Ang Eksena ng "Himala ng Birhen" (Pero Hindi sa Antipolo)

1K 27 44
                                    

Ang Eksena ng Himala ng Birhen (Pero Hindi sa Antipolo) [BONUS. Kuno]
Copyright ©2011 by AnakDalita. All Rights Reserved.

 

 

Himala ng Birhen sa Antipolo, 1947. Ito ang isa sa mga pelikulang kinatampukan ng tambalang Rogelio dela Rosa at Rosa del Rosario.

Eh anu naman, 'di ba?

Wala lang; na-feel ko lang banggitin ang pamagat na 'yan... Kahit na ba, wala talagang kinalaman ang pelikulang ‘yan sa mismong bahagi ng kuwentong ito, pwera na lang sa pagkakahawig ng mga pamagat nila─sinadya ko 'yun. Halata ba?

Tutal, aksidenteng naging PG-13 ang rating ng Ang Ligaya Ko'y Ikaw, RLdR, lubus-lubusin na natin ang pagkakataon.

Ganito ang mangyayari kapag may mangyayari sa pagitan nina Rogelio at Agatha.

Balikan natin ang kabanatang VI. Dekada Quarenta Uli: Pagbangon Mula sa Trahedya, noong magpapalipas ng gabi si Rogelio sa tahanan ni Agatha...

***

Tuluyan nang naglaho ang pagdistansya sa pagitan nilang dalawa. Naging mas komportable na sila gaya ng dati. Mas malaya na silang nakakapagtawanan o kaya'y nakakapag-asaran habang sila ay nag-uusap.

Sa pagka-asar ni Agatha, hinampas-hampas niya si Rogelio gamit ang isang unan.

Habang humahagikgik pa ang dalaga, "Ikaw ha, nakikitulog ka na lang nga dito sa pamamahay ko, gaganyanin mo pa ako! Uhmp, uhmp!"

Tuwang-tuwa ang dalawa na parang mga bata. Patuloy lang si Agatha sa paghampas niya, samantalang sinasangga naman 'yon ni Rogelio. Mapapasubsob ang una sa huli, kaya sasaluhin siya nito. Nagka-untugan pa sila.

"Araykup!" Tumatawa pa rin si Agatha. Hindi niya kaagad napansing nakatitig na lang sa kanya ang binata.

Hayun na naman ang mga titig niya. Bakit ba ganoon na lang siya makatitig? At bakit ba hindi ko rin mai-alis ang sarili kong tingin sa kanya? Bakit ba ganito na lang ako kabahan?

Nanatili lang sila sa ganoong lagay. Pagkatapos, bastang umimik si Rogelio.

"Napansin ko… Ngayon na lang kita nakitang tumawa na ganyan ka-sigla," pasitsit na komento ng binata.

Wala nang nasabi pa si Agatha.

Kaya naman hinaplos ni Rogelio ang gilid ng kanyang mukha. Napakaingat ng bawat haplos ng kamay ng binata, na para bang kaunting diin lang nito ay masasaktan na ang dalaga.

Sa umpisa'y hindi makagalaw si Agatha. Ngunit bago pa umusad ang mga kilos ni Rogelio, umiwas na siya. Umayos na siya saka tumayo.

Ang Ligaya Ko'y Ikaw, RLdRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon