagsasabi mo na ako kakausapin mo at binigyan kita ng note? Di nga?"sabi niya sa akin mukhang hindi nga niya nakuha yung text ko na yun at ikakaila pa niya yung binigay niya.



"Nag-text kaya ako sa iyo noon nung natanggap ko yung note mo."sabi ko sa kanya at alam kong nanahimik siya.



"Wala akong note na binigay sa iyo pero nag-text ka sa akin? Talaga?"sabi niya tapos lumingon ako para tinignan ko siya dahil sa hindi ko naman alam eh nagka-Nose to Nose kami.


Parang tumigil yung mundo, Wala akong marinig kung di ang lakas ng kabog sa dibdib ko alam kong ang Corny pero bakit ganito? Napatitig ako sa labi niya, Ang pula kissable lips. Ewan ko kung ano sumapi sa akin at hinalikan ko siya, Hindi para patahimikin siya o kung ano pero walang dahilan..


Ang kinagulat ko eh pati siya hinalikan ako, Kung titignan mo yung position namin para kaming tanga.. Bakit? naka-piggy back ride siya sa akin habang nagkikiss kami... PDA kami masyado.



Nang magbitiw kaming dalawa napangiti ako ewan ko basta masaya ako at siya yung kasama ko, Siya naman ngumiti din. Inayos ko yung pagbuhat sa kanya para makapaglakad kami ng maayos.



"Kathryn."napatigil kaming dalawa sa tumawag pero ang kinagulat ko si Kath naman biglang napawi yung ngiti niya ng makita niya yung taong tumawag sa kanya.

Finding Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon