Chapter 4

4 0 0
                                    

Chapter 4

It's Sunday at kahit walang pasok maaga parin akong gumising dahil Sunday is labada day.... katatapos lang naming kumain ng almusal at alas syete y media na na umaga.. napagkasunduan namin na mag general cleaning nalang ngayon dahil wala naman kaming ginagawa.. Sina Maris at Ana ang naglilinis ng loob ng bahay ako naman ang lalaba ng mga labahin.. si Lucas ay katatapos lang maligo...

"Ateee!" Sigaw niya.."Anong gagawin ko?"

"Punasan mo yung bintana Lucas.." sagot ni maris..

Alas nuebe na ng matapos akong magsampay ng mga nilabhan ko.. pumasok ako sa banyo para maligo dahil mag go-grocery pala ako ngayon.. wala na kaming pagkain.. kakapadala lang din ni mama ng aming allowance kaya dadaan muna ako sa Palawan...pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko pang nag mo-mop si Ana.. pumasok na ako sa kwarto ko para makapagbihis..

High-waisted jeans at statement shirt lang ang suot ko.. dala-dala ko din ang aking tote bag dahil dito ko ilalagay ang aking pinamili mamaya.. nagsuot lang din ako ng tsinelas para hindi ako mahirapan...

"Mamamalengke muna ako, kayo nang bahala sa bahay.." sabi ko sa tatlo na abala padin sa paglilinis..

"Ate donut ha!" Usal ni Lucas..
 
"Pakabait Lucas..." sabi ko..

Lumabas na ako at kinuha ang scooter sa likod ng bahay... motor to ni mama, nung umalis siya papuntang Brunei, binilin niya sa akin.... wala pa naman akong lisensya dahil ang mahal-mahal. Hindi naman malayo ang pupuntahan ko kaya ayus lang.. balak ko namang kumuha ng lisensya sa susunod na taon... sumakay na ako sa motor at pinaandar ito.. aalis na sana ako ng marinig ko ang sigaw ni Ana..

"ATEEEEE!!!!" Sigaw niya habang tumatakbo..

"Bakit?"tanong ko..

"Bilhan mo ko ng bond paper tska colored paper samahan mo na din ng glue para yan sa project ko.. tsaka si ate Maris daw Kojic niya.." mahabang sabi niya..

"O sige, iyan lang ba?"

"Opo ate! Ingat ka.." nakangiting sabi niya..

Agad kong pinatakbo ang aking motorsiklo at ng makarating sa palengke ay naghanap ako ng space para doon i park ang motor.. nang nakahanap na ay bumaba na ako at kinuha ang extra kong eco bag sakaling d mag kasya sa tote bag ko ang aking pinamili...

Tumawid ako sa kalsada dahil nakalimutan kong dadaan pala ako sa Palawan para  kunin ang padala ni mama... pagkatapos ay dumiretso na ako sa market..

Alas dos na ng matapos akong mamalengke at dumaan muna ako sa dunki'n donuts para bumili ng donut ni Lucas.. pagkatapos binili ko nadin ang kailangan ni Ana sa isang maliit na stationery store.. pagkatapos dumiretso na ako pauwi...

Bumili nalang ako ng lechong manok para sa tanghalian.. late na kami nakakain ng tanghalian dahil natagalan ako sa pamimili...

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko  ang mga pinamiling karne at nilagay sa ref.. gayundin sa prutas at gulay.. nilagay ko nadin ang Dutch mill ni Lucas, yakult ni Ana at nutriboost ni maris.. sa akin naman ay Starbucks coffee.. nilagay ko din sa cabinet ang mga biscuits, chocolate at mga candies.. sa cr naman nilagay ko ang bagong biling skincare at kojic ni maris.. nag refill nadin ako ng gatas sa lalagyan, ganon nadin sa soy sauce  vinegar at iba pa... pagkatapos nagluto na ako ng hapunan.. chicken curry ang napagkasunduan naming ulamin...

Alas nuebe na ng matapos ako sa lahat ng gawain at naligo ulit para gumawa ng assignment na ipapasa kinabukasan...

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ng tumawag si mama..

"Hello Mama.."

"Anak, kamusta kayo jan?"

"Ayus naman ma, kayo po?"

"Mabuti naman anak, eto nagpapahinga na ngayon.."

"Nakuha ko na po yung pinadala ninyo at nakapamalengke nadin ako.."

"O siya sge anak, magpahinga kana at magpapahinga nadin ako.. maaga pa kayo bukas papasok.. ingat kayo palagi,, mahal ko kayo.."

"Ingat din po ma, mahal na mahal ka po namin.."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni mama ay tinapos ko na ang aking assignment at naghanda na para matulog...

____________________________________________
<

Best PartWhere stories live. Discover now