3 months after.
" Babe, saan ba talaga tayo pupunta? Tanong ni mayi sa kasintahan habang nasa gitna sila ng biyahe patungo sa hindi niya alam.
" Basta baby chill lang ka muna diyan." Sagot ni gabby sa nobya at hinalikan ang kamay nito at muling nagfocus sa daan.
" Okay babe hays." Binaling nalang ni mayi ang mata sa labas ng bintana ng kotse.
" Naiinip kabang kasama ako baby?
" Hindi babe, hindi ko lang kasi alam kung saan ba tayo pupunta baka itanan mo kasi ako, hindi naman kailangan kasi sasama naman ako sayo kung sasabihin mo lang sa akin eh. " Nakapout pa ang labi ni mayi kaya natawa nalang ang kasintahan dito.
" Baby hindi kita itatanan bakit ko naman yun gagawin alam ko naman na sasama ka sakin." Natatawang usap pa rin ni gabby.
" Tinatawanan mo ba ako? Sa sofa ka mamaya matulog huwag kang tatabi sakin! Mataray na usap ni mayi at Inirapan si gabby.
" Hays! Baby natatawa lang eh." Napapakamot ulo ni gabby.
" Ewan. " Inirapan ulit nito ang kasintahan, muli naman hinawakan ni gabby ang kamay ng nobya at hinalikan ito.
" Eh sorry na baby malapit na tayo oh." Pagiiba ni gabby dahil alam niyang inis na ito sa kaniya.
Ilang minuto pa sa biyahe at maya maya ay pumasok na sila sa isang building dito sa bgc, nagtaka naman si mayi kung anong gagawin nila sa lugar.
" Babe anong gagawin natin dito."
" Basta baby." Ngiting tugon nito sa nobya.
Nang maiparada ni gabby ang kotse nito agad naman itong bumaba at pinagbuksan ng pinto ang nobya pagkatapos hinawakan ang kamay nito, sumakay ang magkasintahan ng elevator, huminto ito sa 10th floor ng building.
" Babe saan ba talaga tayo pupunta?
" Baby basta malapit na at wag kang mag-alala hindi ako magpupropose kasi alam ko hihindian mo lang ako eh." Pagbibiro ni gabby na tahimik naman si mayi dito.
Maya maya huminto sila sa isang unit at kinuha ni gabby ang susi nito sa kaniyang bulsa habang nakangiti ito sa nobya, pagpasok nila ng pinto na gulat naman si mayi sa laki ng unit at inikot ang mga mata nito.
" Kanino 'to babe?
" Nagustuhan mo ba baby?
" Oo ang ganda." Napabaling naman ang dalaga sa kasintahan sa tanong nito.
" Huh? Sa atin' to babe? Lumapit at yumakap si gabby sa likod ng nobya at ipinatong ang baba sa balikat nito.
" Yes baby diba yun naman ang pangako ko sayo bago ako umalis papuntang Australia?
" Seryoso ka talaga dun? Paano sila mama' at papa'? Hinawakan ni mayi mukha ng kasintahan.
" Edi magpapaalam ako sa kanila na ibabahay na kita baby." Kinindatan pa nito ang nobya.
BINABASA MO ANG
The Broken Promise ( BINI Series #2 )
FanfictionGWELOI AU Paano kung makalimutan ang ipinangakong pag-ibig? Magkaroon din kaya sila ng second chance? Tunghayan. I suggest to read first Girlfriend For Hire para magkaroon kayo ng idea sa love story ni Gabby & Mayi WARNING : R-18 | GXG Mature conte...