III. Isang Senaryo sa Tanghalang Manuel Conde

1.8K 48 37
                                    

III. Isang Senaryo sa Tanghalang Manuel Conde

(Ang mga pangalan ng bagay, lugar, tao, at pangyayari na naka-boldface ay tumutukoy sa mga pawang katotohanang nabubuhay din sa labas ng kwentong ito.)

Siya.  Tama na nga. Itigil na natin ang kalokohang ito at tinamad na naman ako. Ningas-kugon pa rin talaga ako pagdating sa online journalling. Pero eto na talaga ang totoong kwento. Pramis!

Isa 'yon sa mga libreng pagpapalabas ng lumang pelikulang Pilipino sa Tanghalang Manuel Conde ng CCP Complex. Buwan-buwan ginaganap ang film-showing na 'yon, salamat na rin sa isang samahan ng mga film archivists dito sa bansa. Dahil sa film showing na ito, natutugunan ko ang isang bahagi ng adiksyon ko sa mga pelikula, pati na rin para sa oldies, sa pangkalahatan.

Palagay ko, marami-rami pa rin ang mga "old souls" na nandito sa Pilipinas, at talagang bonggang bongga ang pagbibigay-halaga nila sa naunang kultura natin, partikular na sa pamemelikula. Katibayan na ang naturang film-showing, at isa naman ako sa mga nakikinabang at nakikisali na rin sa pagbibigay-halagang 'yon.

Anyway, sumugod na ako sa CCP sa hapong 'yon ng Sabado. Solo flight lang ang beauty ko; parehong may sariling lakad ang mga kaibigan kong wagas din ang pagkakaloko sa oldies. Dadalawa na nga lang silang kasapi ko sa TMT o Triong Maka-Thunders, pero nagawa pa nilang umabsent sa trip na ito. Nubanamanyun.

Siya nga pala. Binubuo ang TMT ng inyong abang lingkod at siyang promotor nito, ako po  si Agatha; ng aming "bunso" at ka-eskwela ko ding si Tatiana; at ng aming "itay" at ninong ni Tatiana sa kumpil na si Kuya Joseph.

Sa kabila ng pag-iisa kong 'yon, wala pa ring pagsisidlan ang pag-iinasong dulot ng solo flight arrive ko. Mas nangibabaw pa rin ang pananabik ko para sa next picture na ipapalabas. Matagal ko nang nalaman ang schedule ng film-showing at ng mismong pelikulang ipapalabas, mula na rin sa fanpage ng samahan. Hindi na ako mapakali.

Paano ba naman, ipapalabas ang Higit Sa Lahat.

Huwaaaaahhhh!

Ang pelikula noong 1955 na umani ng sandamakmak na papuri at parangal, lalo na sa FAMAS awards sa taong 'yon.

At si Rogelio dela Rosa ang leading man nito! Nasungkit pa man din niya ang award na Best Actor sa FAMAS maging sa isang Asian film festival para sa nabanggit na pelikula. Astiiiig.

Lalu akong nanabik dahil hindi ko pa ito napapanuod nang buo. Kaya nga swak na swak ang libreng film-showing na ito. Aylabet!

Napasobra naman yata sa kaagahan ang pagpunta ko sa venue. Palibhasa, malapit lang ang tirahan namin sa CCP Complex kaya mabilis pa ang byahe. Pagdating ko sa Tanghalang Manuel Conde, a la una impunto pa lang sa hapon─napaaga ng isa at kalahating oras sa nakatakdang schedule. Napuna 'yon ni Kuya Guard na nasa main entrance ng Tanghalan.

"Mukhang napaaga po tayo ngayon ah, Ma'am?" usisa ng kuyang nagngangalang Valdez, R.S., ayon na rin sa name tag niya. "Kayo pa lang po ang dumarating na bisita para sa film-viewing ngayon.

Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtawa habang nagsasalita. "Oo nga po, eh. Sa sobrang excitement ko, hindi ko na po napansin ang oras!"

At dahil sa closeness naman kami ni Kuya Valdez, R. S. kahit sa nametag ko lang napag-alaman ang pangalan niya, hinayaan na lang niya akong pumasok at tumambay sa lobby. Mahigit isang oras pa ang hihintayin ko bago mag-umpisa ang film viewing. Swerte na lang kung may bisita ding mapapa-aga sa pagdating; at least hindi lang ako tutungaga doon at magmomonologue sa pag-ubos ng isang oras...

Nakasara pa ang pintuan papunta sa mismong Tanghalan. Wala akong kapal ng mukha para maki-usyoso sa mga tagapamahala ng pagpapalabas para sa hapong 'yon. Pinagpiyestahan ko na lang ang mga movie posters na nakapaskil sa lobby, lalu na ang tarpaulin ng Higit sa Lahat, na nasa tabi ng pintuan.

"Wow..." Ang ganda ng kuha nila Papa Roger at ng leading lady niyang si Emma Alegre sa larawang 'yon. Magaling ang pagkaka-restore sa poster; high-definition! Angat na angat ang kagwapuhan ni Papa Roger... Awwwtz.

Pwede ko kayang hingin sa mga organizers ang tarpaulin pagkatapos ng film-showing? Baka mapagtripan ko nang kapalan ang kalyo ko sa mukha at pairalin ang angkin kong charm para ma-harbor 'yun. Baka sakali lang naman.

Habang patuloy lamang ako sa pagmasid sa mga nakadisplay, bigla na lang akong nakadama ng pag-ikot ng paningin ko. Basta din akong napaupo sa kalapit na sofa, sumandal, at pumikit. Huwaaaaah. Sobra talaga ang pag-ikot na nararamdaman ko.

Vertigo!

Huwaaahhhh! Ayoko na! AYOKO NA!!!

Para akong nakabitin sa kawalan at walang humpay nagpapaikut-ikot... Hindi ko na kaya... Hindi na yata matatapos ang pag-ikot na ito... Hindi ko na alam ang gagawin ko...

Lumipas ang ilang segundo pero hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko. Kinapa ko sa dala kong backpack ang tumbler na naglalaman ng tubig. Nakapikit pa rin ako habang umiinom. Huminga ako nang malalim hanggang sa unti-unting huminto ang pag-ikot na umatake sa akin.

"Hay, sa wakas." Idinilat ko na ang mga mata ko. 'Tapos, nagulat na lang ako sa tumambad sa paningin ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Wala na ang gamit kong dala-dala ko kanina lang. Wala na ang movie posters. Wala na ang tarpaulin ng Higit sa Lahat. Iba na ang hitsura ng lugar na kinaroroonan ko; malayo na sa lobby ng Tanghalang Manuel Conde. Muli kong isinuyod ang paningin ko sa lugar na 'yon.

Hindi na nga 'yon ang lobby ng Tanghalan. Sigurado akong ibang lugar na ang kinaroroonan ko.

Kaya lang, nasaan ako?

At isa pa, paano ako napadpad doon, sa kung saan man 'yon?!??

Ang Ligaya Ko'y Ikaw, RLdRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon