Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

Our days went well. Everything went smooth. Wala kaming naging problema sa bahay, sa acads and even financially.  Kung may problema man ay paniguradong sa academics lang iyon pero nabibigyan agad ng solusyon. We're living our best life, or so I think. But everything turns upside down that night. When I was reviewing for our summative in one of my major subject, I was disrupted by the call from my phone.  Noong tiningnan ko kung sino ang tumawag ay iniwan ko ang aking aralin at sinagot si mama. It was already midnight at dapat sa mga oras na yaon ay nagpapahinga na si mama.. But without hesitation I called her name..

"Hello, Mama.." a long silence before she spoke..

"Tasha, Anak.." pagsagot ni mama sa isang nagpipigil na tinig..

"Okay kalang ba mama?" Worried was evident in my voice..

And after saying that, parang may pumitik na kung ano kay mama na siyang dahilan ng kanyang pag iyak..

"May problama tayo anak.." sabi ni mama habang humihikbi..

"Ano yon mama?"

"Anak kase, kailan ko nang maghanap ng bagong trabaho, hindi na kaya ng amo ko na pasahurin pa ako dahil nalulugi na ang kanilang negosyo.. sa susunod na araw ay aalis na ako dito.. nalulungkot lang ako dahil siguradong aabot na naman ito ng isang lingo bago ako makahanap... kayo ang iniisip ko anak." Lintanya ni mama

After hearing that, I was stunned for a moment.. Parang hindi mag sink in sa utak ko lahat ng sinabi ni mama.. Alam kong Brunei iyon at marami namang mapapasukan na trabaho si mama pero Gaya nga ng sabi niya hindi madaling maghanap ng bagong mapapasukan..

Titigil na ba ako sa pag-aaral? Paano na ang mga kapatid ko? Makayanan kaya nila ang isang lingo walang sapat na pagkain?

Maraming tanong ang bumabagabag sa akin not until na isip ko ang alok ni camile na trabaho...

Parang nabuhayan ako ng loob bigla..

"Mama ayos lang po iyan, maghahanap nalang po ako ng trabaho dito habang naghahanap pa po kayo.." pampalubag loob ko kay mama

"Wag na tasha, may pera pa naman ako dito,  yun nga lang kailan niyong pagkasyahin sa sampung araw.." malungkot na wika ni mama..

"May trabaho pong alok si camile sa akin mama.. nagpapatayo daw ng coffee shop yung kapatid ng mama niya, at naghahanap ng mga empleyado.. sayang naman po kung hindi ko tatanggapin.."

"Pero anak, baka ikaw naman ang mahirapan niyan.."

"Hindi ko naman papagurin ng lubos ang sarili ko mama. Kukuha po ako ng panggabi at papabantayan ko nalang muna sina Maris, Lucas at Ana kina aling Inda..." magiliw kong sabi..

"Ikaw ang bahala anak.. wag mo lang papabayaan ang sarili mo.."

"Opo mama, kayo rin po lagi kayong mag iingat jan..."

Mag-aala una na ng matapos kaming mag-usap ni mama.. Bukas ko nalang sasabihin kina Maris, Lucas at Ana ang problema para hindi na sila magtaka kung titipirin ko sila simula bukas at sa susunod na lingo...

Agad kong chinat si camile na tinatanggap ko na ang alok niya..

Ako:
"mile, tinatanggap ko na ang alok mo.."

Pagka send ko sa kanya ay agad kong binalingan ang aking naiwang aralin..

Dahil sa kasalukuyang sitwasyon at sa problemang hinaharap namin sa ngayon, ay pursigido akong mag aral para maiahon sa hirap itong pamilya namin..

____________________________________________<

Best PartWhere stories live. Discover now