CHAPTER 18

2.1K 77 7
                                    

Present time Philippines.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noon' unang lumabas ang dating magkasintahan na mayi at ralph araw araw ng hinahatid sundo ng binata ang dalaga saan man ito magtungo trabaho man ito o hindi.

Mas sinipagan pa ng binata ang panliligaw nito ngayon kumpara noong una niyang ligawan ang dalaga makikita sa mga gawa nito na gusto niya talagang makuha ang matamis na oo ng dating kasintahan.

Nakikita naman ng dalaga ang mga ginagawa ng binata para sa kaniya at natutuwa ito dahil pinapatunayan nito ang sarili sa kaniya na talagang nagbago na ito malayo na sa dating ralph.

Kaya naman mas naging malapit pa ang loob ng dalaga ngayon sa binata at naging kampante na rin si mayi dito tila nakakalimutan na rin nito ang dating kasintahan na si gabby dahil na rin sa mga ginagawa ng binata para sa dalaga.

Hindi rin maitatanggi ng dalaga na dahil kay ralph kaya siya masaya ngayon ngunit ayaw ni mayi na magmadali sa ngayon at gusto muna talaga nito na mas kilalanin pang muli ang binata bago ito sagutin.

---

" Mam, mayumi ricalde po? Usap ng delivery man kay mayi habang nakaupo ang dalaga kausap ang kaibigan na si Stephanie sa coffee shop nito.

" Yes po, bakit po? Sagot ng dalaga dito.

" Mam flowers po para si inyo pa received nalang po." Nakangiting usap ng delivery man sa dalaga.

" Sakin po? Kanino galing? Pagtatakang tanong ni mayi.

" Kay sir, ralph po mam."

" Ah okay thank you." Sagot ng dalaga dito at tinanggap ang bulaklak.

Maya maya naman nakatanggap ang dalaga ng tawag sa telepono nito.

📲

" Hi, natanggap mo na ba yung flowers? Malambing na usap ni ralph sa kabilang linya.

" Oo, ralph thank you." Tugon ng dalaga dito na hindi matago ang kilig ngayon.

" Hmm welcome, sana nagustuhan mo."

" Oo naman ang ganda ralph thank you ulit."

" Okay sige, sunduin kita mamaya ha? Tanong pa ng binata sa dalaga.

" Sige hintayin kita ralph, bye."

" Bye, mayi." Paalam ng binata sa kabilang linya.

-

" Ahem! Nakakainis parang nawala ako dito mayi nakatanggap ka lang ng bulaklak eh." Pangaasar ni Stephanie sa kaibigan, nginitian lang naman ito ni mayi.

" Hmm mukhang seryosong seryoso na yan sa panliligaw sayo ah may pag-asa ba mayi?

" Hindi ko pa alam gusto ko pa siyang kilalanin pa ayoko magmadali ngayon steph."

" Mabuti rin naman yun pero tingin ko naman nagbago na rin si ralph ngayon mayi, tsaka matagal kana rin na single ano."

" Tingin ko rin naman nagbago na siya gusto ko lang na makasiguro ngayon steph."

" Pero alam mo mayi ngayon lang ulit kita nakitang kinilig hmm masaya kaba? Napapasaya kaba ni ralph?

" Hindi ko naman matatanggi na masaya ako ngayon sa mga ginagawa ni ralph para sakin I feel special, ngayon ko lang ulit 'to naramdaman steph."

" Ayoko sirain ang happiness mo ngayon mayi pero paano si gabby?

" Anong paano si gabby? Matagal na sila ng girlfriend niya ngayon, matagal na rin na hiwalay kami at wala na rin siya dito sa pilipinas."

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon