CHAPTER 5

3.4K 83 0
                                    

Sa mansyon ng mga ricalde habang naghahanda ang dalaga sa pagkikita nila ni gabby gusto kasi ng magulang nito na makilala ang dalaga kaya kahit may takot si mayi at paga-alalinlangan ay pumayag na rin ito sa gusto ng isa.

Gusto rin naman kasi ng dalaga na makilala ang pamilya ni gabby lalo pa at matagal na rin silang magkakilala nito, isang white beige lace dress naman ang napiling suotin ng dalaga para sa dinner.

Hindi naman maalis ang kaba sa dalaga na kanina pa ang panay tingin sa salamin kung okay na ba ang suot nito ngayon, hindi naman ito masisi dahil ito ang unang pagkakataon na mamimeet nito ang magulang ng manliligaw.

" Mayi, nahihilo na ako sayo kanina kapa ikot ng ikot eh." Usap ni aria dito pinapunta kasi siya nito para tulungan ang kaibigan sa kaniyang susuotin ngayon.

" Sorry aria, kinakabahan kasi ako eh."

" Bakit ka naman kinakabahan dapat nga si gabby ang kabahan kasi siya yung nanliligaw sayo, hmm umamin ka nga mayi gusto mo na ba si gabby?

" Aria, halata na ba ako? Usap nito habang nakapout ang labi nito.

" Hmm mag-bestfriend tayo mayi so malamang halata ko ewan ko lang si gabby. "

" Pero natatakot pa rin kasi ako lalo na ayaw sa kaniya nila kuya. "

" Ang mahalaga naman gusto mo siya diba?

" Oo gusto ko siya pero paano kung ayaw rin sa akin ng family niya?

" Bakit ka naman hindi magugustuhan? Wala naman akong maisip na dahilan para hindi ka nila magustuhan."

" Ewan hindi ko rin alam eh. "

" Alam mo mayi masyado ka lang nagiisip, ipakita mo nalang kung sino ka talaga sa kanila sa tingin ko naman sa personality mo na yan wala naman aayaw diyan. "

" Kaibigan talaga kita eh. " Natatawang usap nito.

" Oo kaya itigil mo na yang masyadong pagiisip mo mayi, okay?

" Okay, thank you." Nakangiting usap nito sa matalik na kaibigan.

Mga ilang minuto pa at nakatanggap na ito ng tawag mula kay gabby na malapit na ito sa mansyon nila kaya lumabas na agad ito upang doon nalang hintayin ang manliligaw.

Malayo palang natanaw na agad ni gabby ang dalaga hindi naman maiwasan na humanga ito sa taglay nitong kagandahan.

" Hi, ang tagal ko ba? Bungad na bati ni gabby sa dalaga pagkababa nito.

" Hindi naman gabby. " Sagot nito sa isa at panandalian rin pinagmasdan ang kaharap nito ngayon.

" Bakit? Pagtatakang tanong ni gabby.

" Wala, tara na? Pagaaya ng dalaga dito upang maiba ang usapan dahil hindi rin nito naiwasan humanga sa isa dahil ang gandang pogi nito sa suot na black polo long sleeve at black trouser.

" Okay." Tugon ni gabby at inalalayan ang dalaga sa pagsakay ng kotse.

---

30 minutes ang itinagal ng biyahe bago sila nakarating ni gabby sa mansyon, muli naman kinabahan ang dalaga pagdating nila sa lugar, napansin naman ito ng isa dahil sa malalim na paghinga ng dalaga.

" Kinakabahan ka babe? Nakingiting usap nito sa dalaga.

" Oo. "

" Huwag kang kabahan, ako ang kasama mo, akong bahala okay? Paniniguro ni gabby dito.

" Okay."

Pagkababa ni gabby ay inalalayan naman nito ang dalaga sa pagbaba ng kotse.

" Tara." Usap ni gabby at kinuha ang kamay ng dalaga at hinawakan ito ng mahigpit.

Sa bungad ng mansyon ay sinalubong naman sila ng ina ni gabby kasama ang kapatid nito.

" Anak." Pagbati nito kay gabby.

" Mom, si dad po?

" Ah nasa taas pa bababa na rin yun maya maya."

" Oh ikaw na ba si mayi yung laging ikinukuwento sa akin ng kapatid ko? Magiliw na usap ng panganay na kapatid ni gabby sa dalaga.

" Yes, ate this is mayi." Pagpapakilala ni gabby sa dalaga.

" Hello po sa inyo." Maiksing bati ni mayi dito at bumeso sa ina at kapatid ni gabby.

" Tama ang kuwento ng anak ko maganda ka nga iha hindi nakakapagtakang nagustuhan ka ni gabby." Usap ng ina nito.

" Mommy, talaga." Saway nito sa ina, habang napapangiti nalang ang dalaga sa naririnig nito.

" Tara na sa loob, para makapagdinner na tayo." Sabat ni Samantha.

Sandali pa at bumaba na rin ang ama ni gabby at humarap sa kanila.

" Dad." Pagbati ni gabby dito at tumayo upang ipakilala ang babaeng nagugustuhan nito sa ama.

" Pogi, kanina pa ba kayo?

" Hindi naman dad halos kararating lang rin namin, ah si mayi po yung sinasabi ko po sa inyo." Magalang na usap nito sa ama.

" Hello po. " Bati ni mayi at iniabot ang kamay dito ngunit hindi nito tinanggap ang kamay dalaga.

" Upo na tayo." Seryosong usap ni Mr, lorenzo Apuli, panandalian naman na tahimik ang paligid dahil dito.

" Hmm iha balita ko may engineering firm kayo? Usap muli ng ama ni gabby habang kumakain na ang mga ito.

" Yes, po. "

" Kung may engineering firm kayo bakit architecture ang kinuha mo?

" Ahm puro na po kasi engineer sila papa' at kuya gusto ko lang po maiba ng field kahit paano po. " Nakangiting sagot nito ngunit kita sa dalaga ang pagkailang sa mukha nito na pansin ito ni gabby kaya kinuha ang kamay ng dalaga at hinawakan ito ng mahigpit.

" Ilan kayong magkakapatid mayi? Sabat ni Samantha upang maiba ng kaunti ang usapan.

" Tatlo lang po kami ako tsaka yung dalawa ko po na kuya. "

" Pareho pala kayong bunso ni gabby. " Nakangiting usap naman ng ina ni gabby.

" Opo. "

" Bukod sa engineering firm ano pa ang negosyo niyo? Usap muli ng ama ni gabby.

" Dad. " Saway ni gabby sa ama ngunit tinignan lang siya nito ng masama, napayuko nalang naman ito sa ginawa ng ama.

" Ahm, yung engineering firm po namin dun po talaga nakafocus sila papa' pero may mga investment rin po kami sa ibang negosyo."

" Gaya ng ano iha? Construction firm? Pagpuputol nito sa dalaga.

" Yes po. " Sagot ng dalaga habang nakayuko.

" Sana lang hindi makasama ang relasyon niyo ng anak ko sa negosyo ng pamilya namin iha."

" Dad, wala naman kinalaman yung negosyo natin sa relasyon nila ni gabby." Sabat ni Samantha sa ama habang si gabby ay napapailing nalang sa naririnig nito sa ama.

" Nagpapaalala lang ako sa kapatid mo Samantha. " Seryosong usap ni Mr, lorenzo at tumayo ito pagkatapos ay umalis na rin.

" I'm sorry. " Sambit ni gabby habang hawak hawak nito ang kamay ng dalaga.

Natapos ang gabi sa paghatid ni gabby sa dalaga ngunit hindi na sila nito nakapag-usap ng maayos dahil tila nagulat rin ang dalawa sa nangyari kanina.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon