CHAPTER 26

2.1K 69 9
                                    

Halos dalawang taon nakalipas nagpatuloy ang relasyon nila gabby at Ashley dahil sa utos na rin ng ama ni gabby hindi man ito gusto ni gabby ngunit sinunod pa rin nito ang ama kahit hindi ito madali sa kaniya.

Sa loob na mga taon na ito ay pinag-aralan naman ni gabby na mahalin si ashley dahil ito ang gusto ng ama para sa kaniya, sa panig ni ashley ay naman hindi ito naging mahirap na sundin ang kagustuhan ng ama.

Dahil mahal naman niya si gabby kahit na alam niya sa sarili na hindi talaga siya mahal ni gab pero umaasa pa rin si ashley na matutunan at mamahalin rin siya nito sa huli dahil nakuha naman niya ang loob ni gabby noon.

Sa loob ng mga taon na ito ay hindi rin naging maganda ang samahan ng mag-ama dahil na rin sa performance ni gabby sa kompanya madalas itong late na pumapasok ang malala pa ay pumapasok rin itong may hangover o hindi kaya nakainom.

Sinubukan rin ni gabby na lumapit at kausapin si mayi ngunit ang dalaga na mismo ang umiiwas dito at kung mag-usap man ang dalawa kapag aksidente silang nag- kita ay tinatry ng dalawa na maging civil nalang sa isa't isa dahil nalang rin sa mga kaibigan nila.

Habang si mayi naman ay nagpatuloy lang sa bagong buhay nito na wala si gabby dahil sinunod rin nito ang kagustuhan ng ama na iwasan ang dating kasintahan nagpasya rin ito na umalis ng bansa pagkatapos umalis ni aria patungong new york kasama ang kaibigang si audrey.

-

" Hmm sigurado kana ba mayi na aalis ka? Tanong ni Stephanie kay mayi habang ang dalawa ay nasa coffee shop nito.

" Ayoko sana steph pero kailangan masyado ng maraming nangyari dito ang hirap makalimot kung palagi pa rin kami aksidenteng nagkikita ni gabby."

" Eh kailan na ba ang alis mo papuntang japan?

" Sa susunod na araw na, may mga tinapos lang akong trabaho dito ayokong umalis na hindi ayos yung mga yun Stephanie."

" Hindi mo ba sasabihin kay gabby na aalis ka?

" Para saan pa steph? May sarili na siyang buhay ayoko ng guluhin pa yun."

" Pero mayi alam naman nating lahat na mahal kapa rin niya at ilang beses siyang nagtangka na kausapin ka tungkol sa nangyari sa inyo."

" Mahihirapan lang ako kapag nakita ko pa si gabby bago ako umalis."

" Hindi naman sa gusto ko pa kayo na magka second chance ni gabby pero alam ko kasi na mahal mo pa rin siya mayi bakit hindi kayo mag-usap for the last time?

" Hindi ko pa kaya steph yung huling kausap ko pa sa kaniya noong na hospital pa si aria pinilit ko na nga lang humarap sa kaniya at kausapin siya para na rin kay aria eh pero tungkol sa amin na dalawa hindi ko kaya." Dahil alam ng dalaga na konting konti nalang at bibigay na rin siya sa dating kasintahan kapag nakipagkita pa siya dito.

" Mahal mo pa rin talaga siya mayi eh bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Hindi naman ito magawang sagutin ni mayi.

" Hmm sila tito at mga kuya mo ba mayi? Napahinga naman ng malalim ang dalaga.

" Kahit anong gawin ko Steph tapos na rin naman kami ni gabby oo mahal ko siya pero hindi pa rin mawala yung sakit dito sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko yung mga panloloko niya sakin." Hindi naman namalayan ng dalaga na tumulo ang luha nito sa pagkakaalala ng nakaraan nilapitan naman ito ni Stephanie at niyakap.

" Hays mayi, buti nalang talaga hindi ako gusto ng crush ko at least yun hindi naman masyado masakit konti lang. Pagbibiro ni Stephanie para mapagaan ang loob ni mayi natawa naman ito.

The Broken Promise ( BINI Series #2 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon