Kinabukasan pagkatapos ng gulong nangyari sa pagitan ng kapatid ni mayi na si dave at dating kasintahang si gabby sa bar.
Tahimik ang buong pamilya ng ricalde habang kumakain ng almusal tila hinihintay ng mga ito na magsalita ang ama nila tungkol sa nangyari noong gabi.
" Papa' Sambit ng dalaga sa ama nito.
" Hindi ko gusto ang ginawa mong gulo dave kagabi sa bar nanira pa kayo ng negosyo ng ibang tao! Mataas na tuno ni Mr, Matteo Ricalde, natigilan naman ang dalaga sa sasabihin nito sa ama.
" I'm sorry papa' pero inayos na po yun ng abugado natin bayad na po yung mga nasira namin doon." Sagot ni dave sa ama.
" Kahit na! Nakakahiya ang ginawa mo ikakaladkad mo pa ang pangalan natin sa madla! Napayuko naman si dave sa sinabi ng ama.
" Pero papa' kung ako rin ang makakakita nun gagawi ko rin yun ang ginawa ni dave hindi ko hahayaan na lokohin lang ng mokong na yun si mayi at wala akong gagawin para iganti ang bunso kong kapatid." Sabat ni philip, tinignan lang naman ito ng ama.
" Gaano na ba kayo katagal na hiwalay ni gabby, mayi? Tanong ng ina ni mayi.
" Mahigit isang linggo na po mama'
" Isang linggo na kayong hiwalay pero hindi mo sinasabi samin mayi? Galit na usap ni dave.
" Hindi ko talaga sinabi sa inyo dahil ayoko ng gulo at alam ko kung anong gagawin niyo kay gabby kuya."
" Inaalala mo pa rin yung gagong yun mayi?! Kahit niloko kana niya! Galit na usap rin ni philip.
" Hindi naman sa ganun kuya pero problema namin yun ni gabby at ayoko na kayong idamay pa matanda na ako para alagaan at protektahan ang sarili ko."
" Yun din ang akala ko mayi, masyado yata akong naging maluwag sayo pagdating sa pakikipag-relasyon mo diyan kay gabby. " Naiiling na usap ng ama.
" Matteo. " Awat ng ina ni mayi sa asawa.
" Papa' pati ba naman kayo?
" Kung dati ayoko makipag-kompentesya sa construction firm nila dahil sayo mayi ngayon iba na, mabuti na rin siguro naghiwalay kayong dalawa nakaka-abala lang naman yung relasyon niyo sa negosyo natin. "
" Papa' naririnig mo ba sarili niyo parang wala na kayong pinagkaiba kanila kuya." Tila hindi makapaniwala si mayi sa narinig nito sa ama.
" Hindi kami nagkamali ni kuya philip sa pagkilatis diyan kay gabby nasa dugo naman kasi talaga ang manloko ng babae kagaya ng pinsan niya. "
" Puwede ba kuya dave, may asawa na si mika tahimik na yung buhay nung tao labas si mika sa problema namin ni gabby." Pagtatanggol pa nito sa kaibigan.
" Tama na yan nasa harap tayo ng hapag kainan puwede bang kumain nalang muna tayo? Saway ni Mrs, Ricalde sa mga anak.
" Simula ngayon ayoko ng malalaman na nakikipag-kita o nakikipag-usap kapa sa gabby na yun mayi putulin mo na ang ugnayan mo sa kaniya. " Maotoridad na usap ni Mr, Ricalde.
" Hays! Papa' tapos na kami ni gabby kaya malabong rin na mag-usap pa kaming dalawa." Naiiling na sagot ng dalaga.
" Siguraduhin mo lang mayi dahil ayoko ng makikitang tatapak pa si gabby sa pamamahay na 'to." Banta nito sa anak na bunso, tumango nalang naman ang dalaga dito dahil ayaw niya ng pahabain pa ang usapan.
-----
Nagising si gabby ngayong umaga sa kuwarto nito dahil sa amoy na galing sa kusina niya, pinilit nitong iminulat ang mata para magtungo sa labas at alamin kung sino ang tao sa kitchen dahil tanging si mayi lang naman ang alam nito na may susi ng condo niya, kaya kahit masakit ang katawan ay mabilis itong bumangon.
BINABASA MO ANG
The Broken Promise ( BINI Series #2 )
FanficGWELOI AU Paano kung makalimutan ang ipinangakong pag-ibig? Magkaroon din kaya sila ng second chance? Tunghayan. I suggest to read first Girlfriend For Hire para magkaroon kayo ng idea sa love story ni Gabby & Mayi WARNING : R-18 | GXG Mature conte...