Chapter 6: Rooftop

16 0 0
                                    

Rooftop

Francess' POV

Hance
Goodmorning princess, huwag kang magpapalipas ng gutom ha?

Kumawala nanaman ang isang luha ko pagkabasa ko ng chat niya. 'Ate mahal ka ni Rence,' naalala ko pa ang sinabi ni Dani sa 'kin.

Kung talagang mahal niya ako hindi siya magsisinungaling sa 'kin at hindi niya ako sasaktan ng ganito.

Hindi ko siya nireplyan at lumabas na ako ng kwarto ko. Dumeretso na ako sa labas. Hindi ko na hihintayin si Dani, masyado pang masakit ang ginawa niya sa 'kin para pansinin ko.

Pagkarating na pagkarating ko sa room ay walang bumati sa 'kin, walang nagsalita. Ako naman ay nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa naabutan ko ang upuan ko.

"Cess, umiyak ka ba?" Napatingin agad ako kay Kris dahil sa tinanong niya.

"Ah hindi ah, bakit mo nasabi 'yan?" sabi ko na pinilit kong magmukhang normal.

"Namamaga mata mo oh," sabi niya at umiwas lang ako ng tingin sa kanya. "Bakit ka umiyak?" tanong niya na hindi ko ulit sinagot. "Please naman sagutin mo, para alam kong nangyari sa 'yo-"

"Ano bang pake mo!" hindi ko na mapigilan na pagtaasan siya ng boses dahil sa kakulitan niya.

"Sorry, nagtatanong lang naman ako eh," huling sabi niya bago ako umalis at nagtungo sa rooftop.

Buti dito walang pupuntang tao saka hindi pa nila ako masisita na pupunta sa room ko kasi wala namang pupuntang guard dito.

Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko dito nang may nakita akong upuan kaya naupo na muna ako rito hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

***

Rence' POV

Pinagmasdan ko lang ang natutulog na babae sa rooftop. Dito rin ba ang tambayan niya? Pero hindi ko siya nakikita rito. Actually dito na talaga ako pumupunta.

Hinawi ko ang ilang strands ng buhok niya na pumupunta sa mukha niya. Kamukhang-kamukha talaga niya si Ellah.

Si Ellah ang girlfriend ko. After ng accident ay hindi na namin siya nakita. Sabi ng iba na patay na siya pero ayokong maniwala kasi wala namang nakitang katawan sa loob ng sasakyan nung time na yun. Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na babalik siya. Mahal ko pa rin siya at alam kong hindi ako pwedeng magreplace ng tao lalo na kung mahal ko yung taong yun. Hindi ko pwedeng sabihing siya si Ellah dahil hindi nga niya ako kilala.

Nang ilang sandali pa ay gumalaw na ang kamay niya at sign iyon na magigising na siya.

Paggising niya ay napalaki agad ang mata niya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya at bumangon na.

"Binabantayan ka," sagot ko.

"Ha?" nagtatakang tanong niya. "Eh hindi ka ba pumasok sa klase mo?" tanong niya.

"Hindi na," sagot ko naman.

"Bakit naman? Umabsent ka nang dahil lang sa 'kin?" tanong niya muli.

"Ah hindi kasi kita maiwan-iwan dito eh," sagot ko muli sa kanya.

"Dapat pumasok ka pa rin kahit na mag-isa na ako dito," wika niya.

"Hindi ko hahayaang mangyari yun, Ellah. Dito ka lang sa tabi ko okay?" Napalaki muli ang mata niya dahil sa nabanggit kong pangalan.

At may nakita akong isang luhang kumawala sa kaliwang mata niya.

"You see me as Ellah, don't you? Kaya mo ako hindi malisan-lisan kasi nakikita mo si Ellah sa 'kin?" Tumayo na siya at nagsimula ng umiyak. "Alam mo pare-parehas lang kayo eh. Mga manloloko kayo! Mga sinungaling," sabi niya at umupo na muli at umob-ob sa desk ng upuan dito. "Waahhh!" pag-iyak niya at hinagod-hagod ko na lang ang likod niya.

I met him in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon