VI. Dekada Quarenta Uli: Pagbangon Mula sa Trahedya
Tuluyan na nga niya akong hinalikan.
Animo'y huminto ang pagtakbo ng oras. Huminto pati ang paggana ng utak ko.
Para nga namang kami na lang ang mga taong naroon sa ballroom ─ sa piling ng bawat isa, at ng marikit na melodya ng musika sa aming paligid... Wala nang iba.
Kusa akong napayakap sa kanya. Dahil lalung humahapit ang pagkapit namin sa isa't isa, at dahil pilit kong inaabot ang katangkaran ni Rogelio, napapatingkayad na ang mga paa ko mula sa sahig.
Mabagal na ini-angat ni Rogelio ang kanyang mukha pero nakayakap pa rin siya sa akin.
Ganoon natapos ang unang halik.
Pinagmasdan muna namin ang isa't isa.
Hindi pa rin ba kapani-paniwala ang lahat ng ito, mahal kong Agatha?"
Wala akong naisagot. Bagkus, muli ko siyang kinabig papalapit. Ako naman ang umusad para sa isa pang halik. Agresibo na kung agresibo. Eh, sa nawili na kasi.
"Rogelio..."
At nasundan na ang unang beses.
Kaso...
Saka naman bumilis ang mga pangyayari.
Bumalot ang katahimikan.
Blangko. Na naman?
Kahit na ba hindi ko pa ganap na nasilayan ang aking kinaroroonan, alam kong nilisan ko lamang ang Quiapo sa taong 1942. Malamang, napadpad na naman ako sa dimensyon ng kawalan.
Kung saan man nga 'yon.
Nakayakap na lang ako sa ere, sa lugar na unang pinunan ni Rogelio.
Tahimik na nga ang paligid, subalit tila nananatili pa rin sa aking pandinig ang musikang ipinapatugtog bago naglaho ang lahat. Bukod pa riyan, dama ko pa rin ang presensya ni Rogelio. Parang nag-iwan ng bakas ang mga yakap at halik niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Ligaya Ko'y Ikaw, RLdR
Historical FictionItago na lamang po ninyo ako sa pangalang Agatha... Ay, boplaks. 'Yun na nga pala talaga ang pangalan ko. Adik na adik ako sa Klasiks─mukha akong maka-luma; pero in fairness, hindi naman masyadong luma ang aking pagmumukha. At si G. Rogelio L...