Chapter 10
Akala ko ang kawalan ng trabaho ni mama lang ang problema namin, may mas ilalaki pa pala....
Kinausap lang ako ng nurse ni Lucas tungkol sa kalagayan niya.. hindi naman daw malubha ang lagay niya.. mabuti nga daw at nadala agad dito bago pa lumala..
Pagkatapos naming mag usap ay lumabas na sila...
Walang pag dadalawang isip kong tinawagan si mama para sabihin ang kalagayan ni Lucas...
Sinabi ko na nagkaroon ng dengue si Lucas at wag siyang masyadong mangamba sapagkat hindi naman ganon ka lubha..magpapadala na daw siya bukas para may perang panggalaw kami..
Nalulungkot akong isipin na nahihirapan doon si mama... kung sana'y andito siya kasama namin.. wala eh, dahil sa kahirapan, napilitang lumuwas ng ibang bansa...
Hindi madaling maging OFW.. Hindi lang hirap ang dinadanas nila doon kundi kalungkutan at pangamba din... Lungkot dahil malayo sa pamilya at pangamba dahil hindi nila alam kung may pamilya pa ba silang uuwian...
Umupo ako sa maliit na sofa nitong kwarto ni Lucas at hinayaang maglakbay ang aking isipan...
Binalingan ko ng tingin si Maris na nakatunganga sa isang tabi, marahil ay iniisip din ang sitwasyon namin.. Si Ana naman ay pilit na inaalo ang ate maris niya..
Napukaw ang atensiyon ko ng tumunog ang aking cellphone hudyat na may tumatawag...
Nang makita si camile sa caller ID ay napabuntong hininga ako..
Hindi ko nga pala siya nasabihan...
Pagkasagot ko ng tawag ay busina ng mga sasakyan ang aking unang narinig..
"Tasha, hello?" si camile
"Camile.." sagot ko sa mababang tono
"Papunta na kmi jan ni Ada.. jan na tayo mag usap.."seryosong saad niya." Anong floor at room number niyo?"
"3rd floor, Room number 13.."
"May dala kaming tanghalian, sabay na tayong kumain.."
"Sige, hihintayin namin kayo.."
ma swerte ako dahil may dalawang kaibigan akong maunawain at mabait.. Alam ko namang hindi ako madaling pakisamahan pero heto't hindi padin nila ako pinagsasawaan..
Lokohin man ako ng mundo, Balewalain man ako ng mga tawo, alam ko namang pinapahalagahan ako ng pamilya't kaibigan ko at yun ang mas matimbang sa puso ko...
YOU ARE READING
Best Part
Fiksi RemajaI was in the middle of chaos and uncertainty. I feel hopeless and I don't know what to do anymore. Unexpectedly, I met this guy who change my perspective in life. Who fulfill the missing piece that I've searching for ages and the moment that our eye...