Chapter 2

4 0 0
                                    

Chapter 2

Hapon na nang makauwi ako sa dami ng ginawa namin sa school.. Akala ko noon madali lang ang kursong education, pero ngayon masasabi kong walang kursong madali, lahat mahirap pero depende nalang kung mahal mo talaga yung kursong napili mo, dahil kahit anong hirap kakayanin mo pagkat mahal mo yung ginagawa mo..

Wala namang pumilit sa akin na kunin ang kursong to, bata palang ako alam ko nang ito yung gusto ko maging balang araw.. gustong-gusto ko yung nagtuturo ako, na nakakapagbigay ako ng kaalaman sa mga estudyante, na natutulungan ko silang maabot yung mga pangarap nila, na magiging parte ako ng buhay nila..

Hindi mo lang talaga mapigilan minsan na panghinaan ng loob sa dami ng alalahanin at ginagawa. Dagdagan pa ng problema sa bahay at pinasyal...  pero ika nga nila, ang problema dinadaanan lang hindi tinatambayan..

Dumaan muna ako sa malapit na karinderya para bumili ng ulam.... Sa sobrang pagod hindi ko ata kayang mag luto pa kaya napagdesisyonan kung bumili nalang..

Nilagang baka lang yung binili ko at tatlong serve ng adobong manok.. apat lang naman kami sa bahay kaya ayus na to.. madilim na ng makarating ako sa apartment na tinutuluyan namin.. nilagay ko muna sa sofa ang mga gamit ko at hinanda na ang pagkain sa mesa..

"Maris, tawagin mo na sina Ana at Lucas kakain na.. magbibihis lang ako."

"Sge Ate... Lucas, Ana halina kayo dito, maghugas na kayo ng kamay at tayo'y kakain na.."

Naligo muna ako at nagbihis ng preskong damit.. napakainit na ng panahon ngayon at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto para makakain nadin....

"Lucas may assignment ba kayo" tanong ko habang kumakain kami..

"Meron ate, papaturo ako sayo pagkatapos nating kumain, hindi ko maintindihan si ma'am eh" nakangusong saad niya..

"Hindi kana naman siguro nakinig, kaya ka nahihirapan." Sabi ko.

"Nakinig ako ate, sadyang mahirap lang talaga." Dagdag pa niya.

"Eh, ikaw Ana kamusta school?"

"ganoon padin ate, nakakapagod ngunit masaya.."

"Pagbutihan ninyo sa pag-aaral para mapauwi na natin dito si mama at hindi na siya mag tatrabaho sa malayo.."

"Opo ate.. gagalingan ko po, at kapag naging pulis na ako, babarilin ko yung magtatangkang manakit sa inyo." sabi ni Lucas

"Baka sa sobrang kakulitan mo Lucas, sa halip na criminal eh, ikaw yung mabaril ng guro mo..." natatawang sabi ni maris

Naghugas ako ng pinagkainan at nilinis nadin ang lamesa bago pinuntahan si Lucas sa kanilang kwarto para matulungan ko siya sa kanyang takdang aralin..

"Parts of plants lang naman pala to eh, madali lang to makinig ka kasi.."  inexplain ko sa kanya yung tungkol sa lesson nila. Alas otso na ng matapos kami sapagkat inaantok na ang mokong hindi na nakikinig... ginigising ko pa tuloy siya saka ko pinapaliwanag...

"Matulog kana, at bukas na bukas tatanungin kita tungkol dito.." seryosong sabi ko....

Lumabas na ako ng kwarto nila at pumasok sa kwarto ko..ginawa ko muna ang assignment ko sa World history and civilization.. I'm a social studies major and so far na e- enjoy ko naman siya... masarap pag aralan ang tungkol sa ating kapaligiran.. 11pm na ng matapos ako.. nag timpla muna ako ng kape at nag scroll sa news feed ko bago matulog...

____________________________________________
<

Best PartWhere stories live. Discover now