Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9

Isinugod namin si Lucas sa pinakamalapit na hospital dito sa cubao dahil nangiginig siya at umaapoy sa lagnat.. hindi na nakayanan ng biogesic na pababain ang lagnat niya..

Madaling araw na iyon at laking pasasalamat ko dahil umuwi si mang jonie, ang aming kapit bahay na nagtratrabaho bilang security guard sa isang subdivision sa parañaque.. Inihatid niya kmi sa isang pampublikong hospital gamit ang kanyang tricycle...

Alas otso na ng umaga at kasalukuyang kinukunan si Lucas ng dugo ng nurse para I test at malaman kung ano ba ang dahilan ng kanyang lagnat...

Si Maris at Ana ay umuwi muna sa bahay para magluto ng aming pagkain at para kumuha nadin ng aming damit..

Mabuti nalang at sabado ngayon.. wala kaming pasok kaya pwede kaming magsalitan sa pagbabantay....

"Pakainin mo muna siya at painumin ng gamot na nireseta ni doc para humupa ang kanyang lagnat..." ang nurse.

"Sige po, maraming salamat..." ani ko

Nang lumabas ang nurse ay  kinuha ko ang nireseta ng doctor para bilhin ang mga gamot na kailangan ni Lucas...

Habang nagbabasa sa reseta ay tumunog ang aking cellphone..

"Hello, tasha, okay kalang ba? Ba't d ka nakapasok kahapon? Wala namang masyadong ganap kahapon nag lecture lang saka nagbigay ng group output... Nag notes nadin ako para sayo.. Kukunin mo ba? O pupunta kita? Pwede namang magkita tayo sa mark Cafe diyan sa Kanto niyo?" pagdadaldal ni Ada.

"Isa-isa lang Ada. Hindi ako robot. Tao ako. Na may sama ng loob sayo.."

"Grabe ka tasha ha! Wala naman akong ginawa, nagtatanong lang yung tao eh!..."

Tumawa ako bago sinagot ang mga tanong niya..

Si Ada kase yung tipo ng tao na mahirap biruin dahil siniseryoso niya.. Kaya madalas nauuto eh!

"Okay lang ba si Lucas? Teka lang, sang hospital yan? At mapuntahan ko kayo, teka alam ba to ni camile? Sige sasabihan ko si camile para sabay kaming pupunta jan.."

Ayan na naman siya... Nag-aarmalayt ang bunganga...

"Nasa Banatosi Hospital kami.."

"hindi pa to alam ni camile.. tatawagan ko palang dapat siya, kaso tumawag ka.." sabi ko at mahinang natawa.

"Aray ha! Okay lang, di naman masyadong masakit.." madamdaming wika niya..

"Ada.." tawag ko..

"Ano..." naggagalit-galitang sabi niya..

"Mahal kita.." ani ko

"Camile naman! Mahal din kita bb ko.."

Sabay kaming natawang dalawa! Kahit kailan ang corny ni Ada..

Pagkatapos ng pag-uusap namin, dumating naman si Maris at Ana.. lumabas muna ako at pumunta sa botika ng hospital para bilhin ang gamot ni Lucas.. 

Hindi pa nakakapadala si mama siguro bukas pa.. may natira pa naman kaming pera mula sa allowance namin nitong lingo..

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba Kay mama na naospital si Lucas.. gusto ko kasing makapag focus siya sa paghahanap ng trabaho.. pero masama din namang ilihim to sa kanya sapagkat malaking bagay din ito..

Ahh.. bahala na... Sa ngayon, dapat gumaling na agad si lucas yun ang Mas mahalaga...

Habang naglalakad sa hallway ng hospital ay nabunggo ako ng isang lalaking naka scrub suit...

"Ay, sorry po.." sabay pulot ko sa mga nahulog na papales...

"No, I should be the one saying sorry.. Ako yung nakabangga sayo..." ani ng nurse na lalaki

"Okay lang po..." nahihiyang wika ko..

"May I ask where you're going?" sabi niya sa isang matigas na Ingles.

"Ah, sa botika po, bibili ng gamot." Sagot ko

"Ohh, it's on the first floor beside the nurses station...."

"Sige po, salamat.."

"Nice meeting you by the way.."sabi niya ng nakangiti..

Ngumiti na lamang ako bilang tugon sa kaniya... I admire people na nasa medical field.. Actually it's my second option,  kaso mas matimbang sa puso ko ang maging isang guro....

And the guy earlier is dashing on his blue scrub suit.. He looks so professional..  the way he speaks, screams authority...

Hindi ko maipagkakailang gwapo nga siya... pasok sa standards ko.. Pero syempre sa ngayon dapat focus muna sa goal... And after that, doon palang pwedeng lumande.. HAHAHAHAH! as if I know how to lande..

Anyways.. I'm heading to first floor since nandoon ang botika.. I'm gonna use elevator since nasa 3rd floor kami.. which is for children only..

Pagkatapos kung bumili ay bumalik na ako sa room ni Lucas... bubuksan ko na sana ang pinto ng makitang umiiyak si Maris kausap ng dalawang nurse..

Ohh wait? Siya ba yung lalaking nakabunggo sa akin kanina?

Sinipat ko pa ang aking mata at nang makompirma ay humulma ang aking labi sa isang tipid na ngiti..

What the heck?  Why I'am smiling?

Mas napukaw ang kuryosidad ko ng may binigay na papel Kay maris at napahagulgol ito ng iyak..

Agad kong binuksan ang pintuan....

Natigil sila sa pag uusap ng makita ako..

"Anong nangyari maris.." tanong ko

Binigay sa akin ni maris ang papel.. result pala iyon ng test kanina...

At nang mabasa ang sa dulo ay napabuga nalang ako ng napakalakas at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako....

Xander Lucas Vidal
Dengue Postive.....

____________________________________________
>

Best PartWhere stories live. Discover now