Chapter 3
It's Thursday at ngayon yung pasahan ng thesis na pinagawa sa amin last week tungkol sa Historical Perspectives and I can say na nakaka drain siya ng utak.. You need more patience and enough time just to finish this work... Second year palang ako pero ramdam na ramdam ko na yung hirap.. how much more sa third year o di kaya sa fourth year? Ahh.. bahala na I'll just do what I can do. Matagal pa naman kaya focus muna tayo sa kasalukuyan..
Nandito kmi ngayon ni Ada sa library dahil wala kaming klase sa isang minor subject namin which is history.. Hindi pa kasi siya tapos sa thesis namin kaya tinatapos niya ngayon.. alas tres pa naman ang pasahan... meron pa naman siyang isang oras at trenta minutos para matapos iyon... Ewan ko ba sa babaeng to.. ang hilig mag cram.. cramming is not good.. you'll just pressure yourself and wala na.. maiinis kana, magagalit, iiyak, mahirap ng maging estudyante.. mga kabaliwan na tayo lang naman ang gumawa! Ako as much as I can tinatapos ko na agad kahit malayo pa ang deadline.. I just want to organize my work my schedule and everything... mahirap kasi pag tambak-tambak yung trabaho mo katulad nitong kay Ada...
" Tash, bili muna tayo, wala ng laman utak ko" she said.
"Ano namang bibilhin mo? Mani? Tsokolate?"...
"Basta kasii.. samahan mo nalang ako.. naiistress ako.."
"Kelan ba yan pinagawa sa atin?"
"Last Monday, last week.."
"Kelan ka gumawa?"
"Kagabe" nakangusong sabi niya....
"Aray...ba't ka namimitik?"
"Wala trip ko lang..ang bobo mo kasi.."
"WOW ha!!! At yun nga mga kaibigan lumabas na ang isang side ni tasha ang pagiging straight forward, walang sinasanto kahit makasakit ng damdamin ayus lang sa kanya..." madramang saad niya..
"Nasasaktan ka kasi totoo.." hindi ka naman masasaktan kapag hindi totoo eh.. hindi naman sa sinasabi kong matalino na ako.. lahat alam ko na.. minsan kailangan lang talaga natin ng isang pitik para magising tayo sa katotohanan...
Pumunta na kaming cafeteria at bumili ng isang malaking fries at coke tong si Ada.. comfort food niya daw.. Ako? Wala sunod-sunuran lang sa kanya... Kidding.. bumili lang ako ng tubig, busog pa naman ako... Ada is my friend since first year... masarap siyang kasama kahit may pagka tanga katulad ni camile.. Si camile naman is my childhood friend.. nagkakilala kmi dati dahil kabit bahay namin sila.. tapos naging magkalaro hanggang sa naging mag kaibigan..I'm not a friendly person.. Sabi nila intimidating daw ako tingnan but, I'm just shy.. too shy to socialize and make friends... Pero wala namang kaso sa akin iyon.. kontento naman na ako sa kanilang dalawa..
Bumalik na kaming library at tinapos na ni Ada ang kanyang gawa...
Saktong alas tres ng matapos na siya kaya dumiretso na kmi sa room ni Sir abanico...Nag aayos ako ng mga gamit ko nang tumunog ang aking selpon..
Camile:
"Mall tayo, samahan mo ko"Ako:
"Anong kapalit?"Camile:
"Ang buraot girl ha,, pero sge libre kita.. Caramel machiato.."Tumawa ako at binulsa na ang aking telepono.. hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, well ganyan lang ako pagdating sa kaibigan ko...
"Uwi kana?" Ada
"Syempre, alangan naman dito nko titira.."
"At yun nga mga kaibigan, hindi lang pagiging straight forward ang lumabas, kundi pagiging pilosopo din..."
"Pupunta akong mall, sasamahan ko si camile.."
"Sama.." pagpapa cute niya pa
"Dalian mo.." usal ko....
Agad naman niyang tinungo ang kanyang upuan at inayos ang mga gamit niya...
____________________________________________
<
YOU ARE READING
Best Part
Teen FictionI was in the middle of chaos and uncertainty. I feel hopeless and I don't know what to do anymore. Unexpectedly, I met this guy who change my perspective in life. Who fulfill the missing piece that I've searching for ages and the moment that our eye...