" Tita gabby nasa harap sila Queen puntahan natin bilis." Usap ng gwapong batang lalake sa tabi nito.
Kasama pala ni gabby si king at kanina pa rin nito hanap hanap ang kambal niya, kilala na si gabby ng mga bata dahil nang dumating ito sa bansa kasama ang mga ito sa sumundo sa kaniya.
" King nakita ko mamaya na kapag tapos na yung kasal ng mga magulang mo tsaka alam kong gwapo ka pero please lang huwag mo akong tinatawag na tita hays!
" Ehh ano po ba dapat ang itawag ko sayo tita gabby?
" Ang kulit mo naman king ilang beses ko bang sasabihin huwag mo nga akong tatawagin tita nawawala yung angas ko sayo eh." Napakamot ulo nalang ang batang lalake sa kaniya.
" Edi tita pogi nalang puwede na po ba yun?
" Hays bahala ka king." Mahinang usap ni gabby sa batang lalake at tinuon ulit nito ang mata sa dating nobya na ngayon ay nasa harapan lang.
Napabaling naman ang ulo ni mayi sa bandang likuran ng mga upuan at nakita nito ang dating kasintahan na ngayon ay nakatingin sa kaniya, nginitian niya naman ito at ngiti rin naman ang sinagot ni gabby dito.
Pagkatapos ng wedding ceremony hinila agad ni Michael si gabby patungo sa kambal nito na kasama naman ngayon ni mayi, kaya wala na itong nagawa kundi sumunod sa batang lalake.
" Teka lang king michael madapa naman tayo sa ginagawa mo. " Reklamo ni gabby habang hila hila siya nito.
" Queen! Malakas na tawag ni king sa kambal na babae.
" King! Tawag rin nito sa kambal habang palapit kanila gabby at hila rin nito si mayi.
" Queen janna, wag ng tumakbo." Saway pa ni mayi dito.
" Hi. " Naiilang na bati ni gabby sa dating nobya pag dating nila sa harap ng mga ito.
" Hi, gabby." Tugon ni mayi kay gabby at sandaling na tahimik ang dalawa.
" Queen puntahan natin sila dada." Bumitaw ito kay gabby.
" Sige tara." Bumitaw rin ito kay mayi.
" Mag-ingat." Sabay na sambit ng dating mag kasintahan natawa naman dito ang dalawa.
" Oh king, queen nandito lang pala kayo kanina pa kayong hinahanap ng mommy at dada niyo." Tawag ng isa sa yaya ng kambal, natawa naman muli ang dalawa sa kakulitan ng kambal.
-
Nanatiling tahimik lang ang dalawa hanggang mapunta sila sa bandang likuran nang garden kung saan makikita rin ang malawak na lupain ng hacienda.
" Kumusta kana? Napalingon naman si gabby sa dating nobya.
" Mabuti naman ako mayi, hmm ikaw kumusta ka?
" Mabuti rin ako gabby."
" Mabuti naman kung ganun mayi." Naiilang na sagot ni gabby.
" Kumusta ang Australia gabby? Lumingon ito sa dating kasintahan, napalingon rin si gabby sa tanong ni mayi.
" Huh?
" Ang sabi ko po kumusta ang Australia gabby? Naalala ni gabby ang panaginip nito kaninang umaga lang.
" Hays! Hindi naman siguro kasal na 'to ano? Mahinang usap nito sa sarili na bahagyang narinig ni mayi.
" Ano yun gabby?
" Wala mayi ahm okay lang marami pa rin kangaroo." Natawa naman sa kaniya ang dalaga.
" Please sana hindi pa siya kasal hays! Usap ni gabby sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Broken Promise ( BINI Series #2 )
FanfictionGWELOI AU Paano kung makalimutan ang ipinangakong pag-ibig? Magkaroon din kaya sila ng second chance? Tunghayan. I suggest to read first Girlfriend For Hire para magkaroon kayo ng idea sa love story ni Gabby & Mayi WARNING : R-18 | GXG Mature conte...