V. Dekada Quarenta: Stars Fell on Azcarraga

789 34 7
                                    

V. Dekada Quarenta: Stars Fell on Azcarraga

Para akong nasa isang pelikulang biglang pinatulin sa pagrolyo. Nagsilbing bumilis ang mga pangyayari.

Mabilis. Mabilis na mabilis.

Ang bawat kilos ng lahat ng mga nakapaligid sa akin ay tila minamadali. Ika nga'y naka-fast forward ang mga eksena. Ang pagbilis ng mga kaganapan ay nagdulot ng matinis na tunog. Nagmistulang gasgas at nagmamadali din ang tinig ng mga nasa paligid ko.

Subalit, malamang, hindi na ako kabilang sa mga eksenang ito sapagkat napako na lamang ako sa kinatatayuan ko.

Marahil nga, ako'y isa nang saksi sa mga nagaganap. Kaya lang, sa sobrang bilis ng pagproseso ng mga kaganapang nasasaksihan ko, wala na akong maintindihan pa.

Nalimutan ko na ang susunod na nararapat kong gawin.

Sa isang iglap, naglaho ang lahat.

Blangko; purong puti ang mga imaheng pumalibot sa aking paningin. Nakakabinging awit ng katahimikan ang bumalot sa aking pandinig.

Muli't muli ay wala akong kamuwang-muwang sa lugar na kinahinatnan ko. Ngunit sa kabila ng sapat na paliwanag, hinayaan ko na ang sariling kalooban na tanggapin ang sunud-sunod na kababalaghang dinaranas ko.

Hindi ko pa rin maiwasang magtanong.

Ano na nga ba ang lugar na ito? Ang dimensyon ng kawalan...?

Ano na ang nangyari kina Regidor? Sa Teatro?

Teka, buhay pa ba ako? O ito na ang daan papunta sa... Purgatoryo?

"Hoy, Agatha. Buhay ka pa, 'no! Jijierang frog!"

Napagitla ako sa pagkagulat. Parang pamilyar ang boses at pananalita ng tumawag sa akin. "Sino 'yan? Ikaw ba ang konsensiya ko? Baka naman... Baka naman demonyo ka at balak mong guluhin ang magulo ko nang isipan? Haaah?"

"Gaga. Ako din ito, ang sarili mo. Si Agatha din ito! Demo-demonyo ka diyan? Hallerrrr. Sarili mo na lang nga ang kausap mo, aakusahan mo pa? Hay nako!"

"Pasensiya naman. Kasi dati, kahit kapag kausap ko na ang sarili ko, hindi naman ganito ka-buhay ang usapan. Nga pala, nasaan na ako ngayon? Paano ako napadpad dito?"

"Nakow. Kung ako sa iyo eh hindi ko na poproblemahin ang mga bagay na 'yan. I-enjoy mo na lang ang moment habang naeexperience mo pa!"

"Ngek!" Napangiwi ako. "Ganun! Eh... Paano kung madisgrasiya ako, o ano?"

"Hay nako, talaga. Ayan ka na naman eh. 'Di ba sabi ko, 'wag mo nang problemahin 'yan? You'll be all right, that's for sure.

"Tsaka, isa pa pala. Sa mga panahong mapupuntahan mo, magmumukhang parte ka talaga nun, na parang nabuhay ka nga nun. Pero tandaan mo, para ka lang isang bisita. naging bahagi ka nga ng panaho, kaso hindi tuluyan. Hindi permanente. Panadalian lang. Darating at darating din ang punto kung kailan babalik ka na rin sa totoong panahon."

"Kailan naman 'yon? At paano ako makakabalik?"

"Bastaaaaah. Darating din nga 'yon, eh. Mararamdaman mo naman 'yung oras kapag babalik ka na. Uulitin ko, 'wag mo nang problemahin pa ang ibang mga bagay. Bastaaaah, enjoy ka na lang, 'teh! Karirin mo na habang naroon ka pa sa moment na 'yon. Okay? Gorabelz!"

"Teka, teka. Totoo ba ang lahat ng ito?"

Katahimikan.

Naghintay ako ng kasagutan. Pero wala din akong napala.

Anak ng magulang. Ultimong sarili ko, iniiwan ako sa ere. Anak ng.

Bago pa ako makapagmaktol ng lubusan, nakadama na lamang ako ng isang malakas na pwersa. Pakiramdam ko'y hinihila na ako nito patungo kung saan man. Kasunod nito, para bang nahuhulog na lang ako...

Ipinikit ko ang aking mga mata. Kunwari'y nahihimbing na lang ako.

Pamilyar na sa akin ang ganitong pakiramdam... Kapag nananaginip ako.

Kalmante lang ako. Sa mga panaginip na 'yon, hindi naman ako nasasaktan sa pagkahulog ko.

"You'll be all right, that's for sure..."

Ang Ligaya Ko'y Ikaw, RLdRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon