Habang abala si mayi sa gitna ng trabaho nito sa baba ng opisina na pansin nito na kanina pa ang panay tingin sa kaniya ng assistant na si lea kaya sinita niya na ito.
" Yes lea may kailangan kaba? Napatingin naman saglit sa kanila ang ibang tauhan ni mayi.
" Bigla po kasi kayong nawala kagabi mam tapos akala namin dala niyo yung kotse ng opisina nung umalis kayo?
" Nag-grab ako kagabi para may magamit kayo pabalik dito, may emergency kasi ako I'm sorry hindi ko nasabi sa inyo."
" Ganun po ba hmm nag-grab rin po ba kayo mam pagpasok ngayon? Nasa parking lot po kasi yung kotse niyo kaya akala namin maaga kayong pumasok ngayon." Usisa pa ni lea.
" Oo lea nag-grab rin ako para makatipid sa gas."
" Ang ganda na pala ng grab ngayon mam? Hinahatid ka na ni driver sa harap ng pinto? Sabat ni jayr na editor ni mayi at iniabot sa kaniya ang isang flash drive.
Naalala naman ni mayi na may cctv camera nga pala ang opisina niya sa labas nito at malamang nakita nila kung sino naghatid sa kaniya.
" Mam tapos ko na po iedit yan pa check nalang po kung tama." Nakangiting usap nito.
" Okay jayr thank you! Nginitian nalang rin ni mayi ang editor kahit kulang nalang lamunin siya ng lupa at tumalikod na rin ito sa kaniya.
" Pero mam ang blooming niyo po today ano po sekreto niyo? Bulong ni lea sa amo ngunit bahagya itong narinig ng ibang tauhan ni mayi.
" Lea. " Sita ni mayi dito.
" Totoo mam sinabi ni lea ang blooming niyo po today, maganda naman kayo palagi pero iba po ganda niyo ngayon." Sabat ng isa pang tauhan ni mayi, nginitian nalang naman ito ng dalaga.
Tumayo naman si mayi ng maalala rin niyang na ligo lang siya ngunit hindi pa nakakapagpalit ng damit kaya tumungo muna ito sa taas ng office niya para magpalit ng damit at makaiwas na rin sa panguusisa ng mga tao sa baba.
Hindi na rin bumaba si mayi ng opisina niya at doon na lang itinuloy ang trabaho upang makaiwas na rin sa mga tanong ng mga tao niya sa labas.
-----
" Ginagawa niyong dalawa dito? Bungad ni gabby sa kaibigan na si joey at cley pagbukas niya ng pinto.
" Edi dinadalaw ka gabby gago ka akala namin na paano kana bigla kang nawala kagabi! Sagot ni cley at umupo ito sa sofa.
" Hoy! Saan kaba nag-punta kagabi bakit bigla kana lang nawala ha? Sabat ni joey na ngayon ay nasa kitchen at kumukuha ng beer sa ref.
" Feel at home na feel at home kayo dito sa bahay ko ah! Hinagisan naman ito ni joey ng beer.
" Yung tanong namin ang sagutin mo gabby saan ka galing?!
" Tama si cley saan ka galing ha? Huwag mong sabihin may babae kana naman gabby? Tanong ni joey.
" Gago akala niyo naman sakin?
" Babaero? Sabay na usap ng dalawa.
" Isang beses lang ako nambabae sa buong buhay ko! Yang si cley ang babaero dito eh."
" Hoy! Hoy! gabby pinapasa mo pa sa akin tapos na yun may steph na ako noh!
" Oh edi ikaw na cley."
" Isang beses ka nga lang nambabae nawala naman si mayi sayo."
" Ano personal talaga tayo dito joey?
" Sagutin mo kasi tanong namin gabby eh." Natatawang usap ni joey.
" Oo nga saan ka nga kasi pumunta kagabi at iniwan mo kami tapos hindi mo pa sinasagot mga tawag at text namin sayo? Dagdag pa ni cley.
BINABASA MO ANG
The Broken Promise ( BINI Series #2 )
FanfictionGWELOI AU Paano kung makalimutan ang ipinangakong pag-ibig? Magkaroon din kaya sila ng second chance? Tunghayan. I suggest to read first Girlfriend For Hire para magkaroon kayo ng idea sa love story ni Gabby & Mayi WARNING : R-18 | GXG Mature conte...