Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5

Lunes ngayon. Araw ng exam nina Lucas at Ana kung kaya't nagmamadali kami para maaga pa sila makapunta sa school.. naglaga lang ako ng itlog at nag prito ng hotdog. Pagkatapos naming kumain nagsiligo na kami at inayos ang kanilang baon.. mamaya ko nalang huhugasan pagdating ang aming pinagkainan.. nga pala hindi ko sila pinapabaunan ng tanghalian sapagkat ang taga canteen nila na si ate Nora ang nagbibigay ng pagkain sa kanila. Nagbabayad lang kmi buwan-buwan.. Si Maris naman ay pinapabaunan ko na ng pera. Alas sais y media kami natapos at nilock ko na ang  pinto para maka bantay na ng tricycle..

"Ining, magandang umaga.." usal ni aling inda ang aming kapit bahay.

"Magandang umaga po, aling inda."bati ko naman

"Papasok na ba kayo?"

"Opo may exam kasi sina Lucas at Ana kaya dapat maaga pa sila.."

"O siya sige, mamaya dito na kayo maghapunan sa bahay ha, birthday nung apo kong si Ysha." aling inda.

"Yung bata pong kasa-kasama niyo dati sa pagtitinda? Yung maliit?" tanong ko naman

"Oo ining, ngayon hindi na siya maliit  malaki na.." sabay tawa pa ni aling inda.

"Sige po, pupunta kmi mamaya, salamat po.."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni aling inda ay sakto namang may dumaang tricycle, agad akong pumara para makaalis na..

Sumakay na kami sa tricycle."St. Galis lang po manong.."

Nang makarating ay bumaba na kmi at nagbayad sa mamang driver..

Si Maris na ang naghatid sa kanila sapagkat nag text si camile na kikitain niya daw ako ngayong umaga dahil may sasabihin siya.. hindi ko nga alam kung gaano ba yon ka importante na hindi niya maipagpaliban..  pero heto ako ngayon naglalakbay sa kahabaan ng St. Galis patungo sa pinakamalapit na study shed sapagkat dito daw kami magkikita para hindi malayo sa akin...

Camile:
"Malapit na ako."

Ako:
"Sige, dali-an mo, at siguraduhin mong importante yang sasabihin mo."

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating si camile na hinihingal...

"A-Ano K-Kase, S-Sabi ni."

"Kumalma ka kaya muna.. wala akong may naiintindihan dahil hinihingal Ka. Para kang aso.."

"Nakapanglait pa, ikaw kaya tumakbo.." asik pa niya.

"Sinabi ko bang tumakbo ka? Ano ng sasabihin mo?".

"Saka mo nko sabihan niyan pag mahaba n pasensya mo ha.." sakrsatikong saad niya..

"Naalala mo si Tita Marta? Yung kapatid ni mama na nagbibigay sa atin noon ng ice candy?"

"Oo, bakit?"

"Nagpapatayo kase siya ng coffee shop dito, malapit ng matapos kaya nag hahanap na siya ng mga magtratrabaho, eh diba gusto mo ng extra income? Nasabi ko lang sayo baka kasi interesado ka.." tiningnan niya ako at nagsalita ulit" Tsaka ngayon ko sinabi sayo kasi busy kmi ngayong lingo pasahan na ng plates baka hindi tayo magkita." Huminto muna siya at pinakita yung dala niyang paper bag." Pinabibigay pala ni mama.." bubuksan ko na sana ng magsalita ulit siya.." Maya mo na buksan sa bahay niyo, tago mo na muna yan sa bag mo." Sinunod ko nalang yung sinabi niya..

"Akala ko nasa Malaysia si tita Marta mo?"

"Kakauwi niya lang noong nakaraang lingo, sa sorsogon siya ngayon sa dati naming bahay, pinapapaayos niya kasi doon na daw sila titira, pupunta daw siya ngayong lingo dito kasi titingnan niya yung shop at bibili nadin ng mga gamit.." mahabang paliwanang niya..

Natigil lang ang aming pag uusap ng mag ring ang bell...

"Pag iisipan ko muna, i te-text nalang kita.." sabi ko bago kmi humiwalay ng landas....

Buong araw kong pinag isipan ang alok ni Camile.. hindi ko namalayan na tapos na ang pang umaga naming klase... Kaya pala kata ng kata tong si Ada kung saan mag lu-lunch...

"Libre mo na ako sa mcjonich.." sabi ko sabay ayos ng bag..

"Anong mcjonich, mayroon ba nun?" Nagtatakang wika niya..

"Mcdo, Jollibee Greenwich.."

At ang gaga, tinawanan lang ako..

"Korni mo. Lika kana.." sabay hila sa akin..

"Mcdo muna ngayon, bukas naman yung Jollibee tska sa Wednesday yung sa Greenwich, ayus ba?"

"Dami mong pera.." nasabi ko nalang sa kanya.

"D naman, sakto lang." Hambog na tugon niya pa..

Sumakay kaming tricycle patungo sa pinakamalapit na mcdo para doon kumain...

Naghanap kami ng mauupuan.. "1pc chicken, dalawang extra rice  at isang coke float" sabi ko kay Ada.. 

Nilingon niya ako at nginitian ng nang-aasar."yan lang ba?"

"Oo.." walang gana kong sagot..

Kumain na kmi at nagpahinga sandali bago napagdesiyonang bumalik na sa campus.....

____________________________________________
<

Best PartWhere stories live. Discover now