CHAPTER 43

7.6K 188 14
                                        

Chapter 43

INIANGAT ni Tristan ang baba niya at masuyong hinalikan ang mga labi niya. Kusang tumugon siya sa mga halik nito. Doon niya ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya. Naghahalo ang mga luha nilang dalawa.

Every kiss from Tristan's lips pierced her heart. Tristan also makes her feel loved, which causes her to cry even more.

Ayaw niya nang matapos ang sandaling iyon. Ayaw niya ring magmulat ng mga mata dahil sa takot na magising siyang bigla. Ayaw niya. Gusto niyang ganito lang sila.

"T-Tristan . . ."

Parehos sila ni Tristan na napatigil. Nagmulat siya ng mga mata at nilingon ang babaeng nasa pintuan.

"S-Sunny . . ."

"Walang'ya kaaa!" galit na sigaw ng kapatid niya saka siya sinugod at sinabunutan.

Mabilis naman na pumagitna sa kanila si Tristan. Hinawakan nito ang kamay ni Sunny at pilit na inaalis sa buhok niya. Ngunit dahil siguro sa galit ay mas naging malakas si Sunny. Nagawa nitong hilahin siya palabas sa nursery room. Halos makaladkad siya pababa ng hagdanan. Kung hindi lamang nakaalalay si Tristan malamang na nagpagulong-gulong na siya.

"Sunny, tama na!" sigaw ni Tristan kay Sunny. Binitiwan naman siya ni Sunny at hinarap si Tristan para bigyan ng malakas na sampal.

"Hayop ka! Saglit lang akong nawala!" galit na anito saka pinagsusuntok si Tristan.

Nakalagpak naman siya sa sahig habang umiiyak na nakatitig kay Sunny. Mas masakit pa sa mga sampal at sabunot nito ang nakikita niyang sakit na nakabalatay sa mukha ng kapatid.

At siya ang dahilan kung bakit ito nasasaktan.

"I'm sorry . . ." Humahagulgol na iyak niya.

Natigilan si Sunny. Puno na rin ng luha ang mga mata nitong binalingan siya.

"I'm sorry? You're sorry!" Malakas itong tumawa na puno ng sarkasmo. "For what? Para sa pang-aagaw mo kay Tristan? F*ck you!" Muli sana siya nitong susugurin, pero humarang na si Tristan.

"I said stop it! Stop hurting her! Wala kaming ginagawang masama!" bulyaw nito kay Sunny.

"Wala? Eh, ano ang nakita ko? Naghahalikan—"

"Hindi kasalanang halikan ko ang asawa ko, Sunny," mariin ngunit mariin ang pagkakasabi ni Tristan doon.

Isang malakas na sampal muli ang dumapo kay Tristan mula kay Sunny. "Asawa . . . paano naman ako? Paano tayo?"

"Walang tayo . . . it was all a mistake. I'm sorry, Sunny, pero si Amelie pa rin, siya pa rin ang mahal ko."

"Niloko ka niya, Tristan. Nakalimutan mo na ba 'yon? Pinaniwala ka niyang buntis siya! Pinikot ka lang niya—" Natigilan si Sunny saka puno ng pagkamanghang tiningnan siya. "Nakakaalala ka na . . ." Hindi iyon tanong kundi kumpirmasyon. Tumalim ang mga mata nito pero nang muling tumingin kay Tristan ay nakikiusap na ulit ang mga mata. "At nagpabilog ka na naman sa kaniya? God, Tristan! Magpapauto ka na naman ba?"

"No. I love her, I still do. Hindi iyon nawala sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit nangibabaw ang galit ko sa kaniya, mahal ko pa rin siya."

Natigil siya sa pag-iyak. Tiningala niya si Tristan. Nakakuyom ang kamao nito at nakayuko.

"Hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kaniya, Sunny."

"No . . . hindi 'yan totoo. Ako ang . . . ako ang mahal mo."

"I'm sorry—"

Gusto niyang magsaya dahil sa mga narinig pero hindi niya magawa habang nakatingin sa kapatid niyang parang nauupos na kandila. Tumayo siya at lalapitan sana ito, pero tiningnan siya nito nang matalim. Tumalikod si Sunny at tumakbo palabas ng kabahayan. Akma niyang susundan ang kapatid pero pinigilan siya ni Tristan.

"Kailangan ko siyang sundan," aniya rito at hinila ang braso.

Alam niyang nasaktan nang husto si Sunny. At ayaw niyang makaalis ito nang hindi nasisiguro ang kaligtasan nito. Naabutan niyang palabas ng gate si Sunny. Mabilis naman siyang tumakbo.

"Sunny!" tawag niya rito. Patawid na sana si Sunny nang may humarang na van sa harapan nito. Natigilan ang kapatid niya. Tatlong lalaki ang lumabas sa van at pinipilit isakay si Sunny. Hindi naman siya nagdalawang-isip. Sinugod niya ang mga ito. Hinila niya sa buhok ang lalaking may hawak kay Sunny pero mabilis naman siyang naawat ng isa. Nanlaban siya. Nanipa at nangalmot.

"P're, ano'ng gagawin natin dito?" tanong ng isang lalaki.

"Isama mo na 'yan!" galit na singhal ng isa.

Bago pa siya makatakbo ay malakas na binigwasan na siya ng isa sa mga lalaki. Nahilo siya at muntik nang matumba sa semento pero nasalo pa siya nito. Mabilis na naipasok sila ng mga ito sa van bago siya nawalan ng malay.





NAGISING si Sunny sa hindi pamilyar na silid. Kumikirot ang labi niya. Nalasahan niya ang dugo roon. Pinilit niyang gumalaw ngunit may pumipigil sa kaniya. Saka niya lang napagtanto na nakagapos ang kaniyang mga kamay at paa. Unti-unting gumapang ang takot sa kaniyang katawan nang maalala ang mga nangyari.

May mga lalaking k-um-idnap sa kanila! Mabilis niyang nilingap ang sarili.

"Sunny!" malakas na tawag ni Amelie sa kapatid.

"Shut up!" singhal nito sa kaniya.

Nakatali rin ito sa isang poste sa harapan niya.

"'A-Asan tayo?"

"Who knows!" sarkastikong sagot nito sa kaniya pero halata rin ang panginginig ng boses nito. Natatakot din ito pero tinatabunan lang ng pagtataray.

Sinubukan niyang galawin ang mga kamay ngunit kapag mas lalo niyang ginagalaw ay humihigpit iyon at mas nasasakatan siya. Nakatali paharap ang kamay niya pati na rin ang mga paa. Pinilit niyang makaupo nang maayos at sumandal sa pader na nasa likuran niya.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa kapatid.

Sunny snorted. Inirapan pa siya nito. "Do I look okay to you? What dumb are you, really?"

Buntonghininga ang isinagot niya. Alam niya namang hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kaniya dahil sa naabutan at naging sagutan sa bahay. Nanahimik na lang siya. Ilang sandali ang lumipas na pareho silang walang imikan.

Pinag-aralan niya ang paligid. Walang ibang laman ang silid pero malinis. May bintana sa likuran ni Sunny—salamin ang bintana at may grills. May wall to ceiling closet sa harapan niya. Kulay crema ang dingding. Puti naman ang kisame at ang dalawang pintuan—ang isa ay nasa malapit sa closet at ang isa ay nasa harapan ni Sunny.

Huni ng mga ibon at hampas ng mga . . . dahon. Hindi siya maaaring magkamali. Mga dahon ang hinahanampas ng hangin na naririnig niya. Mukhang marami iyon sa paligid dahil medyo malakas at matagal ang tunog.

Sa tantiya niya ay dapit-hapon na. Malilim na at mamula-mula ang liwanag na lumalagos sa bintana.

"May parating," aniya nang marinig ang mga yabag ng paa na nagmumula sa labas ng pintuan. Nakita niyang natensiyon at bumaha ang takot sa mukha ni Sunny. Maski siya rin naman ay napasiksik sa dingding na kinasasandalan niya na parang maitatagao siya niyon sa mga parating.

Bumukas ang pinto. Tumambad sa kaniya ang isang lalaki na nakapagpasinghap sa kaniya nang malakas.

✔️ MY CHEATING HEART (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon