Chapter 1

5 1 0
                                    

Chapter 1:

Maaga akong nagising dahil lunes at lahat ng tao sa bahay ay may pasok.. nagluto ako ng agahan at ginising ang aking mga kapatid..

"Ana, Maris, Lucas bangon na, ma la-late na tayo" sabay yugyog sa kanila..

"Ate 5minutes please" inaantok na wika ni Lucas..

"Lucas kung hindi kapa babangon maiiwan kana namin.".. Ganito kami palagi tuwing Umaga dahil mahirap gisingin nitong si Lucas.... simula nang umalis si mama patungong Brunei ay kaming tatlo nalang ang naiwan at nagtutulungan....

"Ito na ang baon ninyo" sabay bigay sa kanila ng plastic na may lamang pagkain..

"Ate, pwede namang pera nalang yung ibigay mo sa akin, marunong naman akong bumili sa canteen.." sabi ni Maris.

"O sige, sa susunod... sa ngayon kunin mo na to nang tayo'y makaalis na.." hindi ko kasi sila pinapabaunan ng pera..... para hindi na sila lumabas at bumili pa...

naintindihan ko si Maris Gr.9 na siya eh! Panahon na din para matutunan niya kung paano mag tipid..

Naghintay kami ng tricycle papuntang school.. mag kalapit lang naman ang aming paaralan at doon ko talagang piniling mag enroll para hindi kami magkalayo sa isat-isa.. Nasa Gr.6 si Ana, Gr.3 naman si Lucas at gr.9 si Maris. Ako ay nasa 2nd year college na at kinukuha ang kursong BSED, Bachelor in Secondary Education....

Pumara ako ng tricycle at pinasakay na ang tatlo kong kapatid.." Manong sa St. Galis University po.." sabi ko..

"Maraming salamat po" sabay bigay ng Singkwenta pesos sa mamang driver..

"Lucas behave ha, wag makulit at maingay.." bilin ko sa kapatid... palagi kasi akong pinapatawag ng guro nitong si Lucas sapagkat napaka kulit daw at hindi nakikinig sa klase... ewan ko ba sa batang yan, kung saan pinaglihi ni mama...

"Ana, Lucas pagkatapos ng klase hintayin niyo si ate Maris niyo.. wag lalabas ng gate pag wala pa siya ha! Maliwanag?"

"Opo ate" sabay na sabi ni Lucas at Ana..

Hinatid ko na sila sa kanilang gate... " Maris mauna kana ako na bahala sa dalawang to"

"Sge Ate ingat ka"

"O kayong dalawa pumasok na baka ma late pa kayo" sabay halik sa kanilang ulo..

"Bye Ate" magiliw na sabi ni Lucas.

Pagkatapos ko silang ihatid ay dumako na ako papunta sa aming building.. medyo malayo yung elementary sa college building pero kaya pa naman lakarin.. si Maris naman madalas ang naghahatid sa kanila sapagkat siya yung malapit, pero mahaba pa naman ang oras ko kaya pwede ko pa silang mahatid na tatlo..

Pawis na pawis ako ng makarating sa mismong building namin..."hindi pa nagsisimula ang klase, amo'y hamog na ako.." pumasok akong Cr para maka ayos muna ng sarili bago pumasok sa klase...

"Tashh,, dito ka dalii" masiglang boses ni Ada ang agad kong narinig pagkapasok ko sa room...

Lumapit ako at naupo sa tabi niya.."OH Bakit?"

"Pa kopya assignment hehe.." nakangiting wika niya..

Magkaklase kami nitong si Ada siya yung palagi kong kasama maliban Kay camile.. Kinuha ko ang notebook sa bag.." libre mo' kong lunch ha" sabay lahad sa kanya...

"Mcdo, Jollibee, Greenwich, name it.. Ako bahala." Mayabang na sabi niya..

"O sige, gusto ko silang tatlo." At bago pa siya makaangal ay pumasok na ang aming guro para sa first minor subject namin..

Saktong tanghalian nang marinig kong tumunog ang aking telepono..

Camile:
"Sabay tayo mag lunch.."

Ako:
"Puntahan mo ko kung gayon."

Ang layo-layo ng building nila sa amin..Ang init-init pa... mabuti sana kung may payong akong dala..

Camile:
"napaka maldita mo talaga.. sge na ako nang pupunta jan.. sa cafeteria niyo nalang tayo mag lunch tinatamad din akong lumabas..."

Ako:
"kasama natin si Ada.."

Camile:
"Okay pupunta na ako jan."

Ako:
"sa cafeteria kana dumiretso.."

"Tara na Ada, sa susunod mo nalang ako ilibre sa mcdo, Jollibee at Greenwich.. cafeteria muna tayo ngayon, sasama satin si camile....."aya ko kay Ada..

Hinintay ko siyang matapos sa kanyang ginagawa at sabay naming tinahak ang mainit na daan papunta sa cafeteria..

------------------------------------------------------------------<

Best PartWhere stories live. Discover now